Chapter 5

174 4 0
                                    

HANGGANG sa trabaho ay hindi pa rin maalis-alis sa isipan ni Justine ang narinig na balita kanina sa radyo. Tatakbong congressman si Drake? Bakit hindi niya iyon alam? Bakit wala man lang itong nababanggit sa kanya?

Mariin na naipikit niya ang mga mata at isinandal ang katawan sa swivel chair. Hindi tuloy niya maiwasang isipin kung ang napipinto nitong pagtakbo bilang congressman ang nag-udyok dito para alukin siya nito ng kasal. Hindi ba at malaking puntos kapag ang kandidato ay pamilyadong tao? A responsible family man?

Ngayon niya natiyak kung bakit agad na natanggap ng mama nito ang desisyon nilang magpakasal. Dahil kailangan siya ng nobyo. All those crap about her moving into a condo, ang pagsisinungaling niya sa kanyang pagkatao ay paghahanda lamang para sa sandaling maipakilala na siya sa publiko bilang magiging maybahay ni Drake ay hindi mapupulaan ang pamilya nito. Palalabasin ng mga ito na nanggaling siya sa isang buena familia.

Garbage!

Mabuti na lamang at professional siya. Pilit niyang naihiwalay ang personal na problema sa kanyang trabaho. Pagkatapos niyang uminom ng hot chocolate, nagsimula na siyang magtrabaho.

Nang magpunta roon si Mr. Gatchalian, ang general manager ng hotel, sinabi niya rito ang tungkol sa kanyang balak na pagliban.

Mabait ang matandang Gatchalian. Nang malaman nito ang kalagayan ng kanyang ama, ang hinihingi niyang isang linggong leave ay ginawa nitong dalawang linggo. At kung kakailanganin pa raw niya ng mas mahabang panahon ay itawag lang dito. Nag-alok pa ito ng financial assistance kung saka-sakaling kailanganin niya.

Hindi niya alam kung paano ito pasasalamatan. Hindi talaga siya nagkamali sa pagpiling manatili sa naturang hotel na iyon kahit ilang kalabang hotel na ang nagpa-pirate sa kanya.

Thank you, Sir.‛

Ibinabalik ko lang ang magandang performance at dedikasyong ipinagkaloob mo sa hotel na ito. And I know that you've never been absent since day one. Ni wala ka pang bakasyon. I'm just returning the favor, Miss Mercado,‛ nakangiting wika ng kanyang boss.

Ipinangako naman niyang hindi niya uumpisahan ang leave nang hindi naisasaayos ang dapat ayusin. It would take her a week bago tuluyang maiwan ang trabaho. Marami siyang dapat na ibilin sa assistant manager na si Betty. At bago siya tuluyang bumalik sa San Miguel, marami rin silang kailangang pag-usapan ni Drake.

SINUNDO siya ni Drake pagkatapos ng kanyang trabaho.

Wala silang imikan hanggang makarating sa kanyang apartment. Tinanggihan niya ang alok nito na mag-dinner sila sa isang restaurant.

Explain,‛ wika ni Justine dito nang ihinto nito ang kotse sa tapat ng kanyang apartment. Ayaw naman niyang tumuloy roon dahil ayaw niyang marinig ni Gabriel ang pag-uusapan nila ng nobyo. ‚I was going to tell you over dinner,‛ panimula nito. ‚But you accidentally heard it on the news so—‛

You're running for Congress?‛

Nagpakawala ito ng isang buntong-hininga.

Yes.‛

Kaya ka ba nagkalakas ng loob na yayain akong magpakasal, dahil alam mong mahihirapan nang kumontra pa ang mama mo, dahil nga kakandidato ka?‛

Justine—‛

Answer me,‛ seryosong wika niya.

I want to marry you, honey. Please believe me,‛ nagsusumamong wika nito.

Hindi na niya alam kung ano ang iisipin. Hindi na kasi maalis sa isip niya na convenient kasi para dito at para sa pamilya nito ang gagawin nilang pagpapakasal.

Kung halimbawa kaya na hindi naman ito tatakbo, kaya naman kaya nito na ipaglaban siya sa mama nito? Isa pa, ang hindi niya maintindihan ay kung bakit hindi nito nasabi nang maaga sa kanya ang balak nitong pagpasok sa pulitika.

Back To Where I Belong - Claudia SantiagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon