First day!
AMIRA'S POV
Late na akong nagising dahil sa pagod sa kakatalon kagabi sa concert ng esbi. It was one of the best night for me. Nakita ko rin namang naging masaya si Yanyan kahit papaano. Tiningnan ko ang orasan ko at nakita kong alas diyes na pala. Tumayo na ako sa higaan ko at bumaba na. Pagkababa ko ay inabutan ko si ate at Jhai na kumakain.
"Kumusta ang concert?" Tanong ni ate pagkalapit ko sa kanila.
"Masaya, syempre." Ani ko sabay ngiti at umupo.
Tumayo si Jhai at kumuha ng plato at ibinigay sa akin.
"Ikaw Jhai? Musta ang experience with the con at experience mo rin na kasama sila Ami?" Tanong naman ni ate kay Jhai pagkabalik.
This was the first time na nakasama ko si Jhai sa isang concert. I mean palagi? Naman kaming magkasama but kagabi is different kasi magkasama kaming nagsasaya sa concert ng iniidolo namin.
"Sabi nga ni Ami masaya, sobra. Kahit ako minsan napapahiyaw at napapatalon na rin, eh." Natatawang saad ni Jhai. "Sobrang saya kasi yung mga co-A'tin namin ang babait tsaka pala kaibigan. Parang ano lang, like we already know each other, ganun."
"Oum." Pagsang ayon ko sabay paulit ulit na tumango.
"That's nice." Saad ni ate at kumuha ng pagkain sa plato niya. "Well, bukas aalis na ako."
"Babalik ka na sa states?" Tanong ko at tumango naman siya.
Hindi na ako nabigla. Sila ate kasi yung tipo na pupunta at aalis dito anytime. Mula kasi nang mag-asawa na siya parang naging habit na niya iyon dahil sa mga business nila sa Pilipinas at sa States. Mabibigla ako sa pagdating pero expected ko nang aalis din sila agad. Hindi naman kasi siya pwedeng magtagal dito, it's not vacation.
"Need na ako ng kuya mo dun. Tsaka alam ko naman na magiging okay na 'tong bata dito kasama ka." Ani ni ate sabay nguso kay Jhai.
"Grabe ka ate sakin ah. Di na ako bata 'no." Pagmamaktol ni Jhai.
"Kahit ano sabihin niyo mananatili kayong bata sa paningin ko." Ani ni ate. "Syempre mag ingat kayo dito. Update niyo ako palagi para naman alam ko nangyayari sa mga buhay niyo. "
"Oo naman ate. Ikaw pa. " Saad namin ni Jhai.
"Alagaan niyo ang isa't isa." Dugtong niya pa. "Jhai, ikaw na muna bahala sa kapatid ko habang naririto ka pa."
"Oo naman te. Ako pa. " Sagot ulit ni Jhai.
Muli kaming bumalik sa pagkain. Minsan ay nagkukuwentuhan pa kami. Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na akong pumunta sa kwarto ko.
"Ano ba gagawin mo?" Tanong ni ate.
"Gagawa lang yan ng form na ipapasa para makapasok bilang staff ng esbi Ate. " Saad ni Jhairo.
"Oww, sa-sideline? " Natatawang saad ni Ate.
"Parang ganun na nga po." Natatawa kong sagot sa kaniya.
"Sige sige."
Si ate, she never question my decisions. Palagi siyang go with the flow. Gusto niya din kasi na mag explore ako kahit papaano. And if makita ko na yung gusto ko talagang trabaho then I can focus on it. Maganda din daw kasi yung ganito, mas marami akong nalalamang gawain.
Pumunta na ako sa taas at sinimulan ko nang gawin ang form.Pati kay Yanyan ay ako na rin ang gumawa para wala na siyang kawala. Alam ko kasi sasabihin nun kapag siya ang pinagawa ko. Kunwari nakalimutan, andaming excuses. Kapag may hindi akong alam na info about her, tinatawagan ko nalang. Nagsimula ako mga 1 at natapos ako ng mga 2:30. Bumaba muna ako para tingnan kung ano ginagawa ni Jhai. Di ko siya makita sa baba kaya pinuntahan ko siya sa kwarto niya. Kumatok ako ng ilang beses.
YOU ARE READING
GAZE OF THE SUNSHINE
FanfictionIto ang isang kwento ng mag best friend na nahulog sa iniidolo ng lahat. From a fan that falls inlove to an idol. Paano nila malalampasan ang maaaring problemang kanilang kaharapin? Idols who fall in love to their fans, how can they manage? Kung pa...