"Sorry?" Tanong ko na tila ba hindi ko narinig ang mga sinabi niya.
"Your father already told us about your situation, hija." Tugon sir Gregorio. "At napagdesisyunan naming ipagkasundo nalang kayo ni Kiel."
Hindi na ako nakakibo sa mga sinabi niya. It was a huge bombshell.
"At" pagpapatuloy niya. "Handa namang tumutong ama ang anak ko para sa dinadala mo."
Sasagot sana ako pero binigyan ako ni Papa ng tingin na nagsasabing 'wag na 'kong kumontra kaya napasandal nalang ako sa upuan ko at nakasimangot.
"Gaganapin 'yong kasal niyo pagkatapos mong manganak." Sabi pa ni Papa. "Bumili na rin pala si Kiel ng bahay sa Laguna kasi masyadong malayo dito ang bahay niya sa Pangasinan. Pagkatapos nating mag-usap tungkol sa kasal, bukas na bukas ay lilipat ka na muna sa Laguna 'nak at doon-"
"Wait, wait, wait." Pagputol ko sa kaniya. "Bakit doon pa?! Bakit 'di nalang dito?"
"Kasi." Matigas na sabi ni Papa at halatang tinitigilan niya ang kaniyang sarili na magalit. "Kapag nandito ka, pagpipiyestahan tayo ng mga chismoso at chismosa, kapag nandoon ka naman, iisipin nilang may asawang sumusuporta sa 'yo."
"At mas magiging safe ka doon." Sabat ni Kiel. "May mga kasambahay roon na aalagaan ka."
"Nandito naman kayo."
Tumingin ako kila Mama at Papa pero seryoso ang mga mukha nila. "May trabaho kami, Cesca."
Nagpatuloy na sila sa pagsasa-ayos ng araw ng kasal na magaganap raw sa susunod na taon sa buwan ng Agosto.
"Dapat rin mag-simula na kayo sa family planning." Saad ni Papa. "Pero kaya naman siguro kahit madami na ang gawin n'yong anak since marami namang ipon si Kiel at malaki rin ang sahod niya."
Hindi ko alam kung ano'ng mararamdaman ko pero muntikan ko nang mabuga ang tubig sa bibig ko.
"Maganda sana kung marami tayong apo." Masayang saad ni sir Gregorio. "Siguro mga labing dalawa para isang team na ng basketball."
Natawa ng bahagya si Kiel sa biro niya at nagsalita, "Hindi naman po tayo sigurado kung magiging lalaki sila." Saad niya ng may akward na ngiti.
"Kahit na!" Saad ni sir Gregorio. "Sinong may sabing hindi p'wedeng mag-basketball ang babae?! Tignan mo ang Mommy mo, magaling na basketbolista 'yon ng university namin noong panahon namin."
Nagulat ako sa sinabi niya. Basketbolista pala si tita Marj!
Pero mas ikinagulat ko pa rin ang 12!
Maaga akong gumising ni Manang Liz kinabukasan. Handa na ang mga gamit ko at lahat lahat.
Simple lang ang sinuot ko, yung dress lang na kulay pink.
Ilang mga minuto matapos ang pagkain ko ng almusal ay dumating na agad si Kiel.
Siya na ang nag-ayos ng mga gamit ko patungo sa kotse n'ya habang binibigyan ko s'ya ng galit na tingin.
Walang hiya ka, sinamantala mo 'yong pagkakataon.
Ang tanging bagay na hindi lang ako nakakasigurado ay kung alam n'ya bang anak ng kapatid n'ya ang dinadala ko.
"So he left you." Saad n'ya sa gitna ng b'yahe at ikinagulat ko naman. "That bastard."
I want to slap him for what he just muttered pero nauna akong nasampal ng reyalidad na gago nga talaga si Ralph.
Hindi na kami nag-usap pa buong byahe dahil totoong ayaw ko rin s'yang kausapin.
Dinatnan ko ang isang bahay sa Laguna na may kalakihan at maraming nakapalibot na halaman.
BINABASA MO ANG
Entwining our Frayed Strings (Strings #1)
RomanceFrancesca Bianca Torres, was a typical 18-year-old that was more boring than a usual teenager should be.She came from a famous family of doctors with an amazing reputation. Burdened by my family's legacy, chose a path she never wanted. Simula bata...