Ash
"Where are you going?" Tanong ni Papa nang makita akong pababa ng hagdan.
"Sa school po. Every Sunday lang po kasi yung meeting ng arts club." Sagot ko naman. Tumango lang siya sabay inom ng kape.
"Hatid na kita." Prisinta ni Arkin nang matapos siyang kumain.
"We're going somewhere. Let her drive." Sabat naman ni Papa habang nag babasa ng diyaryo. Binigyan na lang ako ni Arkin ng makabuluhang tingin, tinanguan ko na lang siya't nag paalam na aalis na.
Pinagbuksan ako nila manong ng gate, binusinahan ko naman sila para magpasalamat. Dahil linggo naman ngayon ay wala masyadong traffic kaya naging mabilis lang yung byahe ko papunta sa school.
Bago pumasok ay dumaan muna ako sa coffee shop na katabi ng school para bumili ng iced coffee at sandwich dahil maaga pa naman, may time pa ako para kumain. I paid for my order and sat near the door. Mas maganda ang view sa pwesto ko, may overlooking kasi na part yung isang side ng coffee shop.
May kilala kaya ako sa mga orgmates ko? Feeling ko kasi late na ko para sumali pa sa mga ganon. Kung hindi lang kasi ako sinabihan hindi naman ako sasali. Imbes tuloy na nag papahinga ako ngayong linggo, pupunta pa akong school para lang dito.
"Omg! Totoo ba? Meron daw sariling account si Wonwoo para sa mga shots niya?" Napalingon ako sa nasa likod ko dahil sa lakas ng boses niya. "Check mo nga April!"
"Eto na, ang lakas naman ng boses mo." Sagot naman nung kasama niya.
Speaking of Wonwoo.
Ano na kayang nangyari kay Wonwoo look-alike? Tuesday pa nung huli ko siyang nakita, hindi naman siguro ako nag guguni guni lang nung nakausap ko siya? Pinayungan niya pa nga ako nung umaga eh.
Napainom ako sa kape ko habang nag iisip. Saan na kaya yun napunta? Napailing na lang ako, eh ano naman ngayon kung hindi ko na siya nakita? Sa kakaisip ko sa kanya, pati kahawig niya naririnig ko na sa kung saan-saan. Ngayon naman kamukha niya rin tong pumapasok sa coffee shop.
*huk*
Nasamid ako sa iniinom ko nang biglang siyang huminto sa harap ko.
Siya ba yung totoong Wonwoo look-alike? Hindi kamukha?
Kinuha niya yung tissue na nasa tray ko't inabot sakin. Naguguluhan naman akong kinuha yon kahit na hindi ko naman alam kung saan ko yun gagamitin.
Dumeretso na siya sa counter para siguro mag order.
Hindi ko kasi masyadong naaninag yung mukha niya kanina dahil sa salamin na suot niya. May headphones pang nakasabit sa leeg niya. Naka plain white siyang shirt at black na pants. Sobrang simple lang ng suot niya pero ang lakas ng dating, dumagdag pa yung pabango niyang amoy panglalaki pero hindi masakit sa ilong.
Kinuha niya lang yung order niya sa counter tapos ay umalis na siya. Nag madali naman akong ubusin yung sandwich ko para sana lapitan siya pero pag labas ko, wala na siya. Luminga pa ko sa paligid para tignan at baka nasa gilid gilid lang siya pero ni isang bakas ay wala akong nakita sa kanya.
Pumasok na lang ako sa school dahil malapit na rin naman mag start yung klase namin. Pag pasok sa room na binigay sakin nung nakaraan ay onti pa lang yung tao pero may mga bag na naka lagay sa upuan.
BINABASA MO ANG
My Dearest, Valentine
Teen FictionHow do you even tell if you're inlove? Kapag ba siya na agad ang gusto mong makita pag gising mo sa umaga? Or kapag hinahanap hanap mo na kapag hindi mo nakikita? Or when you feel tachycardic everytime you see him? Yung bumibilis yung pag tibok ng p...