chapter 3

0 0 0
                                    


Nakasakay ako Ngayon sa kotse ng naisipan kong bumili ng pizza at cake inatake na naman ako ng cravings ko. Pauwi na ko Ngayon at g nasa tapat na ko ng gate namin ay binusina ko Ang sasakyan ko para pag buksan ako ni manong,di naman nagtagal ay binuksan na ito ni manong.

"Ginabi ho kayo ma'am.

Nginitian ko naman si manong guard.

"Nagrelax Lang ho manong.

Ipinasok ko na Ang kotse sa loob ng garahe at saka lumabas at kinuha na ang aking biniling pagkain at saka pumasok sa loob ng Bahay. Alas otso na pala Ngayon ng Gabi kaya siguro Nakita ko pa sa sala Ang tatlo Kong kasambahay na nanonood ng tv.

"Good evening ma'am laine.sabi nila

"Good evening din, Hindi pa kayo natutulog ah halikayo sa kusina may binili akong cake at pizza. Pumunta na ko sa kusina at sumunod naman sila.kumuha na ko ng mga Plato at tinulungan naman nila ako.habang kumakain naalala ko Ang nangyari kanina Yung pagsuntok ko sa Kay Zander.

"Tss bagay lang sakanya yon.di ko namalayan na na Sabi ko pala iyon sa harap ng tatlo kaya nagkatinginan sila at ngumiwi.

"Matutulog na ho ko akyat nako kayo na ho bahala magligpit kung kaya nyong ubusin ok lng pero Kong may matira pakilagay na Lang sa ref, good night.

"Sige ma'am goodnight din.

Nakahiga na ako Ngayon sa kwarto iniisip ko kung ano Ang gagawin ko bukas since wala akong pasok sa trabaho naisip ko na mag jogging  na Lang pampapasexy din iyon hehe at sa pag-iisip hindi ko na namalayang nakatulog na ko.

Tumunog Ang alarm clock ko na nasa side table ,inunat ko Muna Ang mga kamay ko bago bumangon at nag toothbrush  nagpalit narin ako ng damit na pang jogging leggings naitim at sports bra na itim rin.lumabas na ko ng Bahay at nag jogging , habang nag jogging nadaanan ko Ang Bahay nina Lara. Malaki Ang Bahay nila karamihan sa ding ding ng Bahay nila ay puro glass  hangang third floor din ito, Ang saakin naman ay hangang second floor lng. Nilagpasan ko na Lang Ang Bahay nila pagbalik ko na Lang ako dadaan sa kanila at doon na ko magaalamusal hehe.marami pa Kong nadaanang Bahay na puro magaganda at malalaki karamihan Kasi ng mga nakatira dito sa village  na ito ay mga mayayaman kung Hindi niyo naitatanong mayaman naman kami Yung Bahay na tinitirhan ko ay Bahay yon ng mga magulang ko bale fifteen years old ako ng nawala Ang mga magulang ko then now I'm already twenty seven! Pagbalik na ko Ngayon at nasa tapat na ng Bahay nina Lara nag door bell nako atpinagbuksan naman ako ng guard nila nginitian ko naman Ang guard.

"Good morning manong!

"Good morning din ho ma'am! 

"Sila tita ho nandito?Minsan Kasi ay wala sila dito nasa business trip kaya ako nagtatanong.

"Ay oho ma'am 

"Sige ho pasok na ko manong salamat.tumango naman Siya at lumakad nako papasok.

Pagbukas ng pintuan Siya namang nakaharap ko si Kuya khairo, Siya Ang panganay na kapatid Nina lara.hindi ko naman alam na nadito Siya siguro ay wala Rin siyang trabaho Ngayon naka short lang Siya at walang damit pang itaas eh.

"Oh Kuya walang work?

"Oo payatot.sabi niya at ngumisi,tinarayan ko naman Siya at nilampasan na.ganyan talaga Siya lagi akong tinatawag na payatot kapag nagkikita kami Hindi naman ako payatot sexy ko nga eh!narining ko pa siyang tumawa habang papunta ko sa kusina.naabutan ko namandon si Lara na bagong gising at magulo pa Ang buhok! Lumapit ako sa kanya at saka umupo sa harap niya at kumuha ng tinapay at pinalamanan,nagulat Siya dahil nasa harap niya ko Ngayon.

"Ginagawa mo dito?

"Aba kahapon ikaw itong pumunta sa Bahay ko no! Kwits lang Tayo! Pahingi! Kinuha ko sa kanya Ang palaman at pinalamanan Ang tinapay.

"Tingnan mo nga yang muka mo may panis na laway ka pa sa pisngi mo!Sabi ko at ngumisi sa kanya.dalidali naman siyang humarap sa salamin para tignan Ang Sarili.

Pagkabalik niya binatukan niya ko!

"Gaga ka talaga Wala naman eh wag mo nga ko  igaya sayo! Umupo Siya sa harap ko at humalukipkip.

"Oo nga pala yung kagabi! Ngumisi Siya saakin. 

"Bakit mo naman sinuntok kawawa naman nasugatan tuloy Yung gwapong muka ni Zander.aniya saka ngumisi.

"Aba! Deserve niya Yun no!

"Uwi na ko! Tumawa na naman Siya na mala mangkukulam. Busangot naman Ang muka ko ng lumabas sa Bahay nila naabutan ko pa si Kuya khairo na naglilinis ng kanyang sasakyan. Nakatingin Siya sa akin.

"Oh busangot na naman yang muka mo inasar ka na naman ni Lara sigurado.sabi niya at saka ngumisi at humilig sa kanyang sasakyan at tinitigan ako. Actually twenty eight years old na Siya! Wala pa ring asawa!

Sinimangutan ko naman Siya.

"Alis na ko Kuya painumin mo ng gamot si Lara mukang Wala sa wisyo eh.tumawa Siya sa sinabi ko ,nagmartsa na Kong umalis napatigil din ako sa sinabi niya.

"Naku Laine nanuntok ka daw sa bar.sabi niya saka humalakhak.

Humarap ako sa kanya saka nagsalita.

"Eh pano naman ako Hindi manununtok eh halos Hindi na ko lubayan ng tingin eh saka laging tumitingin sa dibdib ko! Humalakhak naman Siya kaya umalis na ko doon at dumiretso nasa Bahay ko.pagpasok ko ay naligo na agad ako at nagpalit ng puting dress na hanggang tuhod ko naisipan kong dumalaw sa puntod ng magulang ko,lumabas na ko at kinuha Ang sasakyan at pinaharurut papuntang cemetery.bumaba ako ng sasakyan at kinuha Ang dalawang bulaklak nilagay ko ito sa lapida ng aking mga magulang.

"Hi ma. Pa. Ngumiti ako at agad na nangilid Ang luha sa aking mga mata,tumingala ako at huminga ng Malalim.

"Miss ko na kayo.malungkot akong ngumiti at saka umupo sa mga damo at saka hinawakan Ang kanilang lapida.

Namatay sila dahil sa accident Hindi nila ako kasama dahil pumunta sila sa business trip nasa Bahay Lang ako non.kaya nong  may tumawag sa telepono at sinabing walana Ang mga magulang ko ay nadurog Ang puso ko naging kadamay ko Ang pamilya ni Lara noong panahong durog na durog ako.huminga ako ng Malalim at saka tumingin sa lapida Nila

"Saka na Lang po ulit ako dadalaw alis na po ako. Ngumiti ako ng mapait at saka tumayo na at umalis na doon at pinaharurot Ang sasakyan papuntang Bahay. 

love can hurt like thisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon