CHAPTER 3

1 0 0
                                    

Concert

Arianne's POV

Nang makarating kami sa bahay ni Brent ay agad akong umakyat sa kwarto ko. Pero bago pa ako makapasok sa kwarto ay narinig ko na may sinabi si Brent. Kaya imbes na makapasok ay nilingon ko ito na nasa harapan na din ng pintuan ng kwarto niya.

"Sa tingin mo galit ba ng todo si Ami?"

Hinarap ko siya. "Hindi."

"Hindi? Eh bat ganun?" Takang tanong niya.

"Alam mo naman yun. Pero hindi yun galit talaga. Baka nagtampo lang, first time yun kanina na binabaan mo siya. Mostly kasi siyang yung nagbaba ng phone call kapag di kayo nagkakaunawaan. And nga pala alam ko namang may gusto ka sa kaniya pero wag mo namang ipahalata kung wala kang balak na sabihin sa kan-" Naputol ang sasabihin ko nang mgsalita siya bigla.

"Sino may sabi na gusto ko siya?" Kunwaring inosente niyang tanong.

Nagkibit balikat nalang ako sa tanong niya. "Goodnight!"

Tumango naman siya kaya pumasok na ako. Pagkapasok ko sa kwarto ko ay agad akong nagpalit ng damit at humiga. Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. Nagising ako ng maaga pero di ako tumayo ng kama. Ewan ko kung bakit pero ganito talaga ako kada gumigising. Hindi tatayo ng kama, tingin sa kisame at kung ano ano ang pumapasok sa isipan ko. Para bang I was daydreaming.

"Baby...baby..." Mahinang tawag ni Brent habang kumakatok sa pintuan ko kaya napabalik ako sa wisyo. "Wake up, already."

"Kanina pa ako gising, tinatamad lang akong tumayo." Sagot ko na hindi parin gumalaw sa kama.

"Sige. Aalis ako, yung pagkain mo nakahanda na. Kung tamad ka paring bumaba tawagin mo nalang si Ate Lina, nasa baba lang siya." Ani nito na nasa labas parin ng kwarto ko.

"Oo, sige." Sagot ko.

"Tawagan mo ako kapag umalis ka, ha." Saad nito. "Buksan mo nga muna pintuan mo."

"Brent, di yan naka lock." Saad ko at nag indian seat.

Bumukas ang pinto at pumasok si Brent na naka kunot ang noo. "Bakit di mo sinabing di naka lock yung pintuan?"

"Kailan ba ako nag lock?" Sarkastiko kong tanong sa kaniya na nagpatango sa kaniya. "Atsaka di mo naman tinanong. Eh, kung tinanong ko edi sana kanina ka pa pumasok."

Lumapit siya sa akin habang umiling dahil sa narinig. "Good morning and good bye na rin."

"Kanina pa tayo nag uusap ngayon kalang bumati." Ani ko.

"Well you know." Natawa siya at hinalikan niya ako sa noo. "Alis na ako. Don't forget to eat your breakfast."

"Oum..." Tumango ako habang papunta na siya sa pintuan ng kwarto ko at bago niya buksan ang pintuan. "Ingat ka sa byahe."

Itinaas nito ang isang kamay at iwinagayway at tuluyan na ngang lumabas sa pintuan. Bumalik ako sa paghiga at nakatulog ulit. Ewan ko pero parang trip ko matulog ngayon bakit ba? Pero nagising ako dahil sa katok mula sa labas ng pintuan ko.

"Yanyan..." Tawag sa akin ni Ate Lina.

"Po?" Sagot ko na halatang kagigising lang.

"Naku bata ka. Natulog kaba ulit?" Tanong nito sabay pasok sa kwarto ko. "Tumawag si Brent, nagtanong kung kumain kana. At syempre sumagot lang naman ako. Pinapuntahan ka niya dito kasi baka nakatulog ka at magising ka mamaya pang lunch."

"Opo." Ani ko na hirap pang buksan ang mga mata ko.

"Dadalhin ko nalang ba dito?" Tanong niya pa.

"Wag na ate." Umupo ako at inunat ang mga kamay. "Magbibihis lang po ako tapos bababa na ako."

GAZE OF THE SUNSHINE Where stories live. Discover now