CHAPTER 1: The MAGIC of the RAIN

941 11 0
                                    

Axcel Kent Laurel.

Isang Bisexual na discreet siya yung tipong makulit, gwapo/cute guy, malakas ang appeal sa mga babae pero lalaki ang gusto, mula highschool independent na siya maraming partime jobs kaya sanay na sa mga mahihirap na trabaho, until he graduates in College dun niya na discover na kahit gano pa karami ang partime jobs mo mahihirapan ka padin mag hanap ng regular at mataas na sahod, sa isang trabaho. Hanggang sa dumating sa buhay niya si Brix ang lalaking magpapahirap sa kanya pero hanggang kailan kaya? Alamin.

Axcel's pov.

Habang pumapatak ang malalaking butil ng tubig galing sa madilim, makapal at nakakatakot na ulap. Kasabay nito ang pag guhit ng nakakapag lumong kidlat at malakas na nakakabinging kulog. Naririnig ko naman ang nakakaawang iyak ng isang batang lalaki pero diko ito nakikita sa harap o likod ko at tinatanaw ko ang bawat paligid ko kahit anino nito diko nasusulyapan or nakikita tanging ang iyak lamang nito ang naririnig ko. Dahil sa isip ko lamang ito naririnig, Oo tama sa isip ko lang ito diko alam kung guni guni or dahil sa gutom pero teka lang kumain naman ako kanina at natulog Oo tama panaginip nanaman ito at paulit ulit nalang tuwing bumubuhos ang malakas na ulan at nakakakilabot na kidlat at nakakabinging kulog. Minulat ko yung mata ko at tama nga ako umuulan nanamn, dahil dito lumabas ako ng kwarto at uminom ng tubig, habang binubuhos ko yung tubig sa baso ay biglang may narinig akong boses at dito na nagsimula ang nakakatakot kong kwento tuwing tag ulan. Isang boses ng lalaking umungol na para bang my katalik na Lalaki?, kalukohan babae yun naka voice changer hahahahaha. Pero lalaki talaga ei iwan koba basta ganun. Pero unti unti na iyon nawala nung tumila na yung ulan. Diko ba alam bakit ganito ang buhay ko nagiging marites na ata ako ng buhay ng lalaki nayun!. Matapos kong uminom ay bumalik nako sa higaan ko para matulog ulit at dun bumalik ang normal kong buhay pag di na umulan. Ngunit sa totoong buhay walang fairytale story kaya nagising ako ng dumampi sa balak ko matinkad na sinag ng araw umaga na pala at

"Laaaaaateeeeeeee nakooooooo!!!!" - sigaw at nag mamadaling bumangon at tumakbo sa CR para maligo at mag toothbrush. Matapos yun mabilis akong tumakbo para mag abang bus tama malapit lang naman ang bus stop kaya mabilis din ako nakasakay, ganito ang buhay ko bukod sa ginugulo ang pagtulog ko pati routine ko magulo at papalapit nako sa magulong pila sa train station pero dahil nag mamadali ako may sarili nakong swiper card at ayun nakaupo na din sa train habang bababyahe papuntang first day of work diba ang hussle pero go lang para sa future! Pero dahil may pumasok na matanda sympre dapat gentleman parin tayo senior citizen dapat ang priority pinaupo kuna si lola para makapag pahinga siya.

"Salamat iho huh napakabait mong bata."

"Wala yun lola mahal kapo namin saka baba na din naman ako"- saad ko at ng huminto na ang train at bumaba nako sa next station. At sakto ang dating ko mag sisimula palng ang interview. At ayun na nga tinawag na isa isa para tanungin kung anung ganap sa buhay, at ang ending nito ay

"Sige po tatawagan nalang po kayo" - ang sana no wag paasa para di masyadong masakit para kasing nanyari na din to sakin hyssst buhay employee nga naman. Pero sympre dahil masipag ako going na tayo sa plan B ang partime jobs ko. Tama nag papartime job ako habang nag hahanap ng matinong trabaho diba flexible hahaha.

"Ohh ayan na yung kapalitan mo!" - saad ng papalitan ko  kahit malayo palang kumikinang na ang mga mata dahil uuwi na siya.

"Axcel! Kamusta ang interview?" - saad ni miss anne

"Ayon ang ending parin"

"Tatawagan nalang po namin" - sabay namin saad at tumawa. Pano naman kasi ganun nalang lagi pag nag aapply ng trabaho.

"Wala ng bago jan kaya kung ako sayo tanggapin muna ang offer ni boss na mag regular kana dito." - saad naman ni Jasper. Ang pinaka close kong kaibigan na piniling maging cashier sa isang convenience store kesa maging IT expert.

Lover's of the Rain (BXB Story) Where stories live. Discover now