Chapter 9

145 1 0
                                    

"HINDI mo ba alam kung gaano kapanganib para sa isang babae na pumasok nang hubo't hubad sa silid na isang lalaki, Trixia?" tila namamaos at breathless na tanong ni Jude, ang mainit na hininga'y bumubuga sa gawi ng kanyang tainga.

"J-Jude, n-nagkakamali ka—" Ngunit hindi niya naituloy ang sasabihin nang mapapitlag siya. Dahil buong-kapangahasang dinama nito ang kanyang hubad na katawan, ang isang kamay ay gumapang sa kanyang mayamang dibdib. "J-Jude..!" Hindi niya alam kung paano magpoprotesta.

"Hush," saway nito na sandaling hinagkan siya sa leeg. Pakiwari niya'y nagbabaga ang labing iyon at hindi niya napigil ang mapasinghap. "Don't resist, my sweet Trixia. This is already meant to be. Noon pa."

A wellspring of emotions bubbled up inside of her. Something warm and wonderful; and it felt so right. Pakiwari niya'y mangangapos ang kanyang hininga nang muli siya nitong hagkan sa may batok at nagsimulang dumausdos pababa ang halik nito: sa kanyang shoulder blades, sa gitna ng kanyang likuran, sa banayad na contour ng kanyang gulugod...

Napasinghap siya. At ang bahagi ng isipang nagpoprotesta ay mabilis na nilulunod ng di-maipaliwanag na sensasyon. Her body was responding to his lovemaking, isang bagay na kay tagal na niyang pinanabikan, aminin man niya o hindi.

And she seemed powerless to resist it.

Parang baga ang bawat pagdantay ng anumang bahagi ng katawan nito sa kanya. Sa sandaling panahon ay nagliliyab na ang kanyang katawan sa pananabik at matinding pagnanasa.

At nang hagkan siya nito ay naglaho nang lahat ang kanyang inhibitions. Why, she loved the man so desperately na ginawa niyang miserable ang kanyang buhay.

"Trixia.. " Her name was like a prayer on his lips. At buong-pananabik na hinagilap nito ang kanyang mga labi at hinagkan iyon. It burned with an all-consuming intensity.

Her mind spun. Hindi niya akalaing ganito ang madarama niya sa mga bisig ni Jude. She was no longer cold, but she felt every nerve tingling with life, singing with anticipation.

Ginagap ni Jude ang kanyang mga kamay, and their fingers locked. He brushed his naked body against hers, and air seemd to crackle with electricity nang bahagyang sumayad ang kanyang dibdib sa dibdib nito.

Humugot ito ng isang malalim na hininga, at dahan-­‐‑dahang minasdan ng mga mata nito ang kanyang kahubdan. There was raw admiration and longing in his eyes.

"So very... feminine, so... mysterious, so ripe and complete. A total woman.

Alam mo bang nakita kita nang gabing iyon na lumusong ka sa dagat?

Pakiramdam ko... nakita ko sa mga sandaling iyon ang iyong puso.

Ngayon, nakikita ko ang mismong nilalaman ng iyong pagkatao..." bulong nito.

Pakiwari niya'y balsamong humaplos ang mga salitang iyon sa isang malalim na bahagi ng kanyang damdamin.

"Kung alam ko lang, sasama ako sa iyo kahit saan nang mga sandaling iyon..." Isang matipid, ngunit mapaglarong ngiti ang sumungaw sa mga labi nito.

"Talaga, Trixia?" tanong nito na naniniyak. In a blaze of love ay tumingkayad siya upang hagkan ito. For once, nais niyang ipagkaloob ang buo niyang pagkatao sa lalaking ito na kanyang iniibig. For once...

"Trixia," he whispered in jagged breaths. Pinakawalan na nito ang kanyang mga kamay, and proceeded to make love to her.

MID-­‐‑AFTERNOON na nang bumangon si Trixia at tumanaw sa labas ng bintana. Diretso pa rin ang ragasa ng ulan sa labas. She was not aware kung huminto ba iyon kahit minsan habang magkaniig sila ni Jude.

I Love You...Friend - Olga MedinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon