CHAPTER 15
"WHERE are you going po, Tito?" Tanong ng inosenteng bata na si Ayen kay Ledger nang mag angat ito ng tingin sa kanya mula sa iPod nito.
Nakasuot siya ng kulay puti na long sleeves polo at brown na slacks na tenernuhan ng puting sapatos. Ang sabi kasi ni Venisse ay magsuot siya ng maayos na damit, kahit hindi na formal at casual pang pwede na. Noong una nagtaka siya kung bakit siya nito pinagsusuot ng maayos na damit pero nang sinabi nito na inimbitahan siya ng pamilya ng dalaga sa isang family dinner ay nagulat pa siya at napa isip kaagad kung ano ang magandang suutin.
Okay naman na siguro ang suot niya. Plinantsa nga niya iyon kanina at sinigurong maayos at malinis iyon dahil ayaw niyang magmukha marumi sa paningin ng pamilya ng babaeng mahal niya.
Nakakahiya kaya 'yon.
"May a-attend-an lang si Tito na dinner," sagot niya sa bata nang maupo siya sa tabi nito. Madilim na sa labas at wala ang bakas ng Czairex at Selene sa mansion kaya baka nasa trabaho pa ang mga ito.
Madalas mag overtime ang dalawa dahil sa sobrang daming paperworks kaya madalas din na malalim na ang gabi kapag uuwi. Alam iyon ni Ledger dahil gising pa siya kapag umuuwi ang mag asawa. Pero kahit na busy ang dalawa ay nakakapag bonding naman ang mga ito kasama ang anak tuwing linggo. Iyon lang naman ang free time na meron ang dalawa.
Napatingin si Ledger sa relo niya sa papulsuhan at may ilang minuto pa bago dumating ang susundo kuno sa kanya. Iyon kasi ang sabi ng dalaga kanina bago sila naghiwalay ng landas, may susundo raw sa kanya at magdadala sa kanya sa bahay ng mga Romanov.
Tatanggi nga sana siya kaya lang hindi niya rin alam kung saan ang bahay ng mga ito kaya pumayag na lang siya.
"Ayen, apo, kakain na," sabay na napatingin ang dalawa nang marinig ang boses ni Nanay Tess. Naglalakad ito palapit sa kanila.
Kaagad namang binitawan ni Ayen ang iPod at tumayo saka lumapit kay Nanay Tess.
"Aalis ka, hijo?" Tanong nito sa kanya nang makita siya nitong nakabihis ng pang alis.
Tumango siya. "May dinner lang po akong pupuntahan, Nay."
"Oh, e bakit hindi ka pa umaalis?"
"May susundo po sa 'kin,"
"Ganoon ba? Siya, sige. Diyan ka na lang muna at pakakainin ko muna itong si Ay—"
"Daddy! Mommy!" Bumitaw si Ayen sa matanda at mabilis na nagtatakbo nang marinig ang magkasunod na dalawang busina ng sasakyan. Napatayo si Ledger at sabay nila ng matanda na sinundan ang bata.
Naabutan nila ang mag asawa na sabay na lumabas ng sasakyan. Kaagad na napangiti si Selene nang sa kanya kaagad tumakbo palapit ang anak. Samantalang si Czairex naman binuksan ang pintuan sa backseat at may kung anong kinuha roon. Nang bumalik ng ayos ng tayo ay dalawang magkarolyo na blueprint ang hawak nito at ang maliit na bag ng asawa.
"You're leaving?" Tanong ni Czairex nang makita siya nito at napansin ang suot niya.
Bago pa makasagot si Ledger ay may tumigil ng itim na kotse sa harapan nila. Bumukas ang pinto sa driver seat at lumabas doon ang isang lalaking naka suot ng itim na suit— iyong pang bodyguard ba, ganun.
Lumapit ito sa kanila at bumati ng magandang bati. Saka binuksan ang pinto sa back seat. Tumingin ito sa kanya at sumenyas, telling him to get inside.
"What the...." Czairex was about to curse but stop his words immediately when he saw his wife holding their daughter's hand. He cleared his throat.
YOU ARE READING
VB SERIES THREE: LEDGER BEXON [ONGOING]
Fiction généraleWARNING: MATURED CONTENT READ AT YOUR OWN RISK!