NAPATANGA si Everette nang makilala ang lalaking papalapit sa kanya. Hindi siya makapaniwala, lalo itong gumuwapo. Ni hindi man lang nagbago ang pagmumukha ng damuho!
"Everette, sabi ko na nga ba't ikaw, eh." Ang lapad ng ngiti ng lalaki, flashing his perfect set of teeth. "K-‐‑kumusta ka na? You look even prettier."
Imbes na matuwa sa presensyang iyon ng lalaki, sinalubong niya ito ng sampal, paglapit nito sa kanya. Nagawa niya iyon, kahit na maraming tao sa bookstore. Lahat ng nakakita sa tagpong iyon ay nagulat—napatunganga. Marahil ay hindi inaasahan ng mga taong naroon ang aktuwasyon na iyon ng magandang babae na kung ilang beses na ring naging laman ng mga magazine. Very familiar na sa madla ang kagandahang iyon.
Samantalang ang lalaking nakatanggap ng sampal ay hindi lang napatunganga, kundi halos mamatay sa labis na pagkapahiya. It's a public humiliation!
Si Everette ay nagulat din sa nagawa. Galit siya sa lalaki, pero spur of the moment ang pagkasampal niyang iyon dito. At huli na ang pagsisisi para sa malaking pagkakamali.
Ang sumunod namang pangyayari ay nagparamdam din sa kanya ng idinulot niyang pagkapahiya sa lalaki. Hindi niya inaasahan ang gagawin nito. But it was not pain that she felt; it was pleasure. Isang marubdob na halik ang iginanti sa kanya ng lalaki. Ikinulong siya nito sa matitipuno nitong braso. Napatanga siya sa labis na pagkagulat.
"Dear. ."
"My God. ."
"Fantastic!"
Samu't sari ang mga reaksyon mula sa mga nakasaksi. May natuwa; may napatanga; at higit sa lahat, may napapalakpak pa. Isang magandang eksena ang nasaksihan ng lahat. Miminsan lang mangyari iyon sa isang bookstore, hindi rin madalas na mapanood sa pelikula.
Bago pa man tuluyang malunod sa halik ng lalaki, nagawa niya itong itulak. Kaagad siyang nagkaroon ng kamalayan sa mga matang nakatitig sa kanila.
"You bastard!" Everette snapped. This man had a very odd effect on her. Hanggang ngayon, mayroon pa ring epekto ang halik nito sa kanya. "Pasalamat ka nga't iyon ang iginanti ko sa iyo. Paano kaya kung sinampal din kita?" Mataman siyang minasdan ng lalaki. "Don't worry, napaka-‐‑ungentleman ko naman kung gagawin ko iyon."
Nagbabaga ang mga matang nakipagtitigan si Everette dito. May pagkakamali rin siya. Hindi niya dapat ginawa iyon. Hindi iyon ang tamang venue para ipadama ang galit sa lalaki. Hindi lang talaga niya napigilan ang pagkulo ng dugo nang makita ito.
"Sa tingin ko, hindi ito ang huling pagkikita natin. I'm glad you're back!" Iyon lang at tinalikuran niya si Jade Francisco, ang dating nobyo.
KAPAPASOK lang ni Everette sa kuwarto nang ipaalam sa kanya ng katulong na nasa linya si Oliva. Inangat niya ang telepono. Kaagad siyang niratratan ng kaibigan.
"Bakit mo ako iniwan doon sa bookstore?" Ibig sabihin niyon, hindi nito nakita ang nangyari. That was a relief.
"Nasaan ka ba? Hinanap kita. Ikaw ang nang-‐‑iwan sa akin. Kaya nang hindi kita nakita, I decided to leave."
"Naroon lang ako sa music section. Meron akong hinahanap na CD. Nang balikan kita roon sa fiction section, wala ka na. Tapos sasabihin mong hinanap mo ako?"
"Basta, hindi kita nakita roon."
"Imposible naman iyon. Naroon lang ako. May pinag-‐‑uusapan pa nga roon ang mga tao tungkol sa pagsampal ng isang babae sa lalaki. Tapos ginantihan nung lalaki ng halik ang sampal."
Kilala ni Oliva si Jade Francisco. Walang dudang umalis din ang lalaki pagkatalikod niya. Buti na lang at hindi nasaksihan ng kaibigan ang nangyari.
"Talaga, may nangyaring ganoon doon?" Nakahinga siya nang maluwag. Subalit ano kaya ang magiging reaksyon nito oras na malamang siya yung babae at si Jade Francisco ang lalaki?
BINABASA MO ANG
Alejandro Mansion, The Peafowl's Pursuit - Cleo Mariz
RomanceWalang ibang lalaking minahal si Everette Alejandro kundi si Jade lamang. But he disappeared matapos nitong makuha ang kanyang katawan. Makalipas ang ilang taon, bumalik si Jade Francisco. Handa na itong magpakasal sa kanya. Subalit mayroon nang man...