"Ang aga-aga pa!" Reklamo ko nang gisingin ako ni Ralph. May sinag na ng araw mula sa bintana pero pakiramdam ko mga sampung minuto pa lang akong tulog. Gustuhin ko man ding tumayo, ayaw talaga ng katawan ko.
"Tumayo ka na d'yan!" He demanded habang patuloy pa rin sa pagyugyog ng kayawan ko. "Bilis, alas nwebe na!"
Inabot ko ang cellphone kong nasa tabi ng unan at tinignan ang oras. Sabi n'ya 9 na eh, 6:30 palang pala ng umaga. Fake news talaga!
Ibinalik ko ang cellphone at tinakpan ng kumot ang mukha ko dahil medyo maliwanag na kasi binuksan niya ang bintana. Muli niya akong niyugyog at saka hinila ang kumot ko.
"Saan ba kasi tayo pupunta?!" Inis kong tanong.
"Basta." maikli n'yang tugon.
Mukhang mapapatay ko nq qng lalaking 'to sa susunod na bastang sasabihin n'ya.
Tumayo nalang ako ng kama kahit gustong gusto pang namnamin ng katawan ko ang malambot na kama at tamad na naglakad patungo sa bag ko.
Kumuha ako ng tuwalya at sa gitna ng paghahalukay ko sa magulo kong bag at paghahanap ng masusuot at muli na naman s'yang nagsalita.
"I won't wear that if I was you." Saad n'ya habang ngumunguso sa jeans at top na napili at inilabas ko.
Ano bang probleam n'ya? Kung sana sinabi niya nalang kung saan kami papunta, eh, 'di sana alam ko ano dapat ang susuotin ko.
"Wear a dress, or skirt, or whatsoever. Basta wag lang maong or jeans. Wear slippers also." Dagdag niya sabay ngiti at labas sa kuwarto.
I wasn't used to wearing dresses kaya kaunting dress lang ang dinala ko. Mga dalawa lang 'ata ang nadala ko.
Ang puting dress ang naisipan kong suotin dahil kahit papaank ay nagmumukha naman akong hottie dito pero mas nanaig pa rin yung thought na mukha akong bibinyagan o magnininang sa binyag.
Si Ralph lang sana ang gusto kong akitin sa suot at kagandahan na taglay ng pambihirang nilalang na tulad ko pero nang lumabas ako ng kuwarto at bumaba samo't saring mga reaksyon ang bumungad sa 'kin.
Nakangiti lang si Tita Marj at Nath na magkatabi sa lamesa. Si Gab naman napanganga sa nakita n'ya. Para s'yang nakakita ng milagro kaya naman nagmumukha siyang tanga. Kumikisap ang mga mata n'ya na ewan, para bang sinisigaw nito na 'magandang nilalang'. Aware naman akong totoong milagro ako na hulog ng langit.
Assumera si Cesca bulong ng isang parte ng utak ko pero hindi naman alintana 'yon sa pag-awra ko na parang prinsesa sa maganda nilang hagdan.
Napatutulala lamang si Ralph, he smiled with pride as our eyes met. Si Kiel naman ay dedma lang. Patuloy s'ya sa pagsubo sa kinakain niya pero sigurado akong tumingin s'ya sa 'kin kanina at nang nagbanggaan ang mga tingin namin ay agad siyang umiwas.
Pagdating ko sa lamesa ay saktong pagkatapos ni Tita Marj sa pagkain niya kaya naman doon niya na ako pinaupo sa upuan niya sa tabi ni Ralph at agad niya akong pinakain habang inabala n'ya ang sarili n'ya sa pagtulong sa mga katulong sa pag-iimpake ng pagkaing dadalhin raw naming pagkain.
Para 'atang pupunta kami ng piyesta para maghatid ng pagkain sa dami ng mga ipinadala niya.
Pagkatapos kong kumain at matapos rin ang ilang saglit ng paghahanda. Agad na kaming pinalayas ni Tita Marj nang may kakaibang ngiti na parang nambobola ba na ewan matapos ang sinabi n'ya.
"Enjoy."
"KAILAN ba kasi tayo uuwi?" Curious kong tanong. Sa totoo lang ayaw ko munang umuwi. I never missed the bustling city noise pero ayaw ko ring laging alis ng alis. "At saka wala na rin akong malinis na damit 'no!"
BINABASA MO ANG
Entwining our Frayed Strings (Strings #1)
RomanceFrancesca Bianca Torres, was a typical 18-year-old that was more boring than a usual teenager should be.She came from a famous family of doctors with an amazing reputation. Burdened by my family's legacy, chose a path she never wanted. Simula bata...