CHAPTER 8: Installing Their Feelings

197 1 0
                                    

Axcel's pov.


Maaga ako nagising nagbihis at pumunta ng opisina para ibigay ang resignation letter ko simula ngayon di nako magpapakita sa kanya simula ngayon ayaw kona siyang makita pa. Habang nagalalakad ako palabas ng opisina nakita ko siyang tumatakbo kaya naman nagtago ako, huminto siya sa harap ng tinataguan ko.

"Bakit ba ang bilis niyang sumuko!" - sigaw nito na may pagkakairita, alam kona ang lahat alam ko na wala siyang kasalanan sa nayari 20 years na ang lumipas pero sa tuwing nakikita ko siya paulit ulit lang ang sakit kung panu tinrato ng pamilya niya ang burol ng papa ko dahil dun napilitan si mama umuwi ng probinsya para mag simula ulit malayo sa lahat. Nung una diko maintindihan ang lahat pero ngayon malinaw na sakin. Gustohin ko man labanan sila hindi ko kakayanin kaya mas maganda ng umiwas nalang sa lahat nangyayari na ito.

Lumipas na ang ilang araw, walang pagbabago gaya ng pinangako ko ni anino ni Brix diko na kita siguro nga tama yung landas na tinatahak naming dalawa hanggang sa mabalitaan ko nalang na ikinasal na sila ni Zenie. Subrang sakit, diko alam pero sa tuwing nakikita ko ang mga mukha nila sa television lalo lang dinudurog ang akin puso, kaya bawat litrato nila sa mga billboards iniwasan kong tignan, hanggang sa dumating ang araw na nagkita muli kami.

"Axcel?" - tawag nito sakin, ngunit tinignan ko lamang siya at iniwasan pero hinabol niya parin ako.

"Wait! Saglit! Pwede mag usap tayo?" - saad nito sakin.

"Para ano? Paasahin ako? Or hihingi ka ng tawad dahil sa ginawa ng pamilya mo sa papa ko?" - saad ko na ikinatahimik niya.

"Pwede ba Brix layuan mo nalang ako!" - saad ko.

"Satingin moba madali lang sakin to na tuwing gabi pag umuulan naririnig ko mga boses mo! Kahit sa panaginip ko ikaw padin ang nasa isip ko!" - sigaw niya habang tumutulo ang mga luha sa mga mata niya.

"Edi matulog ka mag sleeping pills ka para di moko marinig takpan mo ng headphone or anuman para wala kang marinig!" - sigaw ko pabalik.

"Gaya ng ginagawa mo? Gaya ng ginagawa mong baliwalain ako?" - saad niya.

"Bakit sinabi ko bang pakinggan moko tuwing umuulan sinabi ko bang panaginipan moko gabi gabi?" - tanong ko na ngayon tumuto na rin ang mga luha sa mga mata ko.

"Gusto ko lang naman kausapin muko! Gusto kolang malaman na ok kalang ba maayos ba ang pagkain mo nakaka-"

"Oo maayos ako! Ok lng ako! Ano masaya kana?" - pag puputol sa mga sasabihin niya saka nilagpasan siya at umalis na ayaw ko siyang lingonin baka hindi ko kayanin. Deritso lang ako ng lakad hanggang sa makalayo nako sa kanya.


Brix's pov.


Sa muling pagkakataong nakita ko siya ulit masaya ako pero habang tinitignan ko siya ng palayo ng palayo dun ko naramdaman yung sakit na gusto mo siyang yakapin at habolin pero di ko magawa, hinihintay ko siyang lumingon pero nabigo ako.

"Malapit na wag kang mag alala mabibigyan din ng linaw ang lahat" - saad ko sa hangin habang tinitignan siyang palayo ng palayo.

"Brrrrhhhhhh!!! Brrrrhhhh!!" - vibrate ng phone ko ng tignan ko ito ay napangiti ako.

"Hello, kamusta may nalaman kana ba?" - saad ko.

"Sir marami po ang importante po ito"- saad ng nasakabilang linya.

"Cge send mo sakin ang location at ako na ang pupunta sayo" - saad ko naman. May body guard ako at di ko sila pwede pagkatiwalaan dahil kay daddy ang loyalty nila. Kaya naman nag pahatid nako pauwi ng condo. Tama sa condo ako nagpahatid para naman makakapagmeet ako sa isang importanteng tao. Ng makarating nako ng condo ay agad akong nagbihis at bumaba agad alam kong babalik na ng bahay ang mga bodyguard ko. Kaya naman pagkakataon kuna ito. Nagkita nga kami sa isang coffee shop pero hindi pa sapat ang nalaman niya kaya naman nag set ulit kami ng susunod na pag kikita.





Someone's pov.

Maingat si Brix sa lahat ng plano niya, inaalam niya ang pagkaaksidente ng mama niya ngunit sa di niya namamalayan ay nakarating na ito sa kanyang ama ngunit hindi ito pinigilan ng kanyang ama bagamat hinahayaan niya lamang na kumilos ang kanyang anak.

"Bantayan niyo siya at siguradohin niyo hindi ito malalaman ni Fransisco," - saad ng ama ni Brix sa kanyang mga taohan. Ngunit di batid ng kanyang kaalaman na may isang ispeya si Fransisco sa kanyang mga taohan. Kaya naman nakarating ito kay Francisco gaya ng ama ni Brix hinayaan niya lang ito.

Sa mga sumusunod na araw tanging pakiramdaman lamang ang nayayari habang si Brix naman ay nag aanatay sa susunod na update ng kanyang taohan, dumating na ang takda nilang usapan hindi parin nagpaparamdam ang taohan nito.

"Anak kumain kana kanina kapa patingin tingin sa Cellphone mo!" - saad ng stepmother nito.

"Darating na si Zenie mamaya attend daw kayo ng birthday ng mommy niya?" - saad naman ng daddy niya.

"Oh siya iwan ko muna kayo akoy aakyat na, Yaya!! Pakiligpit nalang pagtapos na sila sir niyo"

"Oh sige po maam"

Tahimik lamang ang mag ama sa tapat ng mesa hanggang sa magsimula ng magtanong si Brix.

"Dad! May kinalaman kaba sa pag di pagpaparamdam ng investigator na initusan ko" - tanong ni brix sa kanyang ama.

"What? Private Investigator? Are you out of your mind? Matagal nayun Brix bakit kailangan mo halunkatin ang nakaraan?" - saad ng kanyang ama.

"So may alam kayo? Dad ganito kanaba ka disperado para takpan ang kahayopan mo?" - saad ni Brix sabay tayo at umalis

"Brix come back! Brix!" - sigaw ng daddy niya pero parang wala siyang narinig.

Habang sakabilang parte naman inaayos ni Axcel ang kanyang gamit dahil pag natapos nito ang huling araw sa upa niya sa apartment uuwi na siya ng probinsya lingid sa kaalaman niya na pati siya ay pinapabantayan na rin ng ama ni Brix. Kaya madalas napapansin ni Axcel na may nag mamanman sa kanya. Kaya yun ang nagtulak sa kanya para umuwi ng probinsya.






Brix's pov.

Habang nagsasaya ang lahat sa party ito kami ni Zenie nakikipagplastikan sa mga bisita ng mommy niya,

"Pag pasinsyahan mona nahirapan ka tuloy, pwede kana umuwi kung pagod kana" - saad ni Zenie sakin.

"Ayos lang andito pa sila dad magiging masama ako sa paningin nila pag iniwan kita." - saad ko kay Zenie at kinatuwa niya ito. Sa wakas nakabalik na siya sa dati pero alam ko araw gabi parin siyang nahihirapan dahil sa mga nanyari noon. Kalaunan natapos din ang party nagpaalam na ang mga bisita at ganun din kami.

" Tito tita uwi napo ako inatid kona po si Zenie sa kwarto niya." - saad ko at umalis na. Bago ako umuwi na isipan kong dumaan sa apartment ni Axcel nakita kong bukas pa yung ilaw sa kwarto niya pinagmasdan ko lang ito hanggang sa pinatay na ang ilaw at umalis nako.

Ps. Sorry po medjo matagal po ako mag UD i tatatry ko po na mag UD ng madalas sana di po kayo mah sawa sa pag supporta sakin. Maraming salamat po.

Lover's of the Rain
Written by : @lemonpensnote

Lover's of the Rain (BXB Story) Where stories live. Discover now