Chapter 19

0 0 0
                                    

"Totoo?! Gago, anong gagawin mo?"

Tanong ni kuya Axel habang naghahanda ng makakain namin for lunch sa apartment nila.

"I don't know." My voice broke.

"'Yong problema kasi, short kami these months kaya hindi ka namin p'wedeng ampunin. Not now. Lalo na may dinadala ka't tinakbuhan ka ng nakabuntis sa 'yo."

"Saan ba si ate?" Nagbabakasakali kong tanong.

If someone could help me now, s'ya 'yon.

"She's at work." Kalmadong sabi ni kuya Xav. "It's been two weeks actually since she was working in at Malacañang."

Nagulat ako sa sinabi niya. Ang sabi ni ate ay ganap na s'ya journalist pero ba't nasa Malacañang s'ya?

"I know what you're going to say." Pangunguna ni kuya Lucas. "We don't know. Wala kaming alam kung ano'ng ginagawa n'ya doon. Ang alam lang namin nagtatrabaho s'ya."

"You clearly don't have a choice Cesca." Sabat ni kuya Axel. "I have some savings pero hindi sapat 'yon para paanakin ka, and by the way, I'm engaged."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Siya? Engaged? Kumurap ako ng ilang beses dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. I checked his hands, wala namang singsing roon.

"With my girlfriend." Saad niya at mas lalong nanlaki ang mga mata ko.

There were too many updates that I didn't catch. Hindi ko nga alam na nagka-girlfriend pala 'to. Wala man rin nagsabi sa 'kin na naging tuwid na and baliko.

"Wait, who?" Curious kong tanong.

"Nagbabasa ka ba ng GC hindi?" Taas kilay niyang tanong.

"Honestly, no." I truthfully replied.

"My girlfriend, Samantha! You don't know her?"

"Sa dinami-daming Samantha sa mundo tingin mo makikila ko 'yang Samantha mo?"

"Samantha Monteclaro! You don't know her?!"

Nanlaki pa lalo ang mga mata ko at hindi makapaniwala sa sinasabi n'ya. Baka nagiging delusional na naman 'tong mokong na 'to.

"As in the actress?" Tanong ko at tumango naman ako. "I thought she said she's dating a non-showbiz guy?"

"Exactly!"

Matapos kong kumain ay umalis na agad ako roon dahil wala din naman akong mapapala. I went straight to Mika's para maka-usap siya.

"For me, kailangan mong ipagtapat 'yan sa mga magulang mo."

I gave her an uncertain look but she still continued her stuff glare at me.

"Saan ka pupulutin?!"

Because she insisted so much, I got to make up my mind.

Any other way will be selfish. Sacrificing is the only option left to be selfless.

I somehow realized that there is a certain time in our lives that we tend to be in need to accept curses and avoid catching blessings. There are certain time where sacrifices are essential to construct a less cursed future ahead.

Mahigit isang Linggo na ring hindi bumabalik si Ralph. Ni hindi man siya nagpakita. Parang hindi talaga s'ya nabuhay sa mundo.

Natanggap ko na rin ang realidad na may mga tao talagang hindi na natin makakasama sa susunod na na mga pahina dahil sadyang hindi na sila kasama sa susunod na kabanata.

Kailangan ko ring tanggapin ang sampal ng realidad na hindi ko na s'ya makakasama sa susunod na mga yugto.

Kailangan kong tanggapin that he was a motherfucking liar.

Entwining our Frayed Strings (Strings #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon