Axcel's pov.
Unti unti kong minulat ang aking mga mata, at nakaka
Ramdam ako ng pananakit ng katawan para bang binobog ako, dahan dahan kong tinagilid ang ulo ko at nakita ko ang isang maamong mukha, manipis na mga labi, mahabang pilik mata makapal na kilay at makintab at maiitim niyang buhok, kay sarap niyang pagmasdan habang natutulog, ng bigla itong nagising at umagat ang kayang ulo at ngumiti."Love gising kana may nararamdaman kaba ok kana ba? Saglit huh tatawagin ko lang ang doktor at si tita." - saad niya at tumakbo sa labas at sumigaw ng doktor.
Makikita mo talaga sa mga mata niya na nag alala siya maya maya ay may dumating na mga nurse at doktor at cheneck ako,
" Doc kamusta napo siya? "
" Ok na siya stable naman lahat at pahinga lamang ang kailangan" - saad ng doktor at ikinasaya naman niya. Umalis na ang mga doktor at mga ilang sandali lang dumating narin si mama.
"Anak!, kamusta wala bang masakit sayo?" - masaya ako at ligtas si mama na ngayon nasaharap ko nakangiti at hawak ang akin kamay.
"Ok lang ako ma ikaw po kamusta?"
"Ok lang ako anak tignan mo nakatayo ako ikaw nakahiga"
"Oo nga love kaya magpahinga kana"
"Hmmm tagal kona nakapag pahinga kailangan na mahuli si-"
"Love! Wag mona problemahin yun nasa presinto na si papa at yung warant kay Sir Francis inaayos na ng abogado" - saad ni Brix habang paupo at hinawakan ang kamay ko.
"Nakakatakot lang ako sa pwede niyang gawin"
"Oum dahil hindi siya ang gumawa non sainyo kundi tauhan niyang inutosan niya wag kang mag alala love makikipagtulongan si papa para satin." - saad nito alam ko kahit na nakangiti siya ramdam ko na nasasaktan siyang nakakulong ang papa niya.
Hinawakan ko ang mga kamay niya at tumingin sa kanyang mga mata.
" Love hindi mo naman kailangan gawin to sa papa mo alam kong takot lang siya kaya nagawa niya yun." - saad ko, ngunit tumingin lang siya at umiling sabay yuko.
"Hindi mali parin yun Love! Ayaw kong hahayaan na hindi niya pagsisihan ang nagawa niya." - saad nito
"Anak Brix tama si Axcel hindi mo naman kailangan pahirapan ang sarili mo anak si Francisco ang may kasalanan ng lahat ng ito hindi ang papa mo anak"
"Alam ko tita salamat pero bakit po kayo ganyan kayo tong nasaktan pero kayo tong naawa sa kanya"
"Ayaw lang namin na magtanim ng galit sa taong nag sisi naman na kung di dahil sa papa mo siguro wala nako o si Axcel dahil dun alam kong nag sisi na siya anak" - saad ni mama sabay yakap kay Brix na ngayon ay umiiyak na ramdam ko yung sakit na nararamdaman niya ngayon sa wakas nailabas niya rin ito.
"Salamat po tita, salamat love!" - naiiyak na saad nito
Lumipas din ang ilang araw at nakalabas na ako ng hospital ngayon nagpapahinga na ako sa rest house na binili ni Brix, dito daw muna kami hanggang di pa naayos at nahuhuli si Fransisco. Nandito kami ngayon sa isang balkony nakaupo at pinagmamasdan ang pagsikat ng araw ngayon kasi iirerelease ang warrant of arrest kay Fransisco at tinapat ito ni Brix sa board meeting ng kompanya nila kung saan malilipat na sa mga Fransisco ang titulo nito, pero bago mangyari yan pipigilan namin ito.
"Love mag start ng 8:30 ang meeting pero pinaaga ito,! ngayon nag memeeting na sila" - saad ni Brix sakin habang nakatingin sa cellphone niya.
"Tuso talaga si Francis!" - saad ko kaya naman nagmadali na kami palabas ng bahay.
YOU ARE READING
Lover's of the Rain (BXB Story)
Teen FictionSPG, R🔞, M2M lovestory, BL Series, or LGBTQIA+ Community. Ang istoryang ito ay tungkol sa dalawang taong nag mamahalan. Na sa mata ng diyos or sa mga taong nakapaligid sa kanila ito ay isang pagkakamali, pagkakamali na hindi nila pweding iwasan,hi...