Chapter 1

975 6 1
                                    

KENT Limjuco?

Nanginig ang mga kamay ni Cera habang hawak ang diyaryo. Kinabahan siya, hindi makapaniwala sa natuklasan. Galing pala sa buena familia ang lalaki.

Subalit hindi naman siya maaaring magkamali. It was really him. Pano ba niya makalimutan ang kaguwapuhang iyon ng lalaki? Ang kakisigan nitong nakakahalina?

Kapagdaka ay nahalinhan ng tuwa ang kabang namumuo sa kanyang dibdib. Ang suwerte niya. Primera klase pala ito. May sinasabi.

"Maganda na ba ako?" anang tinig. Napatingin siya sa kasambahay, si Liberty.

"Kailangan ko pa bang sagutin iyan? Siguradong lalong mahahalina sa iyo ang Koreano na iyon.

"Ano ba ang nabasa mo riyan at napapangiti ka pa?" nagdududa nitong tanong, pero ang mga kamay ay nasa bewang. Iminumuwestra nito ang ayos.

"Wala naman." Hindi naman namilit si Liberty. Kasunod niyon ay halos maligo ito sa pabango.

Lumiban ka na muna sa iyong trabaho. Magpaalam ka mamaya."

"Walang problema, day off ko bukas," nakangiti niyang sabi. "Nagdilang-anghel nga ako. Maligayang-maligaya ako para sa iyo. Paano iyan, makakarating ka na sa Korea?"

Ngiting-ngiti si Liberty. "Aasikasuhin namin ang mga papeles ko. Akalain mo, sa Korea na pupulutin itong beauty ko." It was supposed to be a joke, pero hindi nito napigilan ang pagpatak ng luha.

Niyakap naman niya ang kaibigan. "Hindi ka naman dapat na umiyak, e." Ngunit nagbabanta naman ang luha sa gilid ng kanyang mga mata. "Bibihira lamang dumating ang ganitong klaseng suwerte. Isa ka sa mga pinalad."

"Hindi ko lang napigilan ang aking emosyon. Hindi ko akalaing meron pang mag-aahon sa akin..." Pinahid na nito ang luha at pilit na ngumiti.

NAKILALA ni Cera ang mapapangasawa ni Liberty nang sumunod na araw. Naroon sila sa munisipyo.

Sa kabiglaanan ng dalaga, halos kasing-edad lang ng kaibigan niya si Samilo. Guwapo ang lalaki. Witnesses din ang mga kaibigan nitong mga Koreano.

Pagkatapos ng kasal, hindi na napigilan ni Cera ang mapaluha. Natupad na ang pangarap ng kanyang kaibigan. Agad silang nagtuloy sa isang restaurant.

Sa obserbason niya, hindi isip ang ginamit ni Liberty sa pagpapakasal kundi talagang umiibig ito. Very visible ang pag-ibig sa mga mata ng kaibigan. Halata rin ang Pangingslap ng mga mata ni Samilo. Malagkit ang mga itinatapong tingin ni Samilo sa asawa. Sa tatlong banyaga, ito ang pinakabata. Ang dalawa nitong kasama ay mga nasa treinta na ang edad.

"When will you guys be leaving for Korea?" Tapos na silang mag-celebrate nang mangahas magtanong si Cera. Napansin niyang kapit-tuko ang kaibigan sa asawa.

"We're still preparing her documents," nakangiting paglalahad ni Samilo. "But that's not a problem. She'll come with me whatever it takes."

Binalingan niya si Liberty. "Hindi ka na uuwi sa bahay? Sasama ka na sa hotel ni Samilo?" Sa hula niya'y hindi ito didistansiya sa asawa.

Tumango ito. "Sa hotel kami titigil hanggang sa makaalis. Mamayang gabi namin kukunin ang aking mga gamit. Para tahimik. Hintayin mo kami."

Naintindihan niya ang kausap.

Biglang may naisip si Liberty. "Wala ka bang natipuhan sa mga kasama ng asawa ko?" Kinindatan nito ang dalawang Koreano. "Puro binata ang mga iyan."

"Salamat. Pero huwag mo na silang ireto sa akin. Maligaya na ako para sa iyo."

Hindi naman nangulit si Liberty. Pagkagaling nila sa restaurant, dumiretso ng uwi si Cera. Naghihintay sa kanya ang mga labahan niya.

INIHATID ni Cera ang mag-asawa sa airport makalipas ang dalawang linggo. Kasamang aalis nina Liberty at Samilo ang mga kaibigang Koreano.

Bago nag-check in, nagyakap silang magkaibigan.

Hindi na iyon sa Quezon City, sa Makati na. Malapit lang sa kanyang tinutuluyan. Menos gastos siya sa pamasahe. Malaki ang matitipid niya. Pero lately, laman ng kanyang isipan ang lalaking iyon, si Kent Limjuco.

Simula nang makita niya ang litrato nito sa isang magazine, laging sumasagi sa isip niya ito. Kent Limjuco... Kay gandang pangalan. Bagay sa isang matikas na lalaki. Naalala niya kung paano nangatog ang mga tuhod niya noon. Kung paano siya pinanawan ng tamang kaisipan.

Lamang sa ngayon, hindi lang ito ang laman ng isipan niya. Meron pang nagsusumiksik na ibang alalahanin. Mga bagay-bagay na ayaw na niyang maalala pa sana. She sighed deeply. Sa laki ba naman ng Metro Manila, mukhang imposibleng magtapat pa uli ang kanilang mga landas. Ganunpaman, she had no desire of seeing him or whatsoever.

HINDI naman nahirapang makisama ni Cera sa mga kasamahan niya sa trabaho. Friendly siyang tao kaya nakuha niya kaagad ang tiwala ng mga ito. Dagdagan pang magaling siyang makisama.

Sinisimangutan na't lahat, kontodo ngiti pa rin siya. Ayaw niyang magkaroon ng kaaway. Kung maaari lang ba niyang maging kaibigan ang lahat ng tao. Minsan naman ay naiisip niya si Liberty, Maligaya ngayon ang kaibigan niya sa piling ng asawa nito. Mabuti Pa ito, natagpuan na ang kaligayahan at peace of mind, pero siya, nagpatung-patong ang dalahin niya sa dibdib.

Heto ngayon, may problema na naman siya. Kaysa naman maging kriminal siya, minabuti niyang lisanin ang kanilang lugar para makaiwas sa matinding usap-usapan. Sa pinangalingan, mabilis na kumalat ang balita. Tampulan kaagad ng tsismis ang pinupuntiryang tao. Baka makakita lamang siyang away. Kaysa naman mauwi sa ganoon, nagpasya siyang maghanap ng bagong matitirhan.

Kompirmado na niya ang kalagayan nang mabasa niya sa diyaryo ang tungkol kay Kent Limjuco. Pakiramdam niya ay piniga ang kanyang damdamin habang nagbabasa.

The most sought-after bachelor in town, in the person of Mr. Kent Limjuco, soon to exchange vows with his fiancee, the ever alluring and dishy Ms. Diana Cojuangco, in a private ceremony in Las Vegas tomorrow.

Hindi siya dapat makaramdam ng paninibugho. Sabagay, ordinaryo lang siguro iyon sa kagaya niyang humahanga, sa katulad ni Kent Limjuco. Hindi niya itinatanggi ang katotohanang iyon. Well, he was charming. Mahirap bale-walain ang angking kakisigan nito. Kahit na sinong babae, makukuha nito ang atensyon.

Subalit ang lungkot-lungkot niya sa balitang bukas ay ikakasal na ang lalaki. Pakiramdam niya ay pinagbagsakan siyang langit at lupa. Inggit ang pakiramdam niya kay Diana Cojuangco.

Kung si Kent ang tipo ng lalaking primera klase, ang mapapangasawa naman nito ang kaakit-akit na Cleopatra. Ang ganda ng ngiti, kahali-halina. Kaakit-akit! Kung tutuusin ay hindi siya talunan. Kahit papaano naman, naging bahagi ng buhay niya ang lalaki. Nag-iwan ito sa kanya ng magandang alaala... Buhay na alaala...

DALAWANG buwan na sa trabaho si Cera nang may nakapansin sa pananaba niya. Dagdagan pang supervisor pa niya ang nakapuna niyon. Wala siyang nagawa kundi ang pagtapat na buntis siya. "Akala ko ba'y wala kang asawa?" "Hiwalay, Ma'am." Malay ba naman nitong nagsisinungaling siya? Kalahating taon lamang ang kanyang kontrata roon. Hindi naman siguro makakaapekto sa kanyang trabaho ang kalagayan niya. Marahang napatangu-tango ang supervisor. "Wala na tayong magagawa. You're already here." Kahit paano ay nabawasan ang alalahanin niya.

"Don't worry, bago tuluyang mahalata yang tiyan mo ay ililipat kita sa receiving section. Nakita ko ang penmanship mo, mukhang kaya mo ang trabaho roon." "Maraming-maraming salamat po." Halos nagkaabut-abot ang kanyang pasasalamat sa kaharap. Ngumiti na ang supervisor. "Sige, maiwan na kita, Cera. Buhayin mo yang dinadala mo. Siguradong siya ang magdadala ng suwerte sa 'yo," makahulugan nitong sambit bago tumalikod.

Passionate Surrender - Catarina ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon