Chapter 4

264 4 0
                                    

Kaysa naman mag-isip nang walang direksiyon, nagpasya si Cera na sulatan si Liberty. Kukumustahin niya ito. Pero hindi niya isinulat ang kanyang kalagayan.

Kasi-seal lang niya ng sobre nang marinig ang katok sa pinto. Tumayo siya't binuksan ang pinto. Subalit gayon na lamang ang kanyang gulat nang makilala ang kanyang mga panauhin. Si Kent at si Benn Cervantes!

"Puwedeng tumuloy, Cera?" hiningi ni Kent ang permiso. Ganunpaman, tumuloy na ito sa loob, kasunod ang kasama. Pagkatapos ay naupo ang mga ito.

"Masyadong maliit itong place mo. Hindi komportable para sa inyong magiging anak ko."

"Sino ka para sabihin 'yan?" nanlalaki ang mga mata niya kay Kent. "At ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na hindi mo anak ang nasa sinapupunan ko? Anak ko ito sa ibang lalaki, definitely not yours."

"Walang planong masama ang kaibigan ko, Cera," nagsalita rin si Benn. "Concerned lang siya sa kalagayan mo... sa iyong ipinagbubuntis. Tutulungan ka niya."

"Mr. Cervantes, Sir, ipaliwanag mo sa iyong kaibigan na isang pagkakamali ang akuin ang aking dinadala. Hindi siya ang ama nito. Hindi rin ako ang babaing inyong tinutukoy. Baka kamukha ko lang iyon." Hindi niya aaminin iyon, never!

"Hindi kami puwedeng magkamali. It was you," muling nagsalita si Benn. "Ikaw talaga iyon, Cera. Sigurado kami."

"Anak ko yang dinadala mo. Karapatan kong suportahan siya," nagsalita naman si Kent, sigurado talaga sa hinala. "Wala kang dapat na ipangamba. Wala akong planong agawin siya sa iyo."

"Makaaalis na kayo. Hindi ko kailangan ang tulong mo, Mr. Limjuco." Nagpakatatag muli si Cera. Kay daling mangako, hindi mahirap iyon.

"Cera. Mabuti nang hindi siya kumagat sa bitag nito. "Sana ay huwag na ninyo ako muling gambalain pa." Binuksan niya ang pinto para sa mga ito.

Hindi kumilos ang dalawang lalaki. Napatingin si Benn sa kasama pero nakatingin naman si Kent sa kanya. Pagkatapos ay tumayo ito, sumunod naman ang kasama.

"Babalik ako."

"Kung may babalikan ka pa!" inis na sambot ni Cera. "Magandang gabi sa inyo." Kaagad niyang isinara ang pinto sa likuran ng mga ito.

Nang wala na ang mga ito ay saka lang siya nakaramdam ng gutom. Noon niya napagpasyahang magluto ng hapunan. Pero hindi naibsan ng pagkain ang Nararamdamang galit at takot sa pangungulit ni Kent sa kanya.

Mabuti siguro maghanap siya ng ibang malilipatan at aalis na sa trabaho. Pero kaya nga ba niya iyon? Saan siya kukuha ng pang-araw-araw na gagastusin?

Ang pera niya sa bangko, hindi niyon maitatawid ang kanyang problema. Ilang buwan pa bago siya manganak. Kailangan niya ng resources.

Sa kalagayan niya ngayon, hindi na siya makakakita ng bagong trabaho. Kaya bago nakatulog, napagpasyähan niyang huwag nang lumipat ng tirahan at umalis sa trabaho.

Hindi siya mapipilit ni Kent. Hindi siya kakagat sa mga pangako nito at hinding-hindi niya aaminin na siya ang babaing tinutukoy nito!

Bahala na...

"SINO ba yong lalaking nakikita kong lagi mong kausap?" tanong ni Lizza kay Cera nang magkasabay sila sa pagkain. Ito ang supervisor na hindi sumasabay sa mga management staff. Pero ngayon lang sila nagkasabay sa pananghalian.

"Lalaki?"

'Yong nagtatanong tungkol sa lyo at noong isang araw ay nagkita kayo sa exit noong pauwi ka na," paglalahad ni Lizza. "Pauwi na rin ako noon, pero nauna ka sa akin nang ten minutes."

"Iyon ba, Ma'am? Sira-ulo yata iyon, e." Napangiti siya. "Alam n'yo bang sinabi niya sa akin na siya ang ama nitong batang nasa sinapupunan ko?"

Nagulat din si Lizza. "What?"

Passionate Surrender - Catarina ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon