Chapter 6

103 2 0
                                    

ISANG linggo matapos lumipat sina Jude ay mabilis na naibenta nina Trixia ang property. With all the wheels now in motion, isinubsob niya ang sarili para sa merger. This would be the ultimate success of her career bilang entrepreneur; at dapat sana'y masaya siya. But instead, she found herself thinking about Jude and his sailing sessions every weekend. At kung dapat ba siyang sumama rito. Kung kasama niya si Cristy, she would be safe.

Hindi mula kay Jude kundi mula sa kanyang sarili. From her restlesness, her need, her hunger. While her mind worked to help her forget, paulit-ulit namang binabalikan ng kanyang katawan ang mga nakaw na sandaling pinagsaluhan nila. The ecstacy she'd felt under Jude's hands and mouth. She was thirty-one, at maraming gabi na pagkatapos ng nakapapagod na araw ay hindi siya mapagkatulog.

Sa ganoon na lamang ba niya uubusin ang kanyang buhay? Talaga bang ayaw niya ng isang lalaki sa kanyang buhay? Ng sariling anak? Of course gusto niya ng isang lalaki. Hindi ng kung sinong lalaki—kundi isa na abuhin ang mga mata, at pilyo ang mga ngiti. Ngunit hindi ganoon kasimple ang lahat. She could dream, but dreams were but a heap of unanswered wishes.

MAALINSANGAN ang sumunod na linggong iyon. She was listless na nasa veranda at nakatanaw lang sa dagat nang mag-ring ang telepono. Jude's voice was low in her ear, almost bored. Kung gusto raw ba nila ni Cristy na sumama rito mamingwit sa sailboat?

He sounded na tila hindi ito gaanong interesado sa kung anuman ang isasagot nila. Biglang naglaho ang boredom niya, nerves sparking to life dahil naintriga sa indifference nitong iyon. Tinakpan niya ang mouthpiece at tinanong ang pamangkin.

Excited niyang sinabi kay Jude na sasama sila. An hour later ay dumating ang lalaki upang sunduin sila. Naka-printed short-sleeved polo, brown na walking shorts at topsiders ito, tila model ng summer outfit. Ngunit wala itong kangiti-ngiti sa mga labi. "Okay, handa na ang lahat. Tara na."

And his voice was cold and controlled, tulad ng expression nito. As if nagpipigil ito ng kung anong galit.

"May problema ba, Jude?"

She shouldn't have asked. Tinitigan siya nito, with a message that he needed to see her. Na nag-propose ito ng isang bagay na alam nitong hindi niya madaling matatanggihan. And she'd seen his pain.

Instinctively ay gusto niya itong hawakan, seeing him at close range. His face was stark, his mouth drawn tight with control. Something was eating him from the inside. She wanted to put her fingers to that taut skin and soothe the pain away. .

"No, Trish. Walang problema. ."

Hindi siya papayag na maitsa-puwera nang ganoon na lang. "Sabihin mo sa akin kung anong problema, Jude."

Bahagyang naningkit ang mga mata nito, and she saw the pain ebb a little. "Okay, ngunit hindi ngayon. Later. Hindi ko gustong sirain ang araw ni Cristy."

Hindi rin niya gustong gawin iyon, kaya wala siyang magawa kundi ang tawagin na si Cristy at sumunod sa lalaki paglabas nito. Gamit ang sasakyan niya'y dumiretso sila sa bago nitong tahanan sa di-kalayuan, isang bungalow sa tabing-dagat na may sariling munting pantalan.

At naroon ang isang maliit na sailboat na may puting layag na nakarolyo. Tinulungan sila ni Jude na makasampa sa sailboat. It was too small para magkaroon ng cabin, ngunit may dalawang nakahilerang benches sa magkabilang gilid na maaari nilang maupuan.

We would be in close physical contact every minute, isip-isip ni Trixia. Kanina pa rin niya napupunang tahimik si Jude, na hinahayaan siyang mag-initiate ng conversation. Iniiwasan din nitong magkaroon sila ng eye contact nang iabot nito sa kanya ang ilang equipments tulad ng life jacket, Coleman coolers, fishing rods at caps. Gusto niya tuloy magdalawang-isip sa pagsamang ito. What seemed like a good idea nang ayain siya nito kanina'y unti-unti at patuloy na sumasama, with Jude wearing a face like stone nang sa wakas ay i-start nito ang motor. Ilang sandali lang ay mabilis na nilang binabagtas ang tubig hanggang mayamaya ay nasa laot na sila.

I Love You...Friend - Olga MedinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon