THIRTY SIX

21 0 0
                                        

Nakaupo sa isang mahabang dining table na magkaharap sina Marcus at Albert samantalang sina Diane at Gaia naman ang magkaharap—hindi alintana ni Gaia ang matalim na tingin sa kanya ni Diane pero hindi na niya iyon pinansin at pilit na lang niyang iniiwasan na mapatingin dito.

"Let's celebrate before the big day!" Anunsyo ni Albert na itinaas pa ang wine glass na nasa harapan niya.

Ang tinutukoy nitong big day ay bukas—kung saan ay napagkasunduan nila ang surprise attack kina Sandoval, habang nagluluksa pa ang mga ito—habang mahina pa ang mga ito—sa oras na hindi ng mga ito inaasahan.

"Cheers!" Ani Marcus.

Walang emosyon naman na parehong itinaas rin nina Diane at Gaia ang kani-kanilang baso.

"Cheers!!!" Ani din ng dalawang dalaga.

"For our success!" Dagdag na saad pa ni Albert.

"For our success!" Ulit naman ng tatlo.

"Malapit na ang katapusan ng mga Sandoval! Malapit nang mawala ang tinik sa lalamunan natin." Saad pa ni Albert pagkababa ng baso.

"And we can continue our business freely once na mawala na sila." Sang-ayon naman ni Marcus. "Wala na tayong iisipin na maghahadlang sa mga future transactions natin." Dagdag pa nito.

Samantalang sina Diane at Gaia naman ay parehong walang imik lang na ngayon ay nagtatagisan na ng tingin. Pilit man iniiwasan ni Gaia ang tingin ni Diane pero dahil magkaharap sila ay hindi na niya nagawa iyon kaya sinalubong na lang niya at nakipagtagisan dito.

"At bukas din ay sisiguraduhin kong may magbabayad ng kasalan niya!" Pabulong na sabi ni Diane pero klaradong-klaradong narinig ni Gaia kaya napalunok na lang siya dahil alam niya ang ibig nitong sabihin.

Malamang alam na nito ang pagpatay niya kay Michael kaya sa mga oras na ito ay malamang ay nangagalaiti na ito sa galit at nangangati ang mga kamay nitong makapaghiganti sa kanya pero—

Hindi niya sigurado kung aabot pa nga ba bukas ang paghihintay nila—dahil iisa lang ang sigurado siya ngayon malapit na silang magkakaalamanan—malapit na nilang malalaman kung ano ang mangyayari sa buhay nila, kung sino ang matitira, kung sino ang mananalo at kung sino ang mamatay.

Kung magtagumpay ang plano ni Gaia ay HAPPY ENDING ang magiging resulta at kung pumalpak naman well—wala na siyang magagawa dahil talagang hanggang dito na lang ang buhay niya at kahit kailan ay hindi niya mararanasan ang maging totoong masaya, ang magiging totoong malaya.

"Handa ka na ba Gaia?" Biglang tanong ni Albert kay Gaia kaya bigla itong natauhan mula sa malalim na pag-iisip.

Isang ngiting tipid ang isinagot ni Gaia sabay sabi na. "Handang-handa na!" Matigas na sagot niya. "Kayo handa na rin ba?" Makahulugang balik na tanong niya dito na may kasamang ngising aso.

* * * *

"Maxine—it's time!" Hudyat na sabi ni Miguel kay Maxine habang nasa loob sila ng Van at naghihintay ng tamang oras at hudyat sa pagpasok nila.

Nasa labas sila ng Compound ng mga Aguas dahil napagkasunduan na nila na umatake na ngayon kung kailan hindi ng mga ito inaasahan—kung kailan akala ng mga ito ay nagluluksa sila.

Agad naman na napatango si Maxine saka mabilis ang kilos na lumabas na mula sa Van at may pag-iingat na nakayukong naglakad papunta sa may pader para itago ang sarili.

Nang makarating na ay sumilip muna siya kung may tao sa may gate at nang makitang wala ang nagbabantay ay mabilis ang kilos na umakyat siya sa pader at tumalon sa loob.

Love and War (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon