01

9 0 0
                                    

Kanina pa tumutunog yung alarm clock ko pero hindi pa ako tumatayo. Ang aga aga pa naman kasi, kaka laro ko 'to ng video games. Yari na naman ako sa ate ko nito kapag hindi pa ako tumayo, nakaka-ilang tawag na rin siya sakin.

Napabalikwas ako nang bigla akong pukpukin ni ate ng sandok.

"Jasouel!" Sigaw niya. "I've been coming here for several times! For pete sake, go get dress already. Get up, chop chop!" Yep, kapag hindi pa ako tumayo within twenty seconds papatayin niya na ako.

Mabilis akong tumayo at gumayak. First day na first day, medyo late ako.

Pag tapos ko maligo ay nag hanap ako ng isusuot sa may walk-in closet ko. Nag pipili ako ng damit na susuotin ko nang kumatok na naman si ate.

"Five more minutes, hermana!" Oh gosh, ano na naman bang susuotin ko?

Namataan ko naman ang black button down shirt. Kinuha ko yon at pinarisan ko ng black slacks, I tucked in the shirt and put on my belt. For shoes, nag black na loafers nalang din ako. Nag lagay rin ako ng silver watch bago tumakbo palabas.

"Sa school nalang po ako mag breakfast, ate Zia." She nodded and handed me the lunchbox that she prepared. Nag tataka akong tumingin sakaniya. "Ate, I will buy nalang sa cafeteria."

"This is your breakfast, dummy. Waffles 'yan and sterilized milk." I smiled and kissed her cheeks. "Thank you, ate! I love you." She also smiled and patted my shoulder.

"Better go now, malelate kana."

Kinuha ko 'yung susi ng Rubicon Jeep ko, pogi naman ng baby ko mana sakin. I chuckled before I get in, mabilis ko namang hinarurot yung sasakyan ko pag tapos kong masiguradong mainit na 'yung makina.

Simula nung umuwi ako ng Pinas, lumala yung anger issues ko dahil sa traffic. Wengya na yan!

After several minutes, I sighed in relief nung makita ko yung school namin. Mabilis akong nag hanap ng parking, syempre hindi ko hahayaan mabilad sa araw yung baby ko 'no. Kaya sumulok pa ako at nag parada sa tabi ng isang Lambo, tinignan ko yung plate number at ngumisi.

Tumakbo ako papuntang cafeteria para kumain, dala dala ko ang lunchbox na binigay sakin ni ate. May isang oras pa naman ako before my first subject. Wala naman ding gagawin since first day, orientation lang siguro. Luminga-linga ako at tinapik ang balikat ng isang babae na naka polo shirt.

"Wen!" We immediately did our handshake.

"Sup, Ross. Nasan sila Arlo?" Takang tanong ko.

"Pumila, kakain din kami e. Pasabay kana sakaniya if o-order ka, ayon lang naman siya e. " Tinuro niya ang pila na mabilis kong inilingan. Mabilis kong tinanggihan iyon at tinaas ang lunchbox na hawak ko.

"Pinag pack ako ni hermana. Waffles 'to, favorite ko." She chuckled before we sat down. Dumating na ang mga kasama namin at nagsi upo na rin.

"Baby na baby pa kay ate niya, may note pang kasama!" They all chuckled at Arlo's statement. I rolled my eyes and read the note.

It says 'do well at school, i love you!'. I mentally facepalm, dang it. Para akong preschool.

Kasama ko sila at ako lang ang walang kakambal saamin. Si Arlo at Artwey, si Ross at si Red. Gagaling naman ng mga parents nila, sanaol.

Nag rush kami papunta sa kaniya-kaniyang homeroom namin dahil ten minutes nalang late na kami! Si Ross at si Arlo lang ang kasama ko sa course na ito. Si Artwey ay Architecture student, si Red ay nasa Business-ad. Madali naman kaming tatlo na umupo sa pinakadulong bahagi ng classroom.

I scanned my blockmates, grupo grupo sila. Mas marami ang mga lalaki kaysa saaming mga babae. Hindi pa naman din kami nag susuot ng uniform. Ewan ko sa school na 'to, daming alam.

Safe HavenWhere stories live. Discover now