07

2 0 0
                                    

Natatawa kong pinagmasdan ang bulto ng katawan niyang paalis. Pag tapos niyang maasar ay nag walk out siya. Napahagalpak tuloy lalo kami ng tawa ni Ida.

Ate is shaking her head.

"Pikon naman non." Sambit ko.

"Bagay kayo." Sambit ni Ida na ikinawala ng ngiti ko.

Nag salubong ang kilay ko at hinampas siya.

"Tao kami."

"Mali, siya lang yung tao sainyo kasi hayop ka."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ang gwapo ko namang hayop?!

"Wow, ikaw nga mukha kang unggoy!" Sambit ko nang bigla niyang sabihin yon. Totoo naman, tao kami!

Atsaka, hindi ko nakikita yung sarili ko na kasama yon sa iisang bubong.

Parang magkakapatayan kami.

I mean, pikon siya, ako gwapong mapang-asar lang. Sadista pa naman yon.

I sighed before finishing my sandwich and my choc-o.

Hanggang ngayon hindi pa rin nag sisink in sakin na magkakaibigan tong tatlong 'to. I mean, I grew up with Ida. How come hindi nila 'to masyadong nakakasama?

I'm still puzzled.

Whatever, it's not my business anyway.

I really never imagined liking her though, our personalities don't match. And besides parang trip lang talaga niya ako.

I sighed deeply while walking papuntang kwarto ko. Wala namang masama kung magustuhan ko siya eh, kaso parang ang imposible naman?

Mataray siya tas ako gwapo lang.

But kidding aside, parang ayaw ko pa. Lalo na respected siya sa field niya, ako nga wala pang napapatunayan sa buhay bukod sa pagiging gago ko.

Hays, ewan basta—

"Earth to Jasouel!" She snapped her fingers in front of my face.

Hindi ko namalayang nasa kwarto na pala ako dahil sa pag iisip ko ng kung ano-ano.

Ba't nandito na naman 'to?

"Wala ka bang bahay?" Curious na tanong ko, halos gawin na nilang bahay tong bahay namin.

"I have, but I live alone." As usual mataray na sambit niya. "Why? Do you wanna live with me?" She smirked.

Napakunot lalo ang noo ko, e di ba gusto naman niya na mag isa siya dahil sa katarayan niya?

Tsaka, ano?! Anong pinagsasasabi niya anong live with her? Kahit wala akong bahay na matirahan wag lang ako ma-isama nitong babaeng to sakanila e.

Nilampasan ko siya at pabalyang humiga sa kama ko bago siya pasadahan ulit ng tingin.

"Huwag mo'kong hinaharot." Sambit ko.

Nakapag shower na siya, pj's ko na naman ang natripan niyang suotin. Ni hindi nga siya nag papaalam sa tuwing susuotin niya mga damit ko.

"Bakit suot mo na naman damit ko?" Mataray na tanong ko. Hindi pwedeng siya lang ang mataray rito.

"It's comfy and it smells exactly like you."

Adik to, pwede naman siyang humingi ng perfume ko e.

"Iyo na perfume ko."

"I don't want it." Mariin ko siyang tinignan, inoobserbahan ko ang kilos niya. Tumagilid ako ng higa at sinuportahan ang gilid ng ulo ko gamit ang kamay ko. "Stop eye-raping me."

Safe HavenWhere stories live. Discover now