Tv Guesting
AMIRA's POV
"Magtataxi ba tayo?" Tanong ko. "Sana pala sinabihan kita kanina na mag anu agad ng taxi. Ayan tuloy maghihintay pa tayo."
"Nandito na si Jhai. Tinext ko siya kanina, medyo kararating niya palang daw."
"Weh?" Di makapaniwalang tanong ko. "Asan bakit di pumunta sa taas? Bakit hindi si Brent?"
"Miss mo naman si Brent." Pang aasar niya.
"Yaks. Bano." Nasabi ko nalang.
"Sa kotse nalang daw siya mag aantay kasi natatamad siyang pumunta sa taas."
"As usual."
Nang makarating kami sa may parking ay agad naming nakita ang kotse ni Jhai. Agad naman kaming lumapit at pumasok.
"Bakit ganyan mukha mo Ami?" Tanong ni Jhai ng makasakay ako.
"Eh? Bakit?" Kunot noo ko siyang tiningnan. "Ganito naman lagi mukha ko, kailan ba 'to naging mukha ni Marian Rivera?"
"Never. Kahit sa panaginip wag kanang umasa."
"Miss niya si Brent. Di daw kasi si Brent yung nagsundo sa amin." Singit ni Yanyan.
"Hoy! Sino may sabi." Napasigaw ako.
At kailan pa natutong mang-asar ang babaeng ito?
"Ay ayown naman pala." Gumuhit ang malapad at mapang asar na ngiti ni Jhai. "Sa susunod sasabihan ko si Brent na unahin kayo kesa sa trabaho."
"Tseee. Ewan ko sa'yo." Nasabi ko nalang.
"Totoo nga. Hay naku Ami." Saad niya pa at nagsimula nang magmaneho.
Buong byahe ay inaasar ako ni Jhai at minsan nakikisakay si Yanyan.
Aba babaeng 'to nakapagtrabaho lang eh nagbago na. Palangiti na nga nang aasar na rin minsan. Akala ko di niya sasabihin yun kay Jhai.
Walang sandali atang hindi ako inaasar ni Jhai. At di ko na nga namalayan na nakarating na kami sa bahay ni Yanyan.
"Oh goodbye kiss ka muna sa kaibigan ko." Pang aasar ko.
"Di ko need." Saad niya. "Ikaw baka gusto mo ng hug mula sa kuya." Sabay turo sa labas ng kotse at nakita ko si Brent na nakatayo dun.
"Halika, Ami kunwari request ko nalang." Saad naman ni Yanyan.
"Tseeee." Tinarayan ko siya. "Ewan ko sa inyo."
Lumabas si Jhai at Yanyan habang ako nanatili lang sa loob.
"Lalabas ka diyan o si Brent ang magpapalabas sa'yo?" Tanong ni Jhai mula sa bintana ng kotse.
Tinarayan ko muna siya at lumabas na.
"Lalabas din naman pala eh."
"Ginawa niyo diyan? Bakit ganiyan mukha?" Bungad na tanong ni Brent ng makalapit kami sa kaniya. "Hoy, Jhai ginawa mo dito?"
Itinaas ni Jhai ang dalawang kamay. "Woah.woah. Wala akong ginagawa diyan. Tanungin mo kapatid mo 'yan may topak ngayon eh. Ewan ko ano nakain ang lakas mantrip."
"Diba Ami?" Dugtong ni Jhai sabay akbay sa akin.
Tiningnan ko lang siya ng masama na nagpalunok naman sa kaniya. Unti unti niyang kinuha ang kaniyang kamay mula sa pagka akbay sa akin.
"Eh sa totoo namang miss mo si Brent." Ani ni Yanyan kaya napatingin ako sa kaniya.
Di ako makapaniwalang uulitin niya pa talaga iyon habang nandito si Brent sa harapan namin.
YOU ARE READING
GAZE OF THE SUNSHINE
FanfictionIto ang isang kwento ng mag best friend na nahulog sa iniidolo ng lahat. From a fan that falls inlove to an idol. Paano nila malalampasan ang maaaring problemang kanilang kaharapin? Idols who fall in love to their fans, how can they manage? Kung pa...