Chapter 4

167 5 0
                                    

JUSTINE'S heart seemed to stop. Hindi siya makapaniwalang nasabi iyon ni Gabriel. That 'wedding' was ten years ago. At ginawa lang nito iyon dahil lang gusto niyang maramdaman kung paano ang ikinakasal.

And the promise was regarding their friendship. It was not like they vowed to love each other as man and wife forever. Nothing like that. It wasn't like that, or was it?

Well, maybe you'd suffered a head injury and developed an amnesia,‛ narinig niyang sabi nito nang hindi pa rin siya makapagsalita.

Amnesia?‛ napalakas na bulalas niya.

How else am I supposed to explain the fact that you had forgotten we're married?‛ tanong nito na parang totoong kasal ang pinag-uusapan nila.

Hindi ko nakalimutan ang kasal na iyon,‛ mariin na tanggi niya.

Then you know.‛

Good grief. It wasn't even legal.‛ Naiinis siya dahil parang naging masyadong defensive ang tinig niya.

Think about it, Jus,‛ anitong hindi pinansin ang huling sinabi niya. Para bang hindi nito iyon narinig.

We should be celebrating our anniversary this summer. Ilang taon na ba mula nang ikasal tayo? Ten? My, how time flies.‛

Malakas ang pakiramdam niyang gino-good time lang siya nito. Pupusta siyang nag-e-enjoy ito sa pang-aasar sa kanya. Ganoon na ito noon pa. Madalas siyang asarin nito dahil alam nitong masyado siyang pikon at madaling maasar.

I think kailangan munang ma-annul ang kasal natin bago ka mapakasalan ni Drake.‛

How did you know his name?‛ gulat na tanong niya.

Nakita niyang parang natigilan ito. Pero saglit lamang iyon. Sa sobrang bilis niyon, hindi na niya masiguro kung natigilan ito o naging mailap ang mga mata nito na parang nahuli sa aktong gumagawa ng krimen.

You mentioned his name earlier,‛ cool na cool lang na wika nito.

I did not!‛ Or did I? Kahit siya man ay hindi na matandaan kung nabanggit niya ang pangalan ni Drake na nobyo niya ito o hindi.

Pero paano naman malalaman ni Gabriel ang pangalan ng boyfriend niya kung hindi niya iyon nabanggit? Ngayon lang sila nagkita. At wala silang naging komunikasyon sa loob ng walong taon.

Yes, you did,‛ ani Gabriel. ‚Sabi mo pa nga bukod sa trabaho, kailangan mo pang sabihan ang boyfriend mong si Drake,‛ paliwanag nito.

Mukha naman itong nagsasabi ng totoo. Siguro nga ay nabanggit niya ang pangalan ni Drake kanina. Why was she making a big deal out of it?

I can see na ibang singsing na ang suot mo,‛ anito.

Wala sa loob na nahaplos niya ang suot na singsing.

Well, mas maganda at mahal nga naman ang singsing na suot mo ngayon. Wala pa kasi akong trabaho noon kaya simpleng singsing lang ang naibigay ko sa'yo,‛ patuloy nito na nakatingin sa kawalan.

Hindi ko nagustuhan ang singsing na ito dahil mamahalin o dahil mas maganda ito. It was given to me by someone—someone—‛

Someone you love,‛ pagtatapos nito sa hindi niya matapus-tapos na pangungusap.

Y-yeah.‛

How about the ring I gave you? Naiwala mo na ba 'yon?‛

Ang silver na singsing na ibinigay nito sa kanya ay iniingatan pa rin niya. Nakalagay iyon sa isang box kasama ng koronang bulaklak na parang tiara na isinuot niya noong ikasal‛ sila ten years ago.

May mga pagkakataon noon na gusto na niyang itapon ang mga iyon dahil nagsisilbi lamang alaala ang mga iyon ng kanyang lumipas. Ngunit hindi niya magawa dahil may nagbubulong sa kanyang hindi iyon ang nararapat na gawin niya. Kaya sa halip ay itinago na lamang niya ang mga iyon sa isang kahon.

Back To Where I Belong - Claudia SantiagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon