Chapter 1

749 7 1
                                    

SHE WAS five-eight, at mahahaba ang kanyang mga biyas. And she was athletic. Under normal circumstances ay mahihirapan siyang maabutan ng isang ordinaryong lalaki.

Ngunit hindi ordinaryo ang lalaki na mabilis na humahabol sa kanyang likuran. He was six feet-three, dark, lean and lithe, at mas malalaki ang strides nito sa kanya.

Kaya kahit anong effort niyang tumakbo nang mas mabilis sa buhangin ng dalampasigang iyon ay wala siyang magawa nang lagpasan siya ni Jude. For once in her life, nais sana niyang talunin sa footrace ang lalaki; but it was not to be.

Humihingal siyang huminto nang tuluyan siyang lagpasan nito, inhaling heavily. Sa likod niya'y nagsisimula nang sumikat ang kulay-gintong araw bilang tanda ng panibagong umaga.

The air sparked with crisp, early coolness. Napakasarap ding pakinggan ng paghampas ng alon sa dalampasigan. It was her favorite time, her precious hour of solitude kung saan siya nagpo-focus at ino-organize ang sarili bago pumasok sa opisina. The staff meeting. . ang phone calls para sa opening ng exhibit ni Alvin.. dahil kung hindi niya tatawagan personally si Mina she wouldn't come. . and at four o'clock.

"Suko ka agad, Trixia? Ano na ang nangyari sa sprinter na dating pambato ng SLU?"

Pagbaling niya rito ay nakapamewang na ito, ilang talampakan ang layo mula sa kanya. She knew he was teasing her, with a broad smile, and that wickedly sinister gray eyes.

"Out of practice," bulalas niya, "at naninibago ako sa bagong sneakers na suot ko. Hintayin mo 'pag nasa kondisyon na naman ako. Pakakainin kita ng alikabok."

"Baka buhangin ang gusto mong sabihin, hmm?"

"Buhangin, alikabok, pareho lang 'yon. Wait and see." Nang walang sabi-sabi'y kumaripas siya ng takbo na ikinagulat ng lalaki. Muling humabol ito, at nang abutan siya'y hinuli siya sa mga balikat. Tumatawang humulagpos siya mula sa hawak nito, then they ran side by side.

Jude looked comfortable, easy. He was thirty-three at dalawang taon ang tanda sa kanya. At tulad niya, he enjoyed physical exercise. Ipinapakita ng sando at running shorts nito ang matipuno nitong pangangatawan, bronzed tulad ng karamihan ng mga tao rito.

Two weeks pa lang ito rito sa Cebu, ngunit nawala agad ang pagiging mestizo nito. His skin was golden brown and magnificent, na lalong nagpatingkad sa pambihira nitong masculinity. He turned to her and smiled. Noon pa ma'y enduring na ang ngiti nito, na lalong na-enhance ngayong may mumunting guhit na ito sa bibig at gilid ng mata. And his eyes—those dark gray eyes that could eat a woman alive, and make her glad to be his meal.

May kung anong kakaiba siyang naramdaman, as if she was meeting a new man. Ngunit imposible. He was just... Jude. "Huwag mo 'kong ngitian nang ganyan," aniya. "Maaari kang magpa-charming sa ibang babae, ngunit hindi sa akin. Kilalang-kilala kita."

"Ah, thanks, Trish. That was a wonderful welcome. Talagang alam mo kung paano i-deflate ang ego ko."

Suddenly she felt foolish. Kalilipat nina Jude sa kabilang bahay at eto na agad siya. An old habit. Self-defense. Attack or be attacked. A technique na ginagamit niya noon. Ngunit hindi na sila mga bata. They were both adults now.

Huminto siya sa pagtakbo at inabot ang kamay nito. "Natutuwa ako at nandito ka. It's good to have you around again."

Kinuha nito ang kanyang kamay at mariing hinawakan iyon. "Sincere, adult, polite. At galing sa 'yo. Hindi ko alam kung dapat akong manibago sa 'yo, Trish." His eyes were alive sa kung anong damdaming hindi niya maunawaan.

Nagkibit lamang siya. "Well, gusto ko lang maging honest at straightforward." His hands felt warm and too big on hers.

"Sa akin? Talaga?" Lumapad ang ngiti nito na binitiwan ang kanyang kamay. "Well, mukhang sobra nang inconvenience ang ibinibigay ko sa 'yo, huh?" Nagsimulang maghubad ng rubber shoes si Jude.

I Love You...Friend - Olga MedinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon