CHAPTER 10: The Life Is In Danger

177 3 0
                                    

Axcel's pov.

"Mama!! Ma!! Andito napo ako Ma!!? Asan kana po ma!!" - sigaw ko ng makarating ako dito sa ambandonadong building, takot na takot ako pero kung para sa mga taong mahal ko handa akong suongin ang lahat maligtas ko lamang sila.

"Ma!!" - huling sigaw ko ng marating ko ang isang lugar kung saan naka upo si mama puno ng dugo ang mga ulo at pasa ang mga mukha

"Hayop!!!! Hindi kayo naawa?" - sigaw ko habang nag pupumiglas sa tatlong taong malalaki ang katawan.

"Bitiwan niyo ako!! Ahhh!!" - sigaw kong maramdaman ko ng isang suntok na dumapo sa sikmura ko. Napahiga ako sa sakit pero pilit kong bumangon pero sinipa at tinadyakan lang ako. Marami sila at malalakas halos na suka nako ng dugo dahil sa sakit na natamo ko pero pilit ko padin tumayo hanggang sa totokan ng isang lalaki ang ng baril sa ulo ang mama ko,

"Plss wag!! Plss maawa kayo sa mama ko plss wag!"

"Sabi ni boss pag dumating kayo iligpit naraw namin kayo!" - saad nito sabay halakhak napara bang demonyo na walang puso sa tao. Ng biglang kumulog at kumidlat at bumuhos ang malakas na ulan.

"Tignan niyo nga naman umiiyak din ang kalangitan" - saad nito sabay halakhak ulit sa tawa. Nilapitan ako nito at hinawakan ang panga ko.

"Alam mobang pumapatol ako sa bakla? Siguro ang sarap mo? Pero sympre mamaya na yan gusto ko muna ipakita sayo kung pano magalit ang boss namin" - saad nito sabay totok ulit ng baril sa ulo ng mama ko.

"Anak wag mukong intindihin iligtas mo yung sarili mo!" - saad ni mama sa mahinang tuno ramdam ko yung sakit na nararamdaman niya.

"Sorry mama! Plss tama na denelete kona lahat lahat mananhimik na kami plss! Tama naaaaaaaahh!! - sigaw ko pero parang wala lang sa kanila.

" Bang! Bang! Bang! "- tunog ng tatlong putok ng baril at nakita kong naka handusay ang tatalong lalaki na nasa gilid ko.

"Bwesiiittt!! Kang matanda ka!!!" - sigaw nito at pinaputokan ang nasa likod ko at tumakbo siya palayo sa mama ko agad ko naman pinuntahan si mama at niyakap pero nakita kong babarilin nito si mama hinarangang ko ito at.

"Bang!" - isang putok ng baril ang narinig ko at isang sigaw ng pangalan ko sa aking isipan. Nakaramdam ako ng isang mainit na bagay ang dumampi sa aking likod ng braso ko at ng hawakan ko ito say may likidong dumaloy dito at nakaramdam ako ng pag ikot ng paligid ko, at nakarinig ako ng isang boses na umiiyak sa akin isipan hanggang sa maramdaman ko ang pag didilim ng  aking paligid at tuloyan nakong bumagsak sa sahig.

Brix' s pov.

Nang makarating nako sa lugar na nakasaad sa txt message may nakita akong isang taxi na nakaparada, agad nitong sinabi sakin na nasa loob ng gubat ang isang lalaki at agad ko naman itong sinundan, habang saloob ako ng gubat biglang kumidlat at kumulog biglang nakarinig ako ng isang matinis na ingay kasabay nito ang pagbuhos ng ulan at sa pag kakataong ito nakakarinig nako ng boses ni Axcel na para bang nag mamakaawa, kasabay ng pagbuhos ng ulang ang siya ring pagbuhos ng luha sa aking mga mata, habang tumatakbo ako naririnig ko ang mga boses niya.

"Love, malapit nako antayin mo ko plss" - saad ko na sana naririnig niya ako ng isang boses na para bang my balak ito kay Axcel. Na siyang maslalo akong nagagalit hanggang sa narinig ako ng tatlong putok at napahinto ako ng takbo.

"Axcel! Axcel! Love plss sumagot ka!!!" - saad ko habang nag mamadali ng takbo.

Hanggang sa madami ng putokan ang naririnig ko at napapaiyak lamang ako.

"Bwesiitttt!!! Kayooo!!" - sigaw ko ngunit habang tumatakbo ako bigla nalamang ako nakaramdam ng kirot at biglang unti unti di nako nakakarinig tanging hininga niya lamang na panipis ng panipis.

Lover's of the Rain (BXB Story) Where stories live. Discover now