NERO
Nandito ang lahat ng pasyente sa canteen at kasama ko si Joseph sa table ko. Ilang saglit pa ay isang babae ang lumapit sa table namin at pulang-pula ang mga mata. Naka drugs ba sya?
" Hi. I'm Janine Bautista nice to meet you newbie." nakangiti niyang bati at nakalahad pa ang dalawang kamay tinanggap ko nalang ang kamay niya.
" Nero Soriano." napataas ang kilay ko nang ipatong niya ang hawak niyang tray sa table at saka nagsimulang kumain. Pareho sila ni Joseph mga weird.
" Joseph akala ko ba dadalhin mo ako nang bagong libro? " so they're knew each other. " wala ka talagang pagmamahal sa akin." kamuntikan ko ng maibuga ang kinakain kong sopas.
" May relasyon kayo? " hindi makapaniwalang tanong ko sa kanilang dalawa. Pareho naman silang tumingin sa akin pero ang mga mata nila ay nanlilisik.
Ipinulupot ni Janine ang kanyang kamay sa braso ni Joseph. " Bagay ba kaming dalawa? Marami kasing nangs-ship sa amin dito." abot langit ang ngiti ni Janine pero si Joseph naman ay kulang nalang na tumakbo.
" Medyo.." pigil na ngiti na sagot ko kaya naman mas lalong sumama ang mukha ni Joseph. Nang matapos kumain ay magkakasama kaming tatlo na pumunta sa garden kung saan may ginawang mga activities ang mga nurses.
Jumping ropes, volleyball at salong-bola ang mga activities. Wala ako sa mood para maglaro nang ganong activities, siguro kung basketball pa iyon ay baka nangunguna pa ako. Nasa isang bench si Joseph at merong binabasang libro habang si Janine naman ay nakikipaglaro ng habulan sa mga batang pasyente.
Nasa kalagitnan ako nang pagiisip ng biglang may tumigil na itim na kotse ang nag-park. Napatigil sa paglalaro ang mga bata at ang mga nurses naman ay humilera sa isang tabi at pare-parehong bumati sa middle-aged na babae.
" O M G siya yung mommy nang pasyente sa VIP suite." napatingin ako kay Janine dahil sa sinabi niya. Ilang araw nadin ang nakalipas simula nung nakapasok ako sa VIP room at masasabi kong ang swerte ko.
" Ang alam ko may leukemia ang pasyenteng nasa VIP, siya lang ang bukod tanging pasyente na hindi pwedeng lumabas." sabi naman ni Joseph pero atensyon ay nasa librong kanyang binabasa.
Hindi naman nakakahawa ang leukemia bakit hindi siya pwedeng lumabas? Pero nung makita ko ay masasabi kong malala ang sakit niya dahil sa kulay ng balat niya.
" Joseph, Janine at Nero bumalik na kayo sa mga kwarto nyo." kaagad namin sinunod si nurse Kim. Bumalik na kami sa kanya-kanyang kwarto.
Hindi ko alam kung bakit ako nac-curious sa babaeng iyon. Inayos ko ang higa ko dahil sa bandage na nakabalot sa braso ko, ilang minuto pa ay naramdaman ko ang pamimigat ng mata ko.
YOU ARE READING
Stay With Me
RomanceCassandra dreamed to have a perfect family. But that was not given to him, because the life that happened to him was an opposite in real life. She has been in hospital for years and the only people he can talk are the doctors and a nurses. She is su...