Chapter 2

183 4 0
                                    

PALUBOG na ang araw. Muli ay kulay-ginto ang langit. Napangiti siya. Kanina, nang tinatangay-tangay ng hangin ang basang buhok ni Trixia, that stubborn little tilt sa panga nito, ang basang kasuotan na humapit sa mahubog nitong katawan.. she was all woman.

Ngayon lang ba niya tiningnan nang ganoon si Trixia? No. Dahil lagi niyang minamasdan ito noong fifteen na ito, and he was barely seventeen. He remembered nang mag-swimming ang mga pamilya nila sa Agoo at nag-bathing suit si Trixia—and the shame and frustration sa inability niyang kontrolin ang reaction ng kanyang katawan when he looked at her. He went awkward and wild and a little crazy.

He retaliated by being a nuisance—ipinagyabang dito ang girlfriend niyang si Melissa. Kaya siya itinulak ni Trixia sa tulay at bumagsak siya sa sapa. Halos isumpa siya ni Trixia noon. It was only later na naunawaan niya kung bakit ganoon ang ikinilos nito; they'd been too close, at sa ginawa niyang iyon, he'd instinctively driven her away. The alternative was to get more intimate. Na alam niyang hindi niya maaaring gawin.

Matagal nang naging magkaibigan ang mga Tolentino at Torres. Magkapitbahay sila noon sa Baguio at hindi miminsang magkasamang nagbabakasyon ang dalawang pamilya—suitcases, children and all, crammed into a van—sa La Union o Tuguegarao kung saan pareho silang may mga kamag-anak. Halos taun-taon nilang ginagawa iyon.

Hanggang sa ibenta ng papa ni Trixia ang properties nito at lumipat sa Cebu. At hindi niya malilimutan kung paanong kumuyom ang mga kamao niya, his nails biting hard into his palms nang tanawin niya ang papalayong van nina Trixia.

The women stayed in touch. Paminsan-minsan ay dumadalaw ang mga Torres sa kanila sa Baguio, minsan naman sila sa Cebu 'pag summer. Na-maintain ng kanilang mga magulang ang friendship ng mga ito; ngunit para sa kanila, time, distance, different schools and friends had made them strangers.

The old rapport was gone. Naiilang siya kapag nakikita ito, and he was sure na ganoon din si Trixia sa kanya.

Maliban kanina. He'd felt alive, real, ready. For what? Magsimula muli? To recreate old intimacy? Imposible.

LINGGO ng gabi ang paboritong oras ni Trixia. Dahil totally ay nakapagre-relax siya bago magsimula ang isang panibagong linggo. Ngunit ngayon ay panay ang sulyap niya sa eleven-year-old niyang pamangkin na si Cristy.

Usually ay relaxed ito habang kumakain sa harap ng TV. Ngunit ngayon ay tahimik ito, retreating back to her shell. At alam niya kung bakit. Dahil sa presence ni Jude.

At ease na nakahilig ang lalaki sa sofa katabi niya, nakataas pa ang dalawang paa sa isang stool habang umiinom ng beer at kumakain ng share nito ng pizza.

Hindi nito kilala si Jude. Nakita lang ito ng bata sa pictures. At nito ngang mga nakaraang araw. Sa kabila ng kasanayan ni Jude sa company ng bata, nanatiling reluctant pa rin dito si Cristy.

It was incredible na hanggang ngayon ay shocked pa rin ito sa pagkamatay ng mga magulang ilang taon na ang nakakalipas. Dahil sinisisi nito ang sarili sa pangyayaring iyon.

Member ng isang swimming club ang bata, na nang manalo sa isang competition ay dinala ng mga magulang sa isang resort sa Mindanao bilang reward. At doon naganap ang malagim na aksidenteng kumitil sa buhay ng mga magulang nito.

Pauwi na sila nang madamay sa isang ambush. Nakasunod ang sasakyan nila sa isang military truck nang harangin ng mga rebelde. Si Cristy lang ang survivor, sadya talagang binuhay. At para sa bata'y isang sumpa iyon.

At alam niyang hamon sa kakayanan ni Jude ang kaso ni Cristy. He'd made a few friendly overtures na tinanggihan ng bata. At hindi naman naging mapilit ang lalaki.

Kampanteng-kampante si Jude na nag-iisang lalaki sa silid na iyon. Ang mama niyang si Melinda at ina nitong si Susan ay masiglang nagkukuwentuhan sa gawi ng komedor.

I Love You...Friend - Olga MedinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon