Chapter 6

154 6 0
                                    

MASARAP nga ang pinakbet na niluto ni Gabriel. Walang duda iyon. Iyon na yata ang pinakamaraming kain ni Justine mula nang magtungo sa Amerika si Nanay Ellen. Kahit ito man ay nahalata niyang maraming nakain. Tulad ng napagkasunduan nila kaninang umaga, siya naman ang naghugas ng mga pinagkainan nila habang ito naman ang nanonood sa kanya sa ginagawa niya. Makailang beses na nadudupilas sa kamay niya ang platong sinasabon tuwing nahuhuli niyang nakatitig sa kanya si Gabriel.

Saan mo ba inilalagay ang mga pagkaing kinakain mo at ni hindi ka man lang tumataba?‛ narinig niyang turan nito.

They were the same old lines. Iyon na ang madalas nitong pang-asar sa kanya noon pa man.

Ngayon nga lang naparami ang kain ko mula nang umalis si Nanay Ellen. Si Nanay Ellen nga pala ang babaeng nakilala ko at kumupkop sa akin. Siya rin ang may-ari ng apartment nàto,‛ pagbibigay-alam niya rito.

Ahh...‛ tanging nasabi nito.

Minsan kasi nakakalungkot ding kumain mag-isa. Kaya kung hindi naman kami kakain sa labas ni Drake, o kung hindi niyàko nasusundo, sa hotel na lang ako kumakain,‛ aniyang kasalukuyan nang nagbabanlaw ng nahugasan. Ang mga nabanlawan na niya ay kinukuha ni Gabriel at ito na ang nagpupunas ng mga iyon. Division of labor, iyon ang madalas nilang gawin kahit noon pa.

Nang matapos ang ginagawa nila ay sumandal siya sa lababo, paharap dito. Nakasandal naman ito sa dining table.

Ikaw, nagkanobya ka na ba?‛ pagkuwa'y tanong niya. Nahihiya man ay gusto niyang malaman ang tungkol sa bagay na iyon.

Kung sasabihin ko bang never akong nagkaroon ng seryosong relasyon o espesyal na babae sa buhay ko enough to call her a girlfriend, maniniwala ka ba?‛ Sa halip na sagutin ang tanong niya ay iyon ang tinuran nito.

Oo, kung iyon ang sasabihin mo, sagot niya sa isip. ‚Siyempre hindi.‛ Iyon naman ang lumabas sa kanyang bibig.

See?‛

Hindi mo nililigawan si... Sino na nga ba yong babaeng naiinis sa akin dahil dikit ako nang dikit sa'yo?‛ tanong niya rito. ‚Iyong makapal ang mga labi at parang eskobang buhok,‛ eksaheradong paglalarawan niya sa kaklase nito noon na malaki ang gusto rito.

Natawa ito nang malakas. ‚Sobra ka namang makapintas. 'Di naman makapal ang mga labi n'on. Sexy nga, eh. At kulot siya, hindi naman parang eskoba ang buhok,‛ natatawang turan nito.

Sabi ko na nga ba at crush mo rin 'yon noon, eh. Tingnan mo nga at ipinagtatanggol mo pa,‛ nakairap na wika niya. Para silang nagbalik noong kabataan nila, noong nasa tabing-ilog sila at nagkukuwentuhan, pagkatapos ay mauuwi sa pag-aasaran.

Hindi, ah,‛ agad namang tanggi nito. ‚Loyal yata tayo, 'di tulad ng iba riyan,‛ parunggit nito sa kanya.

What?‛ parang batang bulalas niya. ‚Ano naman ang kinalaman ko riyan?‛

Ako, kahit hindi ka nagpapakita sa akin, hindi man lang ako nangaliwa. Ni hindi ako tumingin sa ibang babae. Kasi alam ko, kasal na ako, kaya hindi na puwede iyon. Samantalang ikaw, balak mo nang ipa-annul 'yong kasal natin,‛ kunwa'y totoo naman ang sinasabi nito na pinalungkot pa ang mukha.

You're impossible,‛ tanging nasabi niya. Pero sa loob-loob niya, naroon ang katanungan kung totoo nga kayang hindi man lang ito nagkaroon ng relasyon mula nang umalis siya. Talaga nga kayang pinahahalagahan nito ang naganap na kasal-kasalan sa pagitan nila?

Napapangiti na lamang siya sa kabaliwan at kapilyuhan nito. ‚Ano na kasi'ng pangalan n'on sinasabi ko sa'yo na babae?‛ pagkuwa'y tanong niya.

Lindsay,‛ tugon naman nito.

Tama. Naalala ko na. Lindsay nga ang pangalan noon. Eh, 'yong naging campus queen na ka-batch mo noong high school? Naging kayo ba finally? I remember ipinagkalat noon na mag-on kayo.‛

Back To Where I Belong - Claudia SantiagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon