Chapter 3

164 5 0
                                    

KAMPANTENG nakaupo ang binata sa rocking chair ng kanyang mama, his long legs stretched out na pinagkrus sa bukung-­‐‑bukong. Nakasampay ang jacket sa sandalan ng rocking chair na animo'y nasa sarili nitong bahay. Sa side table sa tabi nito'y ang malamlam na lampshade. "H-­‐‑hi," aniya. "A-­‐‑ano'ng ginagawa mo rito?"

Nag-­‐‑angat ito ng tingnin, his chin tilting na animo'y nagulat pang makita siya roon. "Hello, Trixia." He looked half asleep, ngunit alam niyang alerto ang utak nito. Ibinaba niya ang kanyang bag sa kalapit na upuan, her heart sinking. Pagkatapos ng engkuwentro nila ni Alvin, she felt too raw, too vulnerable. Hindi niya gusto ang one-­‐‑on-­‐‑one na ito kay Jude. But she knew she deserved this matapos niyang iwasan ang lalaki sa buong magdamag.

"Bakit kailangan mo pang hintayin ako?" Noon ay ginagawa rin ito ni Jude kapag alam nitong ginagabi siya ng uwi. "Hindi na ako bata. I'm. . grown up." "Are you grown up enough para humingi ng medical report bago ka sumama sa lalaking iyon?" Nanlaki ang mga mata niya. "Jude!"

"Maaga pa," dagdag pa nito na sumulyap sa relo. Napikon siya, ipinasyang patulan ang lalaki. "Maybe we're quick. Dahil alam niyang may pasok pa ako sa office bukas." Naningkit ang mga mata nito. "Sex is dangerous these days, Trixia. Nakataya rito mismo ang buhay mo. At wala akong tiwala sa karakter ng lalaking iyon."

"Oh, buhay ko ito, Jude!" aniya na itinaas pa ang dalawang kamay sa ere. "Alam ko ang ginagawa ko. Mapayapa akong nabubuhay rito nang maraming taon nang hindi nangangailangan ng iyong medical advice. At ganoon pa rin ang balak kong gawin sa susunod pang mga taon." Sinalubong niya ang mga mata nito. "I'm not a part of you," pagdiriin niya. "Talaga?"

Naghahamon ang salitang iyon. Husky and loaded with intimacy. "Umuwi ka na, Jude." Mabagal na tumayo ang lalaki. She stood very still, pinapanood ang paghakbang nito palapit sa kanya. One step, two.. napalunok siya. Sa isang kisap-­‐‑mata ay nagbago si Jude—from an old friend to a combatant in the oldest game of all. He'd become a member of the opposite sex. Whose mind she couldn't read. Naging alerto siya. "No. . huwag mong gawin ito, Jude. ."

"Gawin ang alin?" He reached out at dinama ng mga daliri ang isang strand ng buhok na nasa kanyang leeg, his brilliant gray eyes playing over her face. "Hinagkan ka ba niya?" Nag-­‐‑angat siya ng mukha. "Oo," pagsisinungaling niya. "Hindi ka mukhang hinagkan kaninang pagpasok mo," malumanay na patuloy lang ni Jude. "Hindi namumula ang mga pisngi mo na tulad ngayon. Bakit gusto mo akong paniwalain na may namamagitan sa inyo ni Alvin, Trish? Ano'ng ikinakatakot mo?"

He was close enough to touch, at natagpuan niya ang sariling nakahawak rito, her arm resting on his cotton-­‐‑covered chest. Pakiramdam niya'y nasa loob siya ng kung anong piitan. "P-­‐‑pakawalan mo ako," she murmured. He had mesmerized her with those eyes, drawn her close and captured her. "Hindi kita hawak, Trish," he said softly. "Ikaw ang nakahawak sa akin."

Para siyang nagising na aalisin na sana ang mga kamay. Ngunit mabilis nito itong nahuli. At muli iyong idiin sa dibdib nito. "Dammit, Trish, no. Leave them there." Tumatagos sa kanya ang mga mata nito, determined na aminin niya ang katotohanan. "For once in your life, aminin mong gusto mo akong hawakan tulad ng pagnanais kong mahawakan ka, Trixia."

His word, and the heat of his body under his hands, made desires rise in her. Burning. Heating up. Too strong to be denied. "K-­‐‑kailangang pakawalan mo ako." Ngunit nauuhaw ang mga labi niya na matikman ang mga labi nito. "Gusto mong hagkan kita, 'di ba? Aminin mo, Trish. Say it." Umiling siya. Her skin burned, and her body ached, ngunit hindi niya maaaring sundin ang nais ng kanyang katawan. There was a promise of paradise sa mga mata nito, but it was a cruel sham. That paradise. Dahil kaakibat niyon ang regrets. "Gusto kong bitiwan mo ako, Jude." A fire flared in his eyes. Kung hindi niya ito kilala ay baka natakot na siya. At walang sabi-­‐‑sabing binitiwan siya nito at umatras. "Kung iyon ang gusto mo."

I Love You...Friend - Olga MedinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon