Chapter 4

379 5 0
                                    

NAKATANGGAP ng tawag si Everette sa contact niyang si Alejandre. Nasasabik siyang naghintay sa sasabihin nito. Ibig sabihin ng pagtawag na iyon ay mayroon nang resulta ang ipinagawa niya rito.

"Hawak ko na ang mga prints at negatives, Ma'am. Sa tagal ng pagsubaybay ko sa kanya, kagabi lang ako sinuwerte. Nakilala niya yung babae sa isang bar."

Napangiti siya. Subalit nakaramdam siya ng dismaya. Ang lakas talaga ng kamandag ni Jade. Nasasabik na siyang makita ang tinutukoy ni Alejandre.

"Dalhin mo rito ngayon din."

"Yes, Ma'am."

Katatapos lang niyang mananghalian nang dumating ang kanyang hinihintay. Ipinatong nito sa mesa ang dalang brown envelope. Nanginginig ang mga kamay na hinawakan niya iyon.

"Kagaya ho ng utos ninyo, Ma'am. Medyo hindi maganda ang nasa loob." Binigyan nito ng babala si Everette. "Medyo nahirapan ako, pero walang imposible sa kaway ng pera." Ang sarap ng ngiti nito.

Marahan siyang napatango. Kontrolado ang paghinga na binuksan niya ang brown envelope at inilabas ang mga laman niyon. Bumilis ang tibok ng puso niya nang makita ang mga litrato. Maganda ang babae. Wala talagang kawala kay Jade ang nakapalda. Hindi pinapaligtas. At isa-isa niyang tiningnan ang mga still photos.

Dalawa ang kuha ng babae, sitting on the edge of the bed wearing nothing but her undies, at sa pangalawa ay wala na itong bra. Tila may nginingitian. Walang dudang si Jade iyon.

Sa sumunod na litrato ay kasama na nito ang binata. Nasa likod ng binata ang babae, nakapulupot ang mga braso sa baywang ni Jade. Bahagyang nakalilis ang underwear na suot ni Jade. Hinuhubad iyon ng babae. Matinding kahalayan!

Sunud-sunod ang pag-iling niya. Nahigit niya ang paghinga. Bumangon ang galit sa kanyang dibdib. Ito ba ang sinasabing hanggang ngayon ay mahal siya?

Pinakatitigan niya ang litrato. Bahagya pang nakapikit ang mga mata ni Jade.

Shit!

Kinuha ni Alejandre ang atensyon niya.

"Dinala siya ng babae sa inuuwian nito. May bintana yung silid.

"Gumawa ako ng paraan. Sa gawing bintana ako pumuwesto. Gawa iyon sa lumang capiz shells at medyo nagkabitak-bitak na."

Kumbinsido naman si Everette.

"Yung ibang litrato, hindi mapapakinabangan. Iyang isa lang ang pupuwede. Sa totoo lang, Ma'am, nagplano na talaga akong magbayad ng babae na magdadala sa kanya sa isang motel."

Nagkibit-balikat si Alejandre. "Alam n'yo na."

Tumango siya. "Magkopya ka nito ng marami. Gawin mong isang daan." Ipinakita niya ang litrato nina Jade at ng babae. "Ibalik mo bago mag-alas-singko ngayon."

Protektado ang kasama ni Jade. Hindi kita sa litrato ang mukha ng babae dahil bahagya itong nakatungo.

Malapad ang ngiting umalis si Alejandre. Dala ang negatives. Sa pagbalik nito, pera na ang matatanggap. Kaya gayon na lamang ang pagtalima nito.

Naninikip ang dibdib na isa-isa niyang minasdan ang apat na litrato. Bumangon na naman ang kanyang pagkamuhi kay Jade. Muling bumalik ang kanyang atensiyon sa litrato na pinakopya niya.

Hanga talaga siya sa galing ni Alejandre. Maabilidad talaga ang mga detective.

Kakaiba nga ang karisma ni Jade. Pero malas lang nito. Sa pamamagitan ng litratong iyon ay makagaganti na siya.

Magiging leksyon dito ang aanihing kahihiyan oras na ipakalat na niya ang mga litrato. Lalagyan niya ng tuldok ang pagiging heartbreaker nito.

Sino nga naman ang matutuwa na makita ng publiko ang halos hubad na larawan? Walang dudang itatanggi iyon ni Jade. Subalit alam niyang mamamantsahan niya ang kayabangan nito.

Alejandro Mansion, The Peafowl's Pursuit - Cleo MarizTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon