Chapter 5

114 5 0
                                    

"B-­‐‑BAKIT ganyan ang itsura mo?" tanong niya.

"Ikaw, ba't nandito ka? Brownout na'y bumabagyo pa."

"K-­‐‑kailangan kita kasing makausap. Sige, magbihis ka muna't hihintayin kita."

"Hindi ako maaring magbihis dahil balak ko sanang mag-­‐‑shower nang mamatay ang ilaw. May nag-­‐‑overload siguro o naputol na kawad. May kandila na nga ako sa banyo nang marinig kitang sumisigaw. Mabuti't hindi pa ako nagbabasa. Pumasok ka nga muna."

Bigla siyang naasiwa na pumasok. Hindi dahil sa itsura ni Jude, kundi dahil sa nararamdaman niya habang nakatingin dito. Underneath the towel ay halos tiyak niyang naked ito.

At gustuhin man niya o hindi ay kung anu-­‐‑ano ang biglang naglaro sa kanyang utak.

Ngunit imposible namang manatili siya sa terrace. Hanggang doon ay inaabot siya ng ulan at dahil basa ay giniginaw na rin siya. Bagyo na nga yata ang ulan na ito. Pumasok siya.

"Gusto mo ng mainit na maiinom? Kape? Hot chocolate?"

"Kape na lang. Dalhin mo na itong flashlight para hindi ka mahirapan."

"Huwag na. Ikaw naman ang madidiliman."

He disappeared into the darkness, isang anino na gumagalaw sa kadiliman. Pagbalik nito'y may dala na itong dalawang mugs ng mainit na kape. His chest was dark ang hairy, the muscles in his arms gleaming sa liwanag ng flashlight. At mysterious ang mga aninong naglalaro sa mukha nito, sa dibdib, sa pusod.

She clenched her teeth. Hindi ito magiging kasindali ng tulad ng inaasahan niya. She didn't feel safe na kasama ito sa dilim, habang nagsusungit ang panahon sa labas. Paano niya kakausapin nang matino ang isang lalaking walang ibang saplot maliban sa tuwalyang nakatapi rito?

Nag-­‐‑propose pa siya ng toast ditong itinaas ang kanyang mug. "Para sa... pagtahimik ng panahon at mabilis na pagbabalik ng kuryente."

Itinaas naman nito ang hawak na mug. "Sa pagtahimik ng panahon at pagbabalik ng kuryente."

Humigop siya ng kape, trying to be as civil as possible. Gumuhit iyon sa kanyang lalamunan. Tumayo naman ang lalaki at tinanaw sa bintana ang bagyo sa labas. Kumidlat at lumiwanag sa labas; at kisap-matang nabuo ang silhouette nito. Her hand shook.

"H-­‐‑hindi ka ba nagtataka kung bakit pumunta ako rito?"

"Alam ko naman ang sasabihin mo. At hindi ako nagmamadali." Humarap ito at isang madilim na bulto ng lalaki ang lumapit. Ni hindi niya maaninag ang mukha nito. She shuddered.

"B-­‐‑baka kasi may dumating na eviction letter sa 'yo bukas," pauna na niya. "I'm sorry, wala yata ako sa sarili ko kaninang umaga nang pirmahan ko—"

"Oh, it's all right. 'Wag kang mag-­‐‑alala, Trish."

Ngunit hindi niya matiyak kung tapat ito sa sinabi nito. He sounded mocking, half-kidding, half-serious. "Still, I'm sorry," pag-­‐‑uulit niya. Saka binago ang usapan. "Dumaan nga si Mina at inimbitahan ako sa lunch. Sinabi niya sa aking na-­‐‑convince ka raw niyang sumali sa rotary." She paused, huminga nang malalim, saka nagpatuloy. "That means lalo pa tayong magkikita dahil may semimonthly ang meeting ng rotary."

"Pinoproblema mo ba 'yon?"

Problema? Kung alam lang nito ang naging umaga niya. "Hindi naman. Pakiramdam ko lang kasi, parang.. medyo masyado kang nag.. " Nangapa siya ng salita. "Nag-­‐‑e-­‐‑encroach sa buhay ko."

"Encroach?" marahang ulit nito. Then sarcastic na, "Well, I'm sorry. I didn't realize I was intruding."

"Hindi 'yon ang ibig kong sabihin. May karapatan kang gawin ang gusto mo—"

I Love You...Friend - Olga MedinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon