Chapter 9

182 7 0
                                    

"PINIPINTASAN mo ba ang kissing ability ko?" nakapamaywang na turan ni Justine. Pinili lang niyang daanin sa biro upang mapagtakpan ang pamumula at pagkapahiya.

Geez, it was just a simple kiss; pero ano at hanggang ngayon ay may nararamdaman pa rin siyang aftershock na para bang nakuryente siya?

‚Cielito's dog gives better kisses than that,‛ pilyong wika ni Gabriel.

Bahagyang napaawang ang kanyang bibig.

‚Ang kapal—‛

Hindi na niya natapos ang balak na sabihin dahil hinapit na siya nito sa baywang upang magkalapit ang kanilang mga katawan. She was already in his arms even before she could voice out a protest.

‚I'm going to show you how a real kiss should be,‛ anito sa kanya, his voice rough yet oddly tender.

‚Y-you are?‛ nagpa-panic ang isip na bulalas niya.

She had never been more aware of a man; of his hard, muscular body against hers; his clean, masculine scent. Ramdam niya ang reaksiyon ng sariling katawan in a scramble of mixed sensations.

Ngunit higit sa lahat, it felt good to be in his arms. Hindi na siya nagtanong kung bakit ganoon na lamang ang pakiramdam niya. Hindi na niya binigyan ang sarili ng pagkakataong suriin ang damdaming iyon.

Slowly, nagbaba ito ng mukha. Mahina siyang napaungol nang dumampi ang mga labi nito sa kanyang mga labi. She gasped, forgetting for a moment that she meant to free herself before his kiss deepened. Before things went any further...

Wari ay naramdaman naman nito ang paglalaban ng kanyang isip dahil masuyo nitong hinagud-hagod ang kanyang likod, drawing her even closer.

Ilang sandali pa ay pinagkaabalahan naman nito ang magkabilang panga niya pababa sa kanyang leeg.

Gabriel...‛ ungol niya sa pangalan nito. Hindi siya sigurado kung ano ang gusto niyang sabihin.

Hmm...?‛ he whispered against her skin. Muli nitong ibinalik ang mga labi nito sa kanyang mga labi.

She felt her knees go weak and sag against him. Mahigpit na napakapit siya sa suot na T-shirt nito sa takot na bigla na lamang siyang mag-collapse at bumagsak sa lupa. Hindi na nga siguro malayong mangyari iyon habang patuloy ito sa paghalik sa kanya.

‚Gabriel, no more please,‛ aniya, ngunit inilipat pa niya ang mga braso sa leeg nito. She had to do something fast, bago siya tuluyang makatakas sa reyalidad. Nang muli niyang madama ang mga labi nito sa kanyang leeg ay inipon na niya ang natitira pang lakas at pinigilan ito. ‚Gabriel, stop it, p- please,‛ pakiusap niya.

Tumigil naman ito at hinuli ang kanyang mga mata. ‚Hindi ito tama—‛

‚I doubt it. Alam kong naramdaman mo rin kung anuman ang naramdaman ko. Kung magiging totoo lang tayo sa sarili natin, we'll find out na ito ang pinakatama sa lahat ng naramdaman natin. This is right, Justine. Noon pa man, ang nararamdaman natin sa isa't isa ang pinakatamang nangyari sa buhay natin,‛ nagpapaunawang wika ni Gabriel. ‚Maha—‛

‚I am engaged, Gabriel,‛ putol niya sa sana'y sasabihin nito. Kumalas siya rito at akma nang aakyat nang pigilan siya nito sa braso.

‚Let's talk, Jus,‛ pakiusap nito. ‚W-we need to talk.‛

‚Naguguluhan ako, Gabriel. We will talk, but please, not now. Umuwi ka na.‛ Humalik siya sa noo nito.

HINDI na nila napag-usapan pa ni Gabriel ang tungkol sa nangyari sa kanila. Inabala ni Justine ang sarili sa pag-aalaga sa maysakit na ama. Madalas pa rin silang magkasama nito dahil araw-araw itong dumadalaw sa tatay niya, ngunit iniwasan niyang mapag-usapan nila ang tungkol sa kanilang dalawa. Hindi pa iyon ang tamang panahon para doon. Gusto niyang ang ama ang asikasuhin. Madalas din siyang tawagan ni Drake upang kumustahin siya.

Back To Where I Belong - Claudia SantiagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon