Chapter 2

187 8 2
                                    

LITERAL na naiawang ni Justine ang bibig nang mapagmasdan ang mukhang matagal na niyang hindi nasisilayan, ang mukhang madalas na dumalaw sa kanyang mga panaginip.

It was indeed Gabriel.

Walong taon na buhat nang huli niya itong nakita. But in the deepest part of her heart, she knew she would always recognize him. She would always know it was him if she saw him. Somehow, she would know.

Gabriel had always been devastatingly handsome. It was his birthright. And mga lalaki sa pamilya San Luis ay makikisig.

And today he was, if anything, even more attractive than he had been at nineteen. His athletic body was still lean and rangy—a runner's body.

Mula elementary hanggang sa kolehiyo ay runner na ito. Ilang beses na itong nanalo sa larangang iyon.

‚Hi, Jus,‛ nakangiting turan nito na para bang kahapon lang sila huling nagkita. Para bang hindi nagdaan ang walong mahahabang taon sa pagitan nila.

Biglang pinangiliran ng mga luha ang kanyang mga mata. Si Gabriel lang naman ang nasa harap niya ngayon. Why was it so hard to just look at him, while this was the same boy she had played with since she was a child—the boy whose shoulders she had soaked in tears each time she received a beating from her father and every time she was lonely?

‚I can see that you haven't really forgotten me, although it seems that that was what you wanted to do in all those eight years that we had not seen each other,‛ anito.

Mahina lamang ang pagkakasabi nito ng mga katagang iyon ngunit tumatagos iyon sa kaloob-looban niya.

Nanatili lang siyang nakatitig dito. Pilit pa rin niyang tinatanong sa isip niya kung si Gabriel nga ba ang lalaking nasa harap niya. Wala sa loob na naipikit pa niya nang ilang beses ang mga mata sa pag-aakalang pagbukas niya ng mga iyon ay biglang maglalaho ang lalaki, na isa lamang produkto ng kanyang imahinasyon ang lahat.

Nasa San Miguel si Gabriel. Paano nito nalaman kung saan siya matatagpuan? Well, not that it would be too hard finding her but...

Bakit ngayon lang? singit ng isang bahagi ng kanyang pagkatao sa sana ay sasabihin niya.

Pinalis niya ang isiping iyon.

Don't I deserve a hug from an old friend?‛ anitong bahagya pang ibinuka ang mga bisig.

Hindi niya alam kung bakit bigla na lamang nawala sa isipan niya na kasama nga pala ang binata sa mga bagay na gusto na niyang kalimutan. Hindi niya alam kung ano ang nangyari.

Basta ang alam niya, napakatagal nang panahon buhat nang madama niya ang mapagkalingang mga bisig nito. Ang tanging nagtutumining sa kanyang isipan ay kung paanong nakaya niyang malayo sa mga bisig na iyon.

At bago pa niya maisip ang napakaraming dahilan kung bakit hindi siya puwedeng bumigay sa hinihiling ng kanyang puso, naisubsob na niya ang mukha sa dibdib nito at mahigpit na yumakap dito. Nag-uunahang naglandas ang mga luha sa kanyang mga pisngi.

Naramdaman niya ang pagganti nito nang mahigpit ding yakap.

Suddenly, she was nine all over again, being cradled in his arms, nagsusumbong dito dahil napalo na naman siya ng tatay niya.

Then she was fourteen, with a crown of flowers on her head, marrying him, uttering a vow to never leave him no matter what.

Hindi niya alam kung gaano siya nangulila rito, not until that very moment.

It's nice to see you again, Jus,‛ ani Gabriel. Bahagya na ring gumagaralgal ang tinig nito.

'Nice to see you again,‛ anas pa nito.

Back To Where I Belong - Claudia SantiagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon