Cttro! / Nailea Devora as Ziandleigh Amor Salvatore (Jasouel's sister.)
*****
After ng last class ko ay ron ko pinuntahan si Miss Ferrer sa office niya, pina-una ko na rin umuwi sila Ross. Kanina naman hindi ako kinibo ni ma'am, wala naman din siyang sinabi kaya umalis ako ng office ni Miss Arkansas na busog.
Huminga ako ng malalim nang makarating ako sa may harapan ng pintuan niya. Mahinhin akong kumatok.
Hindi na ako 'to, hindi uso sakin ang katok katok. Sinisipa ko kaagad ang pintuan, at dahil natatakot ako kay ma'am mahinhin akong kumatok ulit.
Kakatok sana ako ulit kaso niluwa ng pintuan si Miss Ferrer. Tinignan niya ako ng mariin. Kinilabutan ako dahil sa lamig ng tingin niya, binawi ko ang kamay ko.
"Sabi mo po kanina kitain kita after cla-" Napahinto ako sa pagsasalita nang marealize ko ang sasabihin ko.
"Stupid." Bulong niya pero hindi ko narinig.
"Po?" Tanong ko.
"Come in." Tipid na sambit niya, pumasok ako sa office niya. Dating stockroom 'to e.
Nag tungo siya sa table niya at may ibinigay sakin. Set ng 1/4 index card, tinignan ko siya at umiling.
"No worries, ma'am. Gamitin niyo nalang po kapag kailangan po namin ulit mag provide in case walang dala yung iba." Ibinalik ko sa table niya yung index card.
"Okay then, off you go."
Pag labas ko ng office niya napasandal ako sa pintuan sa sobrang kaba, hindi ko alam kung bakit.
Nakayuko ako na pinapakalma ang sarili.
"Namalimos ka rin ba ng pagkain kay Chandria?" Napatalon ako sa gulat nang biglang may magsalita sa gilid ko.
"Papatayin mo ba ako?!" Tarantang sigaw ko.
"Bakit ka naninigaw ha?" Naka pamewang na sabi ni Miss Arkansas.
"Ma'am naman e." Napabuga ako ng hangin. "Ikaw papatay sakin."
"Tigilan mo na kaka-kape mo." Natatawang saad niya.
"May sasakyan ka ba?" Tanong niya. Tumango ako sakaniya at wirdong tinignan siya. "Pasaba-"
Hindi niya na-ituloy ang sasabihin niya nang mag salita ako.
"Nag hihirap kana ba?"
"Parang sasabay lang, napaka damot." Irap na sambit niya.
"Oo na, dami mong sabi." Inirapan ko rin siya.
Miss Arkansas is one of our family friend kaya close close rin kami, hindi lang din dahil prof ko siya last year. Maganda rin naman siya, kaso may sapak lang sa utak.
Nag tungo kami sa may parking kung saan ko pinark ang sasakyan ko. Hindi naman natigil kakadada tong katabi ko, hindi ko siya pinapakinggan kasi parang walang kwenta sinasabi e.
"Saan ka ihahatid?"
"Sa bahay niyo." Mariin akong pumikit at marahas siyang hinarap.
"Makikitulog ka na naman?"
"Bakit ba? Dalian mo na nagugutom na ako." Aba't napaka kapal talaga nito.
Nag maneho ako nang dahan dahan dahil nakatulog itong isa. Anong oras na tuloy kami nakarating sa bahay, mag aalas-otso na rin.
Kinuha ko ang mga gamit ko sa likod bago tignan ang taong nasa passenger seat. Napabuntong hininga akong lumabas at binuksan ang pintuan sa passenger side para buhatin siya.
YOU ARE READING
Safe Haven
RomanceJasouel Wrenn Salvatore, a 21 yrs old girl who's currently on her 2nd year college.