Chapter 6

267 4 1
                                    

Eksaktong isang linggo nang muling nagpakita sa kanya si Kent. Marami na naman itong dalang mga groserya. Lamang, sa pagkakataong iyon, may kasamang dalawang malaking stuffed toys na palaka.

Dahil dating nakapagtrabaho sa department store, alam ni Cera kung magkano ang halaga niyon. Lihim na naman siyang nalula. Subalit sa kagaya ni Kent, mura lamang iyon.

"Kailangan mo ba akong bilhan nito?" Ang stuffed toy ang kanyang tinutukoy. "Ang mahal nito. Hindi ko naman ito magagamit. Lalong hindi pa ito mapapakinabangan ng anak mo."

Ngumiti lamang si Kent.

Nahigit naman ni Cera ang paghinga. Ngiti ang pantapat sa kanya ng lalaki. Sa tuwina ay nagdudulot iyon ng kakaibang kaluwagan sa kanyang dibdib.

"You look wonderful. Mukhang handang-handa ka na for your big day. Ilang linggo na lang ba? O buwan pa ang ating ipaghihintay?"

"Huwag kang magmadali. Three months pa," nakangiti niyang paalala rito. "Pasasaan ba't darating din ang din ang araw na iyon. Kailangan nating maghintay."

"Sabik na sabik na kasi akong makita siya at makarga."

Hindi nga mapapasubalian ang pananabik na iyon ni Kent. Subalit maraming katanungan sa kanyang isipan, partikular na sa relasyon nito kay Diana. Hindi ba kayang magbuntis ng babae?

"Siyanga pala, naayos ko na ang papeles nitong bahay. Nakapangalan na sa iyo. Hindi na ninyo lilisanin ito. Dito lalaki ang anak ko. Nice neighborhood and surroundings."

"Paano kung malaman ni Diana?"

Nagpakawala ito ng malalim na paghinga. "Huwag mo na siyang intindihin. Hindi ko sasabihin sa kanya para mapanatag ka. At kung malaman man niya, siguradong hindi niya iyon bibigyan ng pansin," paninigurado nito.

Napailing siya.

"I want to give my child the best in this world. Huwag mong ipagkait sa akin iyon."

"Hindi mo naman kailangang ibigay sa amin ito."

"Town house for having my child. Dahil kung naging ibang babae ka lang, siguradong ipapalaglag mo siya to avoid responsibility. Masaya ako at kahit papaano, pinapahalagahan mo ang buhay ng aking anak."

Subalit ayaw naman niyang maging dahilan sa pag-aaway ng mag-asawa. Ayaw niyang iisipin ni Diana na ibinabahay siyang lalaki. Wala sa bokabularyo niya ang mangwasak ng tahanan.

May kasunduan sila ni Kent. Once a week lamang pupunta roon ang lalaki. Twice. Pero hindi na lalagpas doon. Limitado ang mga laruan. Ganoon din ang mga damit.

"Puwede bang magtanong, Cera?"

"Sige."

"Ulila ka na bang talaga?"

Hindi niya inaasahan ang tanong na iyon.

"Nagdududa ka ba, Kent?" Siya rin ang may kasalanan. Pero para sa kanya, patay na ang ama!

Hindi ito umimik.

Hindi naman nagtagal pa roon ang lalaki. Inihatid niya ito ng tingin. Ang papel niya ngayon sa buhay nito ay walang ipinagkaiba sa isang mistress! Subalit ano ang magagawa niya?

Kagaya nga ng sinabi ni Kent, nasa vicinity lamang ng Makati ang tinutukoy nitong town house. Nasa loob pa iyon ng subdivision at very accessible pa sa sasakyan. Napangiti siya nang makatuntong doon. Malinaw pa iyon sa kanyang isipan. Nanariwa siya kahit na kailan lang iyon nangyari...

"Masyadong malaki ang bahay na ito, Kent," naisatinig niya sa lalaki. Dagdagan pang halos kompleto na iyon sa gamit. Puro pa mga bago.

"Hindi kasama ang mga ito sa usapan natin."

Passionate Surrender - Catarina ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon