"Aray ko! Umayos ka nga sa paglalakad!" Sigaw ko dulot ng inis sa kaibigan kong bangga ng bangga sa'kin habang naglalakad kami patungo sq cafeteria na malapit lang sa school.
Kakatapos lang ng klase at dahil friday maaga ang dismissal namin. Lagi kaming nagtatambay sa cafe na 'to. Well, dahil maraming poging mga college students. Ako? I'm not here to check out some stupid guys.
Nandito ako para mag-aral. Sounds boring pero yes. Wala na akong hinahangad na iba pa. Despite my eargerness na makapagtapos na nangunguna sa buong batch namin, it still didn't ban me dream about someone I liked dearly simula nung grade 7 pa.
Harrison Dane Suarez.
He's the boy I want. I want to be with. Kahit imposible, libre naman ang mangarap 'di ba?
Lagi s'yang narito sa cafe kasama ang mga kaibigan n'ya. Medyo binabawi ko na ang sinabi kong nandito ako para mag-aral.
May ibang rason rin kung bakit narito ako. Harrison and I were on the same batch, but we're barely even friends. We're both 12th graders at balak ko na rin mag-confess pagdating ng graduation. In that way, if I got rejected, there is a low possiblity na magkikita uli kami. In that way hindi na ako mahihiya.
Kaunti lamang ang tao sa cafe sa ganitong oras maiinit pa eh. Tanging kami apat na magkakaibigan at sina Harrison kasama ang 2 lalaki n'yang kaibigan lamang ang narito. I'm glad na kaunti pa lamang ang mga tao. I hate loud crowds.
"Anong order mo, Cesca?" Tanong sa'kin ni Liam ng may pagmamadali. It's quite odd na nagvolounteer s'ya na mag-order s'ya para sa'min. Kadalasan tamad kasi 'to eh.
Tumingin ako sa counter ng cafe at na-gets ko na lahat. Kiel was there. Siya ang bagong crush ni Liam. Maputi na chinito, type na type n'ya talaga. I can say that he really got looks but his not my type. Masyadong overrated ang mga chinito.
"Caramel Macchiato nalang."
Tinuon ko uli ang atensyon ko sa binder notebook ko. Marami ang dapat aralin since malapit na ang final exams. Finally ga-graduate na rin ako.
Habang hinihintay na lang namin ang mga order namin, 'di ko matigilang mapatingin sa table nila Harrison. Nakikipag-usap parin sya sa mga kaibigan n'ya at tila di pinapansin ang presensya namin.
Sino ba naman ako para pansinin n'ya?! Sabi ko sa sarili ko. I'm look very stupid thinking na mapapansin n'ya ako.
"Ano na naman yang nire-review mo?" Tanong ni Liam sa'kin ng may pandidiring tingin sa binder ko.
"Para sa finals. Malapit na yun." Sabi ko habang ibinalik ko ang tuon ko sa binabasa ko.
Actually, chill lang sina Liam at Mika, kahit nasa peligro ang mga sarili nila na matangal sila school, wala silang pake. Hindi naman kami papalayasin sa school if wala palang 84 below sa card namin.
"Beh! One month pa 'yon. Masyado kang masipag" 'Di ako tumingin sa kanila at ginulong lamang ang mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Entwining our Frayed Strings (Strings #1)
RomanceFrancesca Bianca Torres, was a typical 18-year-old that was more boring than a usual teenager should be.She came from a famous family of doctors with an amazing reputation. Burdened by my family's legacy, chose a path she never wanted. Simula bata...