CHAPTER 8
"WHAT'S your relationship with h—"
Ledger did not let Tiffany finished her words. "You want to talk, right? Let's talk, then."
Diretso ang mga mata ni Ledger na nakatitig sa dalaga kaya kitang-kita niya kung paano dumaan ang sakit sa mata nito.
Dapat na makaramdam ng guilty si Ledger at humingi ng pasensya sa dalaga. Ayaw na ayaw niyang nakikitang nasasaktan ito kaya nga iwas na iwas siya sa mga babaeng sumusubok na makipag-kilala sa kanya.
Pero noon 'yon e.
Iba na ang sitwasyon ngayon. Walang wala ang sakit na nararamdaman ni Tiffany sa sakit na nararamdaman niya dahil sa panloloko at pagtatraydor nito sa kanya.
Hanggang ngayon tinatanong pa rin niya ang sarili niya kung saan ba siya nagkamali para saktan siya nito? Saan ba siya nagkulang para lokohin siya nito?
Ibinigay naman niya lahat. Naging matino at mabait siyang boyfriend dito. Sinunod niya ang lahat ng gusto nito. Iniwasan niya ang mga babaeng kaibigan niya na pinagseselosan nito?
Pero bakit sinaktan at niloko pa rin siya ng dalaga? Kung mayroon man siyang nagawang mali, bakit hindi na lang nito sabihin para maayos niya ang pagkakamali na 'yon? Kung nagkulang siya, pupunan niya ang pagkukulang na 'yon.
He loves her so much that he dreamt of having a happy and complete family with her.
Planado na ang future nilang dalawa. Ready na siyang pumasok sa isang mas seryosong level ng relasyon nila. Plano na niyang ayain ito ng kasal.
But all his efforts and plans ay parang nauwi lang sa lahat. Ang lahat ng plano niya kasama ang dalaga ay para lang isinulat sa papel habang nananaginip siya ng gising at nang matauhan ay isang imahinasyon lang pala.
How could she do such thing like that? Cheating behind his back. And the worst thing is she has an affair with his one of his friends.
Fucking cheaters!
"I'm s-sorry," after a long silence, just two words came out from her mouth.
Marahas na napabuga ng hangin si Ledger at napaharap sa reflection ng buwan sa dagat.
"Sorry? Is that all you want to say? Sorry?" He asked with sarcasm, but pain can be heard from his voice. "Why did you do that?" He whispered, a tear forming to his eyes. "B-bakit mo ko niloko?"
Hindi sumagot si Tiffany at napayuko ng ulo kasabay ng sunod-sunod na pagtulo ng luha nito.
Mapait na napangiti siya. "Sa loob ng dalawang buwan, I've been asking myself..... anong nagawa kong mali para maranasan ko ang ganito? Do I deserve to suffer like this? May nasaktan ba ako noon para masaktan ako ng ganito ngayon? Kasi kung meron man, I guess I deserve this."
Napapikit siya ng mga mata kasabay ng pagdaloy ng luha sa kanyang pisngi.
"I did everything. I gave all the best I can to deserve you. Hindi ako gago pero mas nagpakatino ako para hindi mo pagsisisihan na ako ang naging boyfriend mo. Naging mabait ako. Sinunod ko lahat ng gusto mo. Iniwasan ko ang mga kaibigan ko dahil ayokong magselos ka. Iniwasan ko ang mga bagay na alam kong magiging dahilan para masaktan ka..... because I don't want to see you crying. I hate it! Dahil sa tuwing nasasaktan ka, nasasaktan din ako!"
"Ledge—"
"Naging mabuti akong boyfriend sayo!" He shouted as she turned his whole body to face her. She jolted while looking at him I'm shocked. "Nagsunod-sunuran ako sa mga gusto mo! Iniwasan ko ang mga bagay na ayaw mo! Alam mo bang sinabihan pa ako ng isa kong kaibigan para akong isang aso dahil palagi akong sumusunod sa mga kagustuhan mo. Hindi naman dapat ako masasaktan doon e, pero alam mo kung ano 'yong masakit? 'Yong habang sinasabi niyang mukha akong aso kasusunod sayo ay pinagtatawanan din ako. Pinagtatawanan nila ako!"
YOU ARE READING
VB SERIES THREE: LEDGER BEXON [ONGOING]
General FictionWARNING: MATURED CONTENT READ AT YOUR OWN RISK!