Meet the sunshines
"Hi po, good morning." Agad naman akong pinapasok ng yaya ni Amira at dumiretso na ako sa kwarto nito.
Pagpasok na pagpasok ko ay bumungad sa akin ang poster ni Ken, an SB19 member na nakadikit sa dingding kung saan nakalagay ang kama niya. Pagkasara ko sa pinto ay nakita ko naman ang poster ng buong grupo. Kung di ko lang kilala ang babaeng 'to masasabi kong hindi siya buhay may kaya. Kahit saan ako tumingin sa kwarto niya puro SB19. Di ba siya nagsasawa sa mga pagmumukha ng mga lalaking 'to?
Agad ko siyang nilapitan sa may study table niya at nakita ko ang frame na may picture ni Ken.
"Hays, mabuti nalang at hindi ko nakikita ang kwarto nito ng 24 hrs." Bulong ko sa sarili ko.
"Morning Amira." Bati ko sa kaniya pero wala akong narinig na kahit ano kaya lumapit na ako sa kaniya.
Tiningnan ko ang mukha niya na parang baliw na ngumingiti habang nakatingin sa kung saan. Nang sundan ko ang mata niya, nakatingin pala ito sa frame ni Ken.
"Ouch." Saad niya ng batukan ko siya.
Umupo ako sa kama niya. "Daydreaming again?"
"Minsan mas mabuti na yun kesa gumawa ako ng kabulastugan." Depensa niya habang ang kanang kamay ay nakakapit parin sa ulo niya. "Kanina kapa?"
I rolled my eyes.
"Wag mo kung gaganyanin, Arianne." Singhal niya.
Binalik ko sa kaniya ang tingin ko at nagcrossed arms. "Oh, diba. Even ata magkalat ako sa kwarto mo di mo malalaman dahil sa pagd-daydreaming mo eh."
"Opss...opsss" Tumayo siya sa kinauupuan niya habang tinuturo ako. "Yan ang wag na wag mong gagawin. Kasi kung hindi, hindi mo na ako makakausap."
"Minsan naman talaga tayong 'di nag uusap kahit magkasama tayo." Sarkastiko kong sagot.
"Oo nga, may kaniya kaniya tayong mundo eh." Natatawa siyang bumalik sa pagkakaupo. "Pero...wag mong gagawin binabalak mo."
"As if naman gagawin ko. Takot ko lang na magsumbong ka kina tito." Natatawa akong tumayo sa kama niya at kinuha ang bag ko.
"Ano nga ba pala iniisip mo kanina? Or should I say anong panaginip na naman ang meron ka kanina?"
"Wala naman. As usual lang naman." Tiningnan ko siya na may sinusulat sa notebook niya.
"Yung moment ba kung saan nasa headquarters ka ng sb19." Lumapit ako sa kaniya. "And nanunuod ka sa practice ng sb19 lalong lalo na kay Ken. And nagkaroon kayo ng sweet moment. Pinupanasan ang pawis ni Ken. Tapos....may na add naba?"
Tumingin siya sa akin ng masama. "Alam mo namang palagi kang good timing eh."
"So, walang bago sa daydreaming mo?Ganun pa din?" Hinanap ko ang last page ng libro na binabasa ko.
Hindi man ako nakatingin sa kaniya ay naramdaman ko na tinititigan niya ako. "Sa tingin mo?"
Para naman kasing mapapasa kaniya kung makapag imagine nang mga bagay-bagay.
"Sige."
"Sige?" May galit sa tinig niya.
"Punta tayo sa may mall. Balita ko may mga bagong merch na binibigay ang mga A'tin dun. Treat kita na din kita pagkatapos." Busy padin ako sa paghahanap sa last page.
Agad naman siyang tumayo at lumapit sa akin. "Anong oras? Saan? Sigurado ka, ha? Wala nang bawian. Tatadyakan talaga kita kapag di mo ginawa."
"Mukha ba akong nagp-prank?" Tinitigan ko siya na seryosong nakatingin sakin.

YOU ARE READING
GAZE OF THE SUNSHINE
FanfictionIto ang isang kwento ng mag best friend na nahulog sa iniidolo ng lahat. From a fan that falls inlove to an idol. Paano nila malalampasan ang maaaring problemang kanilang kaharapin? Idols who fall in love to their fans, how can they manage? Kung pa...