Concert Ticket!
ARIANNE'S POV
Alam kong nabigla at na starstruck siya sa nakita niya. Halata naman kasi hindi siya nagsasalita at di narin nakagalaw mula sa kinatatayuan niya. At halos wala siyang kurap sa tinitingnan niya.
"Oh, hi. Andito na pala kayo." Masiglang salubong ni Stell nang makita kami.
Lumapit naman si Justin na kasama ni Stell. "Hi. Magandang umaga."
"Bago niyo daldalin yang bisita natin papasukin niyo muna." Naibaling ko, Stell at Justin ang paningin kay Josh na lumabas sa isang pintuan na nasa loob ng studio nila. "Hali kayo, pasok." Yaya pa nito sa amin.
"Wait, puntahan ko lang si Pablo sa kusina." Pagpapaalam ni Justin.
"Hoy, walang respeto." Ani ni Stell na nagpatawa lang kay Justin at Josh.
"Sige na puntahan mo na sila." Saad naman ni Josh at tumalikod naman si Justin.
"Pasok kayo." Yaya ni Stell na naglakad sa isang bahagi ng studio kung saan naroon ang sofa. "Maupo muna kayo. Welcome sa munting studio namin."
"Nanaginip ba ako?" Malakas ang pagkakasabi ni Amira kaya lahat kami ay napunta sa kaniya ang tingin. "Kung panaginip lang 'to wag na muna akong magising. Walang mang gigising sa akin, please." Pinagdikit pa nito ang palad na parang nagdadasal pa pero ang mga mata ay na kina Stell at Josh.
Napasapo nalang ako sa pinagsasabi niya. Habang sina Josh at Stell naman ay tumawa.
"Sino nanaginip?" Singit ng isang tao mula sa kusina ata nila, si Pablo.
"Sheeeett.." Kinikilig na saad ni Amira ng makita niya si Pablo. "Shet ayaw ko na talaga magising."
Lumapit ako sa kaniya at bumulong. "Tama na yan, nakakahiya. Di ka nanaginip."
Nanlaki ang mga mata niya. "So totoo lahat ng 'to?"
I rolled my eyes. Binulong ko na nga malakas parin ang boses niya.
Jusko. Bakit ko ba ito sinama dito?
"Oo. Totoo lahat ng 'to." Natatawang saad ni Stell. "Ang cute naman ng reaksiyon mo. Hi my name is Stell." Lumapit ito at inihayag ang kamay kay Amira.
Tiningnan ko si Amira. Halatang di parin siya makapaniwala sa nakikita niya.
"Ayaw mo ba?" Nag pout pa si Stell.
Jusko. Bakit ba ako napapalibutan ng mga taong 'to.
"Hindi naman." Sabay kuha sa kamay ni Stell at nakipagshake hands. "Hi, I'm Amira. Friend ni Arianne." Sabay turo sa akin.
"Oh, so you are Arianne." Tiningnan ako ni Stell. "Nice to know your name."
"Tama na nga yang kaka english mo. Nagpapa impress kalang para may madagdag sa house mo eh." Saad ni Justin.
"Hindi 'no." Pagtanggi ni Stell. "Pero kung sasama sila, why not diba?" Natawa pa si Stell sa sinabi.
"Tama na yang pagkahawak mo sa kamay ni Stell. Kay Stell palang matagal na pagkakahawak sa kamay, pano pa kaya kay ..." Di ko naituloy ang sasabihin ng may pumasok.
YOU ARE READING
GAZE OF THE SUNSHINE
FanfictionIto ang isang kwento ng mag best friend na nahulog sa iniidolo ng lahat. From a fan that falls inlove to an idol. Paano nila malalampasan ang maaaring problemang kanilang kaharapin? Idols who fall in love to their fans, how can they manage? Kung pa...