"WHO WILL BE PROUD OF ME?"
By: Janna•𝚆𝙾𝚁𝙺 𝙾𝙵 𝙵𝙸𝙲𝚃𝙸𝙾𝙽
•𝚃𝚈𝙿𝙾 𝙰𝙽𝙳 𝙶𝚁𝙰𝙼𝙰𝚃𝙸𝙲𝙰𝙻 𝙴𝚁𝚁𝙾𝚁𝚂
•𝙿𝙻𝙰𝙶𝙸𝙰𝚁𝙸𝚂𝙼 𝙸𝚂 𝙰 𝙲𝚁𝙸𝙼𝙴
•𝙾𝙿𝙴𝙽 𝙵𝙾𝚁 𝙲𝚁𝙸𝚃𝙸𝙲𝙸𝚂𝙼This story is dedicated to Ms. Aira.
"Amira, bago ka umalis ng bahay, asikasuhin mo muna yung labahan, tapos magluto ka na rin ng tanghalian para pag-uwi namin mamaya may kainin kami." Utos ni Mama.
Hindi pa nga ako nakakamulat puro na siya utos.
"Bumangon kana diyan! Anong oras na aba, hindi ka mayaman para gumising ng tirik ang araw!" Dagdag niya pa.
Pinilit kong bumangon kahit antok na antok pa ako. Pagtingin ko sa labas ay madilim pa. Tirik daw ang araw.
Napatingin ako sa kanila ni Lisa na nagbibihis.
"Saan po kayo papunta?" Mahina kong tanong habang tinutupi ang hinigaan namin.
"Ibibili ko ng bagong damit si Lisa, recognition kasi nila mamayang alas tres, alam mo may award siya." Proud niya pang sabi at ang laki ng ngiti.
Recognition din namin mamaya, may award din ako at medal.
Napatingin ako sa karton na nasa ilalim ng lamesa sa kuwarto namin na puno ng certificates at medals ko.
"Ma, recognition din namin mamay-"
"Hay naku Amira, bilisan mo na diyan." Napahinga na lang ako ng malalim bago pumunta sa kusina para magluto. As expected.
Kahit kailan hindi ko nakitang gano'n si Mama sa akin kapag sinasabi kong may award ako, ni hindi niya nga ako masamahan sa stage eh.
Recognition na namin at graduating ako ng senior high this year pero parang hindi ata nila alam.
"Amira, kumusta ang pag-aaral mo?" Napalingon ako sa tinig na narinig ko. Napangiti ako ng makita ko si Papa na malawak ang ngiti.
Unti-unting tumulo ang mga luha ko ng bigla na lang siyang naglaho sa paningin ko.
Papa, miss na miss na kita.
Kaagad kong pinunasan ang luha ko at nag-asikaso na para magluto pero hindi ko pa rin maiwasang umiyak habang ginagawa lahat ng bilin ni Mama.
Kagaya ng bilin ni Mama ay ginawa ko na lahat bago ako pumunta ng school. Nakalimutan ko pang plantyahin ang uniform ko bago pumasok dahil gahol na ako sa oras.
"Amira, kanina ka pa namin hinahanap, nasaan ang Mama mo?" Tanong sa akin ng adviser ko.
"Sorry po, hindi po siya makakarating eh, may trabaho po." Rason ko. Yun na lang palagi ang sinasabi ko tuwing kailangan si Mama sa school.
"Gano'n ba? Sayang, ang dami mo pa namang awards, di bale, ako na lang muna ang aakyat." Nakangiti niyang sagot sa akin at ginulo ang buhok ko.
Nagsimula na ang ceremony at umupo na ako ng maayos sa isang tabi. Nang tawagin na ang mga pangalan kada section ay naghanda na ako na tawagin ang pangalan ko.
"Amira Havier, With highest honor, Best in Mathematics, Best in Science, Best in Communication Arts - English, Most Outstanding Journalist, Leadership Awardee, champion in Science quiz bee, champion in English quiz bee, champion in painting competition..." Hindi ko na pinakinggan yung iba at naglakad na papunta ng stage. Hindi ko man lang magawang ngumiti habang yung ibang estudyante ay pumapalakpak sa akin.
"Congratulations, Amira, siguradong akong proud na proud ang Mama mo sa'yo." Nakangiting bati sa akin ng principal namin.
Sana nga.