Umiwas kami ni Miss Ferrer sa isa't isa. Dalawang linggo na rin yung nakalipas mula nung mangyari 'yon.
Natulog kami lahat sa may living room sa second floor. Nakahandusay kaming lahat don.
Pag gising namin, nasa ig story na kami ni Miss Arkansas.
'Nagkalat ang mga unggoy' Ang caption. Tangina, nagsalita si Mother of the Apes.
Nasa cafeteria kami ngayon nila Arlo. Todo iwas din ako kay Miss Arkansas dahil kaunti nalang at mapapatay ko na ang babaeng 'yon, loka loka masyado e.
"Boring naman, tutal weekend bukas bakit hindi tayo gumimik?" I rolled my eyes on Ross's statement.
"G ako kung hindi mapupurnada dahil sa katangahan mo." Bara ko sakaniya.
Sinamaan niya ako ng tingin pero unbothered ako. Nagpatuloy ako sa pagkain ko ng chicken tenders ko at uminom pa ng tubig.
"Napaka sama ng ugali."
"Hoy Arlo!" Tawag ko sakaniya, tumigil siya kakanguya at nilingon ako. "May 10k pa naman tayo, hindi ba?" Her eyes widened, napahilamos sa mukha ang iba pero ako hindi. Tinignan ko lang siya ng mariin.
"Charot lang, nandito pa naman hindi ko ginalaw."
"Mabuti naman, baka mawala ka rito sa mundo kapag iyan nawala." Ngumiti ako.
"Kinilabutan ako, ang creepy!" Maarteng sigaw ni Artwey.
"Red ano ba!" Napalingon kami kay Ross na biglang sumigaw.
"Letche ka, inaano ba kita?" Takang tanong ni Red.
"Wala lang, nag iinarte lang ako." Tangina talaga, hoo!
"Bwisit."
Pag tapos ng lunch namin ay sumabak kami sa madugong long quiz. Shocks, ang sakit sa ulo ng mga tanong.
Nag ningning ang mata ko nang may makita akong True or False sa isang instruction ngunit napawi rin ang ngiti ko nang makita kong modified true or false.
Kung sino man ang nag imbento nitong modified true or false na ito ay mamahinga ng payapa, bwisit.
Pag tapos ng long quiz nag madali akong isukbit ang bag ko, saktong pag ring ng bell lumabas ako.
Sapo-sapo ko ang ulo ko, sumakit ulo ko ron ah. Sana may tama sa mga sagot ko, kasi kapag wala hindi na ako mag aaral. Charot.
"Weeeeeeen!"
"Hintaaaaay!"
Natawa ako bigla kila Arlo na tumatakbo ngayon, tangina kasi, naiwanan ko sila. Naalala ko kasama ko pala sila sa room.
"Tanginang quiz 'yan, sana nag cutting nalang ako." Sambit ni Ross.
Nasa labas na ng building namin sila Red at Artwey.
"Sa bahay nalang tayo mag inom." Suggest ko. Tumango naman sila.
*******
Pag uwi ko ay nag pahinga lang ako saglit at naligo na. Pag baba ko sa sala, hindi na ako nagulat nang may dalawang masamang espirito ang naligaw. Ginawang tambayan 'tong bahay namin, akala mo walang mga bahay.
"Hermana, dadating sila Arlo. Iinom daw po." Pag papaalam ko, hindi ko nalang pinansin sila Miss.
"Okay, drink moderately." I smiled at her and turned my back on them.
Pumasok ulit ako sa kwarto ko. 5:30 palang naman, isang subject lang kasi kami kaninang after lunch e.
Nilock ko ang pintuan ko. Pinalitan ko ang doorknob nito ng mas secured. Sa loob may chain lock na may cam lock pa na pwede i-padlock. Nadala na ako sa akyat bahay na nandito e. Pati windows ko may lock na rin.
YOU ARE READING
Safe Haven
RomanceJasouel Wrenn Salvatore, a 21 yrs old girl who's currently on her 2nd year college.