Chapter 5

260 3 1
                                    

AFTERNOON break nang tumungo si Cera sa rolling store na naroon sa gawing kalsada. Nakabili na ng meryenda ang mga kasama niya. Nagugutom na rin siya kaya iniwan niya ang puwesto. Pumipili na siya ng bibilhin nang matuon ang kanyang pansin sa kotseng nasa kabilang panig ng kalsada. Agad na binalot ng takot ang dibdib niya.

Napansin niya ang babaing umibis mula sa kotse at patawid sa kalsada. Napansin niyang nakatingin ito sa kinaroroonan ng rolling store. Mabilis ang naging kilos ni Cera. Nakayuko siyang tumalilis pabalik sa pinapasukan. Habol niya ang kanyang paghinga nang makabalik sa kanyang puwesto.

"Nasaan ang meryenda mo?" Ano ang ginagawa nito roon? Natunton na ba ng mga ito ang kinaroroonan niya? Hindi siya mapalagay. Matindi ang kabang nararamdaman niya.

"Cera!"

"На?" Nangunot ang noong kasangga niyang si Melba sa receiving section. "Kako, nasaan na ang meryenda mo?

Bakit wala kang dala?"

"Wala akong magustuhan, e. Papasok na lang ako sa loob mamaya. Bibili na lang ako ng crackers. Hindi pa naman ako nagugutom, e.

"Cera, may naghahanap sa iyo."

Ang guwardiya ang nalingunan niya. Galing ito sa labas. Kinabahan na naman siya. Sino ang maghahanap doon sa kanya? Hindi kaya...

Imposible!

"S-sino?"

"Ako."

Nilindol ang pagkatao niya nang makita ang naghahanap sa kanya. "Pa-paano mo ako natunton dito?"

Si Darla, ang kanyang pinsan.

Hindi siya makapaniwala. Paano nito nalaman na "Cera" ang kanyang pangalang ginagamit doon? Hindi na pala talaga siya ligtas. Alam na ng kanyang pamilya ang kinaroroonan niya!

Napansin niyang tinapunan ng tingin ni Darla ang guwardiya at si Melba. Ibinalik nito ang tingin sa kanya. There was concern in her eyes.

"Importante..."

Marahan siyang tumango. Hindi gulo ang dala sa kanya ng pinsan. Kahit papaano ay nabunutan siya ng tinik sa dibdib. Itinuro niya ang upuan para sa bisita.

"Puwede n'yo ba muna kaming iwan?"

Unang tumalikod ang guwardiya. Sumunod si Melba.

Umupo naman ang kanyang pinsan sa itinuro niyang silya.

Napansin niyang nakatutok ang mga mata nito sa malaki niyang tiyan.

"You're pregnant..."

Hindi niya pinansin ang sinabi nito.

"Paano mo ako natunton dito? Paano mo nalamang 'Cera' ang ginagamit kong pangalan?" halos pabulong niyang tanong sa pinsan, Ito ang babaing kailan lang ay.

"Nakita kita sa labas kahapon. Dito ka nanggaling. Hindi na kita nahabol dahil nakasakay ka na. Itinanong na lang kita sa isang saleslady na halos kasabay mo lang sa paglabas."

Hindi siya nakaimik.

"You're in great danger..."

Natigagal siya.

"Dito sila nakatuon ngayon sa Makati district. Kaya mas makabubuti kung umalis ka na rito. Lumipat ka sa ibang lugar. Dahil oras na makita ka nila, against your will, ibabalik ka nila sa asyenda."

No, ayaw na niyang bumalik pa sa asyenda! Isang hawla iyon. Nungkang tutuntong pa siya roon. Mukhang nagsasabing totoo ang kanyang pinsan. Dagdagan pang lang beses na niyang nakita ang mga tauhan ng ama roon!

Marahan siyang tumango.

"K-kumusta ang mama?"

"She's doing fine. Subalit hindi mo maaalis sa kanya ang mag-alala sa pag-alis mo. But she's coping with it. Kagaya mo, gusto niyang maging malaya ka."

Passionate Surrender - Catarina ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon