7

0 0 0
                                    

Ash

Pagkatapos nung usap namin ni Wonwoo look-alike ay hindi na ulit kami nagkita sa school. Napapaisip tuloy ako kung multo lang ba siya dahil hindi naman ganon karami yung nursing students samin para hindi kami magtagpo.

Days have passed and it's already Saturday. Papunta ako ngayon sa mall para bilhin yung mga dadalhin bukas sa arts club.

Gusto pa nga sumama ni Arkin kaso biglang tumawag si Abby sa kanya, at dahil naalala ko na naman si Abby, hindi pa nga pala nakukwento ni Arkin kung paano sila nagkakilala.

Pagdating sa mall ay nagpark lang ako't dumeretso na sa bilihan ng art materials. Wala naman daw kasing pupuntahan ngayon si Arkin kaya nagamit ko yung kotse.

Agad kong hinanap yung mga gamit na nasa checklist ko, bumili rin ako ng isang set ng brush at iba't ibang kulay ng mga acrylic paint na bago sa paningin ko. Nag bayad na ako, pagkatapos ay dumeretso naman ako sa food court para bumili ng lunch.

"Ash!"

I turned my head slowly as I heard a familiar voice calling my name. Si Calix.

"What brings you here?" Nakangiting tanong niya.

"Bumili lang ako ng materials para bukas." Sagot ko. "Nag lunch ka na?" He shook his head.

"Ililibre mo ba ko?" Natawa naman ako sa tanong niya.

"Pwede naman."

Pinag usapan na namin kung saan kami kakain. Napag desisyunan naming sa japanese restaurant na lang kumain dahil parehas kaming nag c-crave sa ramen.

"Irasshaimase!" Bati nung mga staff pagkapasok namin sa restaurant. Iginiya kami nung waiter sa table namin.

"Bakit pala ikaw lang mag isa?" Tanong ni Calix nang makaorder kami.

"Gusto ngang sumama ni Arkin, nangungulit. Eh biglang tumawag si Abby, wala tuloy siyang magawa." Pag kukwento ko naman sa nangyari kanina.

"Nag commute ka?"

"Hindi, dala ko yung kotse namin." Napatango naman siya. Maya-maya lang ay dumating na yung order namin kaya hindi na kami nakapag usap pa.

Nang matapos ay nag bayad na ako't lumabas na kami sa restaurant.

"Gusto mong manood ng sine?" Tanong ni Calix, kinuha niya yung paperbag na bitbit ko. "My treat naman."

Hindi na ako nakatanggi dahil mukhang desidido naman siyang manood ng sine. Siya na rin namili nung panonoorin, hindi naman kasi ako choosy sa movie.

Romance yung genre ng napili niyang movie, mukhang maganda rin naman dahil napanood ko yung trailer sa screen na nakadisplay sa labas ng sinehan.

Nag bayad na si Calix ng ticket namin, malapit na rin naman yung time nung movie kaya pinapasok na kami sa loob. Hindi na kami bumili ng snacks dahil kakakain lang din namin.

"Mahilig ka manood ng movies?" Tanong ko sa kanya nang makaupo kami.

"Yup. I often go to the mall para manood ng sine kahit mag isa, minsan nag aaya rin ako ng friends." Sagot naman niya. Napangiti naman ako. May mga tao pa rin pala na nag eenjoy kahit mag isa sila.

My Dearest, ValentineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon