3

6 1 0
                                    

Ash

"Anong score mo?" Tanong ni Yuri nang mabalik samin yung bubble sheet namin.

I don't even want to look at it.

Kung pwede lang punitin, ginawa ko na.

Napansin siguro niyang hindi ko siya sinagot. She knows it already. Ngumiti na lang siya at tinapik ang balikat ko.

I hate myself. Sana nag review na lang ako magdamag kagabi. Sana hindi na lang ako pumayag na sumama kay Arkin. Sana hindi na lang ako nanood ng practice ng basketball at nag review na lang sa bahay.

"Girl, mababawi pa yan. Ikaw pa?" Sabi naman ni Hyacinth.

I don't know. Kahit anong pampagaan ng loob siguro ang sabihin nila, walang epekto sa mood ko. Mas lalo lang akong pinanghihinaan ng loob.

"Una na muna ko." I excused myself. Hindi naman na sila nag tanong kung bakit. They already know why.

Dumeretso ako sa field, feeling ko anytime masisiraan ako ng bait. Hindi ko naman masabi na ginawa ko lahat dahil nagkulang naman talaga ako sa aral para sa quiz namin kanina.

I cried out of frustration. I just know I could've done better kung nagreview na lang ako kagabi.

I was at that state nang maramdamang may umupo sa tabi ko. Napaangat tuloy ako ng tingin.

Para lang kaming tangang dalawa na nagtitinginan. Wala namang nagsasalita samin.

Nabigla na lang ako nang takpan niya ng kung ano man yung mukha ko.

"What the hell?" Inis na tanong ko nang tanggalin yung damit pala na pinantakip niya sa mukha ko.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong niya.

"Bakit ba umiiyak ang isang tao?" Pabalang na sagot ko.

"Maraming rason. Tears of joy, anger, sadness, hormones, o baka bipolar ka?" Sagot naman niya. "So, alin ka ron?"

"How does that concern you?" Tanong ko. I wiped away my tears and looked at myself sa compact mirror na dala ko.

"Well, you're not really a stranger to me naman na, that's why I kind of care about you now." Nakangiting sabi niya habang pinapanood akong mag retouch. I look like shit.

"Don't burden yourself because of me." Sagot ko tsaka binalik ang compact mirror sa bag ko.

"Hmm, okay. I understand where you're coming from." Tatango tango pang sabi niya. "I'm Charlie Puth."

"Huh?" Takang tanong ko.

"I'm only one call away, I'll be there to save the day." Kanta niya ron sa kanta ni Charlie Puth. Baliw amp.

"Bakit ka ba nandito? Kilala mo ba ko?" Tanong ko sa kanya, tumango naman siya.

"Ikaw si Ash." Sagot niya. "I'm Calix." Nilahad niya yung kamay niya at tinanggap ko naman yon.

"Nice to meet you." Nakangiting saad ko.

"The pleasure is mine." Sagot naman niya at binitawan ang kamay ko. "Gusto mong lumpia?"

My Dearest, ValentineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon