CHAPTER 1

412 9 2
                                    

CHAPTER 1




HINDI na mabilang ni Ledger kung gaano karami ang tawag at text na natatanggap niya dahil sa walang tigil na pagtunog ng cellphone niyang nakapatong sa mesa dahil nakataob ito at wala rin siyang balak na tignan kung sino ito dahil baka si Tiffany ang mga 'yon.

Siya na nga ang napapagod dahil sa mga tawag at texts na natatanggap niya na hindi rin naman niya sinasagot at nire-reply-an.

Bakit pa? Sayang lang naman ang load niya kung si Tiffany lang 'yon na walang tigil at hindi yata marunong mapagod, di ba?

Kung noon, ayos lang na kulitin siya nito ng kulitin, ngayon, hindi na.

Bakit pag-aaksayahan niya pa ng panahon ang taong sinaktan at niloko siya? Hindi pa ba sapat dito na nasasaktan na siya dahil sa kalokohang ginawa nito at kailangan pa siyang kulitin nito?

Marupok siya pero rumurupok lang naman siya sa mga oras na nag-aaway sila at hindi niya kayang magkagalit silang dalawa. Pero sa ginawa nitong panloloko at pagtataksil sa kanya, hinding-hindi siya magpapaka-rupok.

Tama na ang isang beses na nasaktan at niloko siya, hindi na siya papayag na maulit pa 'yon. Mabait si Ledger pero may hangganan ang kabaitan niya. Hindi siya martyr dahil wala sa pamilya nila ang martyr.

Pero hindi niya makuha ang sagot sa sariling katanungan kung bakit siya ng dalagang nagawang lokohin at pagtaksilan?

Ibinigay naman niya ang lahat. Minahal niya naman ito ng tapat. Naging mabuti at tapat siyang boyfriend dito. Ni ang tumingin sa ibang babae ay hindi niya ginawa. Ni ang lokohin ito ay hindi pumasok sa isipan niya. Minahal niya ito tulad ng pagmamahal na nakikita niya sa relasyon ng dalawa niyang Kuya sa mga asawa nito. Hinigitan pa nga niya, e. Kaya bakit pa rin siya nito niloko?

May kulang pa ba? May mali ba siyang nagawa? May hinahanap pa ba ang dalaga na hindi niya naibigay?

They've been together for more than four years. Plano na rin ni Ledger na ayain magpakasal ang dalaga dahil sigurado na siya rito. Gusto niya na itong pakasalan at makasama na habang buhay hanggang sa pagtanda.

Okay na lahat, e. Planado na. Naka-set na ang day kung kailan siya magpo-propose.

Pero hindi niya naman akalain na ang lahat ng plano niya ay mauuwi lang pala sa wala. Handa na lang lahat pero masasayang lang pala lahat.

Itinungga ni Ledger ang bote ng beer na hindi niya na alam kung pang-ilang bilang na. Kanina pa siya sa bar dito lang sa Makati na hindi niya na pinag-abalahan pang tignan ang pangalan dahil ang gusto lang niya ngayong gabi ay mag-inom at magpakalasing. Baka sakaling maibsan ang sakit na nararamdaman niya dahil sa kagagawan ng manloloko niyang girlfriend.

Sa hindi na mabilang na pagkakataon ay muli na namang nag-vibrate at tumunog ang cellphone niyang wala siyang balak na galawin.

Magpakalasing. Iyon lang ang gusto niyang mangyari ngayong gabi.

Wala na rin siyang alam kung ilang oras na siyang naroon sa bar dahil hindi rin naman siya nag-abala pang orasan ang sarili niya sa pananatili sa bar na 'yon.

Nang maubos ang laman ng paghuling bote ng beer ay itinaas niya ang kamay at nagtawag ng waiter.

"Limang b-bote—" bigla siyang sininok. "Pa ng beer, please," patuloy niya.

Lasing na siya at malakas na ang tama dahil namumula na ang tungki ng ilong niya, namumula na rin ang makinis na balat ng mga pisngi niya at namumungay na rin ang mga mata.

"Sir, lasing na po kayo, e. Baka hindi niyo na po kaya," nag-aalangan at nag-aalalang sabi ng waiter nang makita ang kalagayan ng customer.

Sa kabila ng pag-aalala sa mga mata ng waiter ay mababakas din doon ang paghanga habang nakatitig sa mukha ni Ledger.

VB SERIES THREE: LEDGER BEXON [ONGOING]Where stories live. Discover now