Chapter 9

402 5 0
                                    

NAGULAT ang mag-asawang Darius at Julia Alejandro nang magtapat sina Everette at Jade na nagpaplano na silang magpakasal. Tatlong araw din nilang pinaghandaan ang sandaling iyon.

Kagaya ng kanilang inaasahan, nakuha nila ang bendisyon ng mag-asawa. Subalit ang napansin ni Everette, panay ang sulyap sa kanya ng ama. Para bang mayroon itong gustong itanong.

Hindi nila inilihim sa mga magulang ang tungkol sa napagkasunduan nilang pre-nuptial agreement. Walang nagtanong kaya ayos na ang lahat.

"Kailan ninyo planong magpakasal?"
"Bukas din ho ay pupunta kami sa munisipyo ni Everette. Kung susuwertihin, sa makalawa ay haharap na kami sa huwes. Paplanuhin pa namin ang kasal sa simbahan."

"Talagang ginulat n'yo kami," nakangiting turan ni Julia Alejandro. "Kailan lang ay usap-usapan kayo ng mga tao, tapos heto, magpapakasal na."
"Pagsubok lamang ho ang lahat ng iyon."

"Kaya pala nitong mga nakalipas na araw ay masayang-masaya ka, Hija. 'Yun pala, mag-aasawa ka na," muling nagsalita si Julia.

Napag-usapan na rin nila ni Jade ang set-up nila. Oras na makasal sila, sa condo unit nito sila titira hanggang makapagpatayo sila ng kanilang bahay.

Pagkaalis ng lalaki, kinausap siya ng ama. Samantalang ang mommy niya ay pumanhik na para magpahinga. Hinanda niya ang sarili sa itatanong ng kanyang daddy.

"Bakit biglaan? I thought you hate his guts."
"Kagaya nga ho ng nasabi ni Jade, Dad, pagsubok lamang ang lahat ng iyon. Pero ang totoo talaga, mahal namin ang isa't isa. Walang duda."

"Are you sure?"
"Yes, Dad. Wala kayong dapat na ikabahala. Alam ko ang aking ginagawa. Mahal ko si Jade. Handa na akong maging Mrs. Jade Francisco."

"Bakit may pre-nuptial agreement?"


"Normal na iyon sa ngayon."


"I don't get it, Hija. Sino ang nag-demand niyon?"

"Ako."

"Bakit?"

"Security, Dad."

"Pera ba ang habol niya sa iyo?"

"Hindi."

"Nakakainsulto ang gayon, pero wala akong makitang problema kay Jade. Mukhang komportable naman siya sa set-up ninyong iyon. Nasa likuran mo kami, Hija."

"Thanks, Dad." Niyakap niya ang ama. And he hugged her back. Alam niyang tama ang kanyang naging desisyon na magpakasal kay Jade.

PAGKAGALING sa munisipyo, nagtuloy si Everette sa opisina niya. Dumiretso naman si Jade sa trabaho nito. Naitakda na ang kanilang kasal bukas. Hindi siya nagsayang ng oras. Ipinaalam niya sa kanyang mga kapatid ang kasal nila ni Jade. Walang kumontra. Sinuportahan siya ng lahat. Ang panghuli niyang natawagan ay si Robin.

"Are you serious?"

"Puso ang pinagana ko, Kuya Robin."

"Sumugal ka."

"Humiling ako ng pre-nuptial agreement. It's my condition."

"Really? Pumayag si Jade?"

"Kakatwa nga. Pumayag siya. Ni hindi man lang siya nagtanong kung bakit kailangan naming magkaroon niyon. Hindi man lang pinag-isipan ang kanyang naging desisyon."

"Strange.. "

"Any idea why?"

"Baka nga naman mahal ka talaga niya. Na hindi pera ang habol niya sa iyo, Sis," nasabi ni Robin. "Ikaw rin ang nagsabing kaagad siyang pumayag sa kondisyon mo."

Alejandro Mansion, The Peafowl's Pursuit - Cleo MarizTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon