ISA SA mga natanggap ni Everette na sulat nang araw na iyon ay ang pinadala niyang litrato ni Jade sa sarili. Indikasyon na natanggap na rin ngayon ng ibang mga pinadalhan niya ang litrato nito. Nasasabik pa ring binuksan niya ang sobre, kahit na alam na niya kung ano ang laman niyon. Kagat-labing minasdan niya ang litrato.
Napailing siya. Hanga siya sa kakayahan ni Alejandre. Inaasahan niyang mayamaya lang ay makatatanggap siya ng tawag mula kay Oliva. Siguradong tatahimik na muna si Charmie tungkol sa litrato. Alangan namang itawag sa kanya ni Jade ang pagtanggap nito ng mahalay na litrato ng sarili. Pero tiyak na masosorpresa ito.
Masyadong mataas ang ego ni Jade para sabihin iyon sa kanya. Mahihiya ito. Kaya sasarilinin nito iyon. Ganoon ito kayabang. Subalit bandang hapon na siya nakatanggap ng tawag mula kay Oliva. Halos alangan pa ngang magtapat sa kanya ang kaibigan, parang nagdadalawang-isip.
"Susme.. "
"Bakit?"
"Meron akong natanggap na litrato through mail."
"Anong klaseng litrato? Meron din akong natanggap na litrato through mail."
"A man and woman?"
"Yes! Ang halay pa nga."
Narinig niya ang pag-ungol ni Oliva mula sa kabilang linya. Hinihintay pa rin niya ang kompirmasyon mula rito. Hinihintay niyang banggitin nito ang pangalan ni Jade.
"Ganoon din ang natanggap ko."
"Si... si kuwan din ba?" Kunwa'y hindi niya mabanggit ang pangalan ng nasa larawan.
"Yes. Si Jade Francisco!"
"Malaking kahibangan at kahihiyan ito, Oliva. Sino ang puwedeng magpadala sa atin ng ganito kalaswang litrato? Ang walanghiyang iyon kaya? Walang duda."
"Bakit naman niya tayo padadalhan, aber? Ang halay ng litrato, Everette. Ipinangangalandakan ba niya ang kanyang kalaswaan? Susme, hindi ko makayang tingnan nang matagal ang litrato. Ang halay talaga."
"Lihim nga akong naeskandalo nang makita ko ang litrato. Plano ko ngang punitin, eh. Suyang-suya ako. Pero sino kaya ang nagpadala niyon sa atin?"
"Tawagan mo nga si Jade. Sabihin mo sa kanyang mag-ingat siya sa kalaswaan niya. Baka naman may kinalaman siya. Ayokong isipin niyang interesado ako sa kanya!"
"Tatawagan ko siya.. "
Nawala sa linya si Oliva.
Nangingiti siyang tinawagan si Jade. Pagbabakasali iyon. Hindi niya alam kung makokontak niya ito. Wala itong ibinigay na ibang contact number maliban sa inuuwian. Babae ang nakasagot. Kaya nagduda siya. Sino kaya ito sa buhay ni Jade? At English speaking!
"Puwedeng makausap si Mr. Jade Francisco?"
"Sorry, but he's not around." Maging tinig nito ay malambing. "But if it's important, and if you're interested, you can call him at his office."
Bakit ba nilamon na naman siya ng paninibugho?
Kinuha niya ang telephone number ng opisina ni Jade. Kung ganoon, nagtatrabaho ito. Posible kayang si Danielle yung nakausap niya? O yung babae sa litrato?
"Mr. Jade Francisco, please."
"Everette.. ?" Naroon ang tuwa sa tinig nito. Nahigit niya ang paghinga. Hindi na siya nagpaliguy-ligoy pa. "Hindi nakakatuwa ang kahalayan mo, Jade! Masyado ka talagang bilib sa sarili mo."
"Kahalayan?"
Magaling pala akong artista.
"Bakit si Oliva ay pinadalhan mo rin ng iyong litrato? Ginagawa mo kaming mumurahin niyan! Masyado kang mahalay, alam mo ba?"
BINABASA MO ANG
Alejandro Mansion, The Peafowl's Pursuit - Cleo Mariz
RomanceWalang ibang lalaking minahal si Everette Alejandro kundi si Jade lamang. But he disappeared matapos nitong makuha ang kanyang katawan. Makalipas ang ilang taon, bumalik si Jade Francisco. Handa na itong magpakasal sa kanya. Subalit mayroon nang man...