CHAPTER 3

284 5 1
                                    

CHAPTER 3





Malakas na tinapakan niya ang accelerator ng sasakyan nang makita ang finish line. Napangisi siya ng malampasan niya ang nangungunang sasakyan ng kaibigan. Mas lalong lumaki ang ngisi niya nang sumulyap siya sa side mirror at nakitang bumilis din ang sasakyan sa likuran, hinahabol siya. Ngunit bago pa man ito tuluyang mahabol ang sasakyan niya ay nalampasan na niya ang finish line.

Pinabagal ni Ann ang takbo ng sasakyan niya at iniliko 'yon papunta sa gawi ng pinsan niya na nakatayo sa gilid ng entrance ng race track, nakalagay ang mga kamay nito sa magkabilang bewang at pinanonood sila.

Inihinto niya ang Mustang niya sa tabi at pinatay ang makina. Tinanggal niya ang seatbelt at itinulak ang pinto ng sasakyan at lumabas nang may nagmamalaking ngisi sa labi.

"I thought you would let him win this time?" Natatawang tanong sa kanya ng pinsang si Hades, ang may ari ng race track at kilala rin bilang successful business man sa mundo. Naglakad ito palapit sa kanya at umakbay.

Tanging mahinang tawa lang ang itinugon niya. Nakangisi ang magpinsan na nilingon ang isa pang Mustang na tumigil sa tabi ng kanya at pinanood nila ang paglabas ng driver niyon.

Natawa si Hades at nakangisi lang si Ann nang makita ang kaibigan nilang dalawa na lumabas ng sasakyan nito na magkasalubong ang mga kilay nito at iritado ang mukha.

"You lost again, bud. Why's that?" Nakangising tanong ni Hades dito, nang-aasar ang tono.

Ang malaking ngisi sa labi ng magpinsan ay napalitan ng halakhak nang iritado silang tinignan nito.

"Your cousin is a traitor," magkasalubong ang mga kilay na anito, iritado itong nilingon si Ann. Ngunit natawa lamang ang dalaga na mas nagpadagdag sa iritasyon ng kaibigan.

"Hindi ka na dapat nagulat, Jeth. You know her, hindi siya papatalo,"

"Yeah, right,"

"Let's go inside. I ordered foods, let's eat. I got hungry just by watching you two," ani Hades.

Sabay-sabay silang tatlo na pumasok sa opisina ni Hades kung saan naabutan nila ang sekretarya nito na inaasikaso ang pagkain sa round table na pinapalibutan ng dalawang couch na magkahaharap at dalawang single sofa na magkaharap din.

Magkatabing naupo ang magpinsan sa couch at naupo naman ang kaibigan nilang si Jethro sa couch na kaharap nila.

"You can now leave, Evelyn, thank you." ani ng pinsan ni Ann sa sekretarya nito. Evelyn— Hades' secretary —bowed a little before marching her way out of her boss' office.

"Is she your new secretary? She's sexy," komento ni Jethro, ang mga tingin ay nasa nakasarang pinto ng opisina ngunit nakalabas na ang dalaga. Ang mga mata nitong kulay asul ay may bahid ng pagnanasa.

Matalim ang mga matang tinignan ni Hades ang kaibigan. "Don't you dare, Mercadejas." May pagbabantang aniya.

Inalis ni Jethro ang tingin sa pinto at nilingon ang kaibigan. Napaigtad siya at bahagyang napa-atras ng upo nang masalubong ang matalim na tingin sa kulay abo na mga mata nito.

"O-okay. D-dude, easy. I won't hit on her. I just find her hot and sexy......" Humina ang boses ni Jethro nang mas tumalim ang mga tingin nito sa kanya. Napapalunok siyang umiwas ng tingin.

"Calm down," kalmadong usal ng malamig na boses ni Ann. Mahinang tinapik ang balikat ng pinsan.

Kaagad namang kumalma si Hades. Mabigat at malalim na bumuntong hininga siya at kalmado ng nagsalita. "I'm sorry, bud. I just don't like it what I saw in your eyes. I know she's hot and sexy, but I don't look at her like the way you look at her."

VB SERIES THREE: LEDGER BEXON [ONGOING]Where stories live. Discover now