chapter 7

0 0 0
                                    



Pagkatapos namin Kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko rito at pag pasok ko ay nakaayos na Ang mga damitan ko siguro ay inayos na ni nanay. Pumunta ako sa balcony  ng kwarto at tiningnan Ang dagat pagapak ko pa lamang sa sahig ng balcony sumampal na agad saakin Ang simoy ng hangin! Ito Ang pinaka gusto ko rito sa isla Ang hangin dito ay ibang iba sa manila it feels like this is the place that you can have a peace! Bukod pa rito Ang makikita mong tanawin sa harap mo Ang dagat na asul na humahampas sa buhangin na puti at Ang mga  iilang puno ng niyog na nakpagdagdag ng kagandahan sa paligid.sa ilang minuto ko doon naisipan Kong bisitahin Ang mga anak ni nanay at dalhin sa kanila Ang pasalubong ko. Kinuha ko Ang mga pasalubong ko sa kanila at inilagay iyon sa Isang paper bag at saka ako bumaba at lumabas ng Bahay. Habang naglalakad tinitingnan ko Ang dagat naka dress ako Ngayon na sky blue nililipad ito dahil sa hangin pati narin Ang itim at hanggang baywang Kong buhok. Nang natanaw ko na Ang Bahay nila nanay Nakita Kong nakaupo sa duyan si ella, nakatingin Siya sa dagat kaya Hindi niya ako nakikita pa.lumapit ako at umupo sa tabi niya,tumingin Siya sakin at naningkit Ang mata hanggang sa nanlaki Ang mga mata nito.

"Ate Laine! Niyakap niya agad ako. Tumawa naman ako sa inasta niya.

"Dalaga ka na Ella ah! Ang Ganda Ganda mo na mana ka talaga sakin!!

"Aba syempre ate mana talaga ko Sayo! Tumawa Siya at natawa narin ako,binigay ko sa kanya Ang paper bag na pasalubong ko sa kanilang lima.

"Ay ate thank you dito ah pero ate Sabi ni nanay wag na daw kaming tatanggap ng mamahalin na bagay galing saiyo. Kumunot naman Ang noo ko,alam Kong ayaw ni nanay iyon kaya Ang binili ko na Lang sa kanya ay dress Sampong dress actually.

"Ate Kay Kuya itong mga damit? Ate nasa maynila na sina Kuya knight at Kuya light, tapos na Kasi ng college! Engineer na Silang dalawa ate!! Masayang Sabi niya, masaya Rin ako dahil naabot na ng dalawa Ang pangarap nila.

"Ang galing naman nila Sabihin mo sa kanila proud ako sa kanila ah!

"Oo ate madalas Silang tumawag samin para mangamusta sasabihin ko sa kanila kapag tumawag ulit sila.

"Eh Sina klea at Clark? Ah nasa Bahay ate bihira naman lumabas si ate klea si Kuya Clark naman nagttrabaho sa restaurant mo ate. Tumango naman ako sa kanya at ngumiti.

" Anong year na ba ni Clark? 

"Third year nasi Kuya Clark si ate naman first year ako naman grade 12.

"Ano bang ginagawa mo rito Ella?  Ayaw mo ba sa loob niyo? 

"Hindi naman po  gusto ko Lang magpahangin. Eh kayo po ate kailan kayo umuwi? Ngayon Lang nagpahinga Lang ako sandaLi sa kwarto saka ako dumiretso dito at para ibigay Yan sa inyo.ngumiti ako sa kanya.

"Ah gusto mo bang samahan ako Ngayon sa restaurant? Kakain Tayo! Halika na. Di ko na Siya hinintay na makapgsalita hinila ko na Ang kamay niya para makapunta sa restaurant ko dito sa siargao. Naglalakad kami Ngayon at maraming tao Ngayon dito dahil summer na maraming mga turista Ngayon dito at karamihan ay mga foreigner. Natanaw na namin Ang restaurant  ito ay gawa sa glass tulad ng  sa mga restaurant sa manila Kaya kapag pumasok ka dito tanaw mo Ang dagat kahit nasa loob ka may Aircon din sa loob nito. Pumasok na kami sa loob ng restaurant at pagpasok namin ay Maraming tao sa loob  kaya nahirapan kaming nakakuha ng mauupuan may kumakanta Rin dito tulad ng restaurant ko sa manila.

"Ella intayin Mo ako dito kukuha Lang ako ng pagkain natin ano bang gusto mo? Kahit ano  na Lang ate. Aniya 

Okay sige sandali lang ako. Lumakad na ako sa counter at Nakita naman ako ng manager ng restaurant si khristian.

"Ma'am Laine Hindi po kayo nagsabi na uuwi kayo. Nagkamot Siya sa ulo niya. Sana po napaghandaan namin.

Ok Lang khristian Hindi ninyo Rin mapaghahandaan.tumingin ako sa mga tao bago ibinaling ulit Ang tingin sa kanya.marami ngayong customer khristian kaya ayos Lang at Hindi niyo na kailangang paghandaan.ngumiti ako sa kanya para mapanatag Siya 

Eh kung Ganon ho ma'am ako na ho Ang kukuha ng order niyo mukang pagod pa ho kayo sa byahe at kailangan niyo ng mag dinner.pumayag na Lang ako sa kanya dahil baka nagugutom na si ella. Sinabi ko sa kanya Ang order ko at bumalik na Rin ako sa upuan ko. Nang umupo ako nagtatanong sakin si ella.

"Ate Diba kumakanta ka.ngumiti Siya saakin. Oo Ella pero nakakahiya Ngayon maraming tao. Eh ano naman ate Ang Ganda kaya ng boses mo saka isa pa Wala ka namang dapat ikahiya sa Ganda mong Yan!

Ano ka ba maliit na bagay!.nagtawanan kaming dalawa.oh maliit lang naman pala na bagay ate sige na kanta ka na saka isa pa simula ng papunta Tayo rito hanggang sa naupo Tayo kanina ka pa pinagtitinginan ng mga lalaki.humagikgik Siya

Nilibot ko Ang tingin sa kabuoan ng restaurant at napansin nga na may paminsan minsang sumusulyap sa akin at karamihan ay mga kalalakihan.oh ate si Kuya oh! Tiningnan ko naman Ang tinuro niya at Nakita ko ngang si Clark iyon. Lumapit Siya sa Amin dala Ang aming pagkain.ate Laine! Umuwi ka pala.nakangiti niyang Sabi saakin. Oo Clark. Ngumiti Rin ako sa kanya.

Halika saluhan mo na kami ni Ella dito. Ah Hindi na ate maraming customer kaya kailangan akong magtrabaho pati nakakahiya.ngumiti Siya na parang nahihiya, oh okay sa Bahay na Lang Tayo magdinner kasama sila nanay mamayang Gabi! Ngumiti Siya at sinabing kailangan na niyang bumalik sa trabaho, nagsimula na Rin kaming Kumain ni Ella.

love can hurt like thisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon