Chapter 2

311 5 0
                                    

SA KALAGAYAN ni Cera ay lalo pa niyang dinoble ang kasipagan. Pilit niyang iwinawaglit sa isipan ang mga bagay na minsan ay gumugulo sa kanya. Mag-aapat na buwan na ang ipinagbubuntis niya kaya nahahalata na ang kanyang tiyan. Kinausap siya ni Lizza at sinabihan kung kailan siya lilipat sa receiving section.

But on her last day sa kanyang puwesto, habang naglalagay siya ng mga bagong-dating na produkto sa estante nang maramdaman niyang tila may nagmamasid sa kanya mula sa kanyang likuran. Out of curiosity, lumingon siya. Gayon na lamang ang kanyang pagkatigagal. Sumikdo ba ang kanyang dibdib? O kinabahan siya sa presensya nito? Napakunot-noo naman ang lalaki. Matagal siya nitong minasdan, para siyang kinikilala. May tulak-tulak itong grocery cart. Puno na iyon ng mga groserya.

My God. ... It's him! Malakas ang kutob niyang hindi ito nag-iisa. Hindi naman gawain ng lalaki ang maggroserya nang ganoon karami. Puro mga canned goods iyon. Tumindi ang tahip ng kanyang dibdib nang makitang Papalapit ito sa kanya. Gusto niyang tumakbo. Ang umiwas. But it was too late. Nasa harapan na niya ito ngayon. Si Kent Limjuco!

"Have we met before?" Papaano ba niya makakalimutan ang boses na iyon? So endearing and so sensual. Kung flang beses niyang narinig na binanggit nito ang salitang "God" habang inaangkin siya.

"No, Sir. I'm afraid not," sunud-sunod ang pag-iling na tugon niya. Kahit na kinakabahan, nagawa pa rin niyang ngumiti. Be cordial to our customers, laging ipinapaalala iyon sa kanila ni Lizza.

Marahang tumango ang lalaki. "Saan ba kita nakita?" Nanatili itong nakatitig sa kanya. "Very familiar ka sa akin." Bigla itong napailing kapagdaka. "Siguro' y dito kita nakita noon pa. Dito kami naggogroserya ng wife ko, e." Wife...

Marahan siyang tumango. Kabado pa rin siya. Mabuti naman at hindi siya nito nakilala. Muling kumuribrib ang kanyang puso nang mapansing pinagmamasdan pa rin siya nito. Hanggang sa humantong sa dakong tiyan niya ang paninging lalaki. Nagtagal sa tiyan niya ang mga mata nto na tila may nakikita roong importante!

"There you are..." Isang magandang babae ang lumapit sa kanila. Inilagay nito sa grocery cart ang dalawang plastic bags ng cold cuts.

Si Diana Cojuangco Limjuco!

Lalo siyang kinabahan. Dagdagan pang nakatingin na rin sa kanya ngayon ang babae. Nagtataka marahil ito sa pananahimik ng asawa habang minamasdan siya.

"Magkakilala kayo, sweetheart?"

Run, Cera..! Bakit ko naman gagawin iyon?

Inakbayan ng lalaki ang bagong dating. "No, sweetheart. Very familiar lang kasi siya sa akin." Napatingin ito sa kanya. "Hindi ko lang matandaan kung saan kami nagkita."

Nginitian ng babae si Cera. "Pagpasensyahan mo na itong asawa ko, Miss. Sigurado ka bang nagkakilala na kayo before, sweetheart?"

"Hindi ko nga matandaan, e."

"Baka naman..."

Noon ngumiti si Kent. "No, no, no."

Mabilis namang gumana ang isipan ni Cera. Alam niya kung ano ang tinutukoy ni Diana. Hindi naman siya bobo para hindi makuha ang punto nito. Bagaman hindi niya napigilan ang pamulahan ng mukha.

Si Diana naman ang ngumiti. "Pasensya na kung naistorbo ka namin, Miss. Marunong lang talagang tumingin ng maganda itong asawa ko." Halos ipinagdiinan pa nito ang salitang "asawa".

"Excuse us." Nakangiting itinulak ng lalaki ang grocery cart at sumunod naman si Diana rito.

Naiwang tulala si Cera. Wala na ang dalawa pero kinakabahan pa rin siya. Mabuti na lang at hindi siya naalala ng lalaki. Noon siya pinagpawisan ng malapot.

Passionate Surrender - Catarina ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon