chapter 2

0 0 0
                                    


Nandito ako Ngayon sa bar sinama ako ng kaibigan Kong napakabait dinaig pa Ang dagang mabait! Tumawag Siya sa akin kanina Ang Sabi niya isasama niya daw ako sa bar para daw makapag relax daw ako Kasi Wala na daw akong ginawa kundi trabaho at Bahay! So pumayag na ko bored na Rin naman ako dito eh at saka may ipapakilala daw Siya sa akin na kaibigan ni lander! Wala naman ako pakialam sa sinasabi niya tungkol don sa kaibigan ni lander Ang gusto ko Lang talaga ay Ang magliwaliw tutal bukas ay wala ulit akong pasok dahil linggo ay di pinatulan ko na Ang pag invite niya! 

Best alam mo gwapo naman iyong kaibigan ni lander ah at saka mayaman di ka na lugi no! Baka Yun pa nga Yung lugi sayo Kasi Amoy laway k- 

Tinakpan ko Ang bibig niya dahil sa sinabi niya. Ito talagang babaeng to Hindi matigil Ang bibig Wala talagang preno! Nakakahiya tuloy kung may makarinig. Buti na Lang at bar ito at maingay dahil sa lakas ng sound! Pero Kasi anlakas ng pagkakasabi niya! Kailangan niyang isigaw Ang sasabihin niya para magkarinigan kami letche!

Hoy babae! May kasalanan ka pa sakin kanina tapos Ngayon dagdagan mo ulit?! Pede mo naman Yan sabihin sakin ng private Yung tayong dalawa Lang Ang magkakarinigan!

Ngumuso Siya kapagkakuwan

Eh ikaw Kasi Ang bitter mo! Halika na nga lang at ipapakilala kita sa kaibigan ni lander. Sabi niya at hinila na ako sa pagkakaupo,Marami kaming kasama Ang ilan ay karamihan mga kaibigan ni lander at Ang iba naman ay mga friends din ni Lara. May mga kakilala din naman ako dito dahil lahat naman ng kaibigan ni Lara kaibigan ko na Rin especially noong college kami.pero kami Ang pinaka close  na dalawa ni Lara.

Lumapit kami sa upuan Nina lander magkaiba Kasi Ang upuan ng mga lalaki sa mga babae kumbaga ay separate. Umupo naman si Lara sa tabi ni lander at agad na inakbayan Siya ni lander at humarap naman saakin si Lara pinaupo niya ako sa tabi niya kaharap namin Ngayon Ang sinasabing kaibigan ni lander. 

Ah Zander ito nga pala Ang best friend ko si princess Laine. Sabi ni Lara sabay pakilala sa akin , siniko niya ako at sinabing makipag shake hands Kay Zander na ito.

Ayoko namang magmaldita Ngayon dahil Wala ako sa mood magmaldita kaya nilahad ko Ang kamay ko sa harap.

"Laine Casade . Sabi ko sabay lahad ng kamay sa kanya 

Ito namang lalaking ito ay tiningnan Muna ng ilang minuto yata iyon hanggang sa naisipan na makipagkamay. Abat antipatiko Rin pala Ang Isang ito walastik.sa loob loob Koy nag ngingit ngit na ako sa Galit dahil sa ilang minuto ng nakalahad Ang aking kamay sa harap niya!

 "Zander Gail Ramirez.sabi ng antipatikong ito. "Nice ...tumingin Siya sa aking dibdib at saka nagsalita ulit. "To meet you miss princess Laine. 

Nagngitngit naman ako sa Galit dahil isinama niya pa Ang princess na kinaiinisan ko grrrrr!!! Kaya naman noong  naglapat Ang aming mga kamay diniinan ko Ang pagkaka shake hands ngunit ako pa yata Ang nasktan dahil sa Tigas ng kamay niya at may pagka maugat pa yon kaya naman ng Wala naman ata itong balak na bitiwan Ang aking kamay ay ako na Ang nagkusang bumitiw dito at Nakita ko itong nakangising aso sa harap ko.tiningnan ko naman ito ng masamang tingin dahil palagi ko siyang nahuhuling nakatingin sa aking dibdib! Kanina pa kami nag shake hands ngunit palagi parin siyang nakatingin saakin at nakakairita iyon! Nakasuot ako Ngayon ng black leather jacket at black na pants at puting tube sa loob ng jacket Yung Zander naman ay nakasuot ng itim na t-shirt at itim Rin na pants kita Ang muscle niya dahil may pagka fit sa kanya Ang kanyang t shirt. I will say na he's handsome nothing more tama na Ang papuri sa lalaking ito. Binalingan ko na Lang Ang kaibigan Kong si Lara na nakikipagkuwentuhan na sa kanyang shota na si lander. Uminom na Lang ako ng alak na nasa harap ko sinalinan ko Ang aking baso at saka tinunga ,nang mapatingin ako sa harap ko ay Nakita Kong nakatingin itong lalaking ito saakin! Abat kanina pa ito ah! Ang ayoko sa lahat ay tinitingnan ako Hindi ako komportable kapag Ganon! Kaya ng Nakita Kong tumingin ulit itong lalaking ito sa dibdib ko ay tumayo ako at sinuntok ito sa muka!

"What the heck?! Sabi ng lalaking ito at kunot noong tumingin saakin. 

Nakatingin narin sa akin Ang lahat ng nasa lamesang iyon pati na Rin  si Lara pati Ang kanyang boyfriend.lumapit sa akin si Lara 

"What the hell Laine! Bakit mo Siya sinuntok! Umalburoto na naman yang ka boksingerahan mo?! Oh my goodness Laine! Sabi sabay tingin sa akin at sa kaibigan ni lander 

"Ah eh z-zander p-pasensya ka na sa kaibigan ko huh Hindi naman niya sinasadya?nagaalangang Sabi niya na parang kinakabahan pa.

"Bro okay ka lang? Sabi ng isa nilang kaibigan Yung katabi nong Zander sabay tawa at tapik Kay Zander.

Nakatingin naman sa akin Ngayon Yung Zander ng masama dahil sa ginawa ko.

"Laine mag sorry ka sabihin mo di mo sinasadya na may lamok lang na dumapo sa pisngi niya Kay nasuntok mo hehe. Peke niyang ngiti saakin, ako naman Ngayon Ang humarap sa kanya.

"Gaga pano ko Hindi susuntukin Yan eh kanina pa nakatingin sa dibdib ko! Malamang susuntukin ko Yan! Binabastos ako eh! Sabi ko at masamang tumingin sa Kay Zander.

Nagngiting aso na naman si Zander sa akin kaya mas Lalo akong naiinis! 

"Miss ano namang titignan ko sa dibdib mo eh Wala naman atang laman Yan eh akala ko nga dalawa Yung likod mo. Nawewierdan Lang ako kaya ako tumitingin,it seems like you have two back.Sabi niya at ngumisi 

Nagngitngit naman ako sa Galit at sa Galit ko ay sinampulan ko ulit Siya ng isa pang suntok para matauhan Siya!

"Hoy lalaking gorilla! Para sabhin ko Sayo napakayabang mo eh baka nga maliit din yang talong mo eh! Sabi nila kapag daw malaki Ang katawan maliit daw Ang talong! Sabi ko sabay ngisi. Pagkatapos ay iniwan ko na sila doong tulala at nakanganga kasama na Ang bff Kong shunga. 

Naglalakad na ko Ngayon paalis ng bar ng humabol Ang bff ko .

"Hayyy Buti naabutan kita! Ang bilis mo maglakad huh!

"Oh Ang boyfriend mo? Pagkasbi ko niyon ay saka naman lumabas Ang boyfriend niya. Nakangising Ngayon at nakatingin sa akin, kaya kumunot Ang noo ko dahil parehong na Silang dalawa ng bff Kong nakatingin saakin at nakangisi. 

"Anong klaseng muka niyo Yan! Muka kayong mga aso! Sabi ko at nagmartsa ng aalis. 

"Ingat ka princess! Sigaw ni Lara kaya naman binalingan ko Siya ng masamang tingin at sumakay na ko sa kotse at pinaandar iyon paalis sa bar.


love can hurt like thisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon